Bitter.

255 10 4
                                    

Sino ka ba para magalit?

     Hindi ba't ikaw yung unang naiinis lang sa kanya? Hindi ba't date ayaw mo din sa kanya? Ikaw yung naiirita pag nakikita mo siya, ikaw yung kwento ng kwento ng kung ano-ano sa kaibigan mo ng tungkol sa kanya? Hindi ba't naiinis ka sa tuwing nakikita mo yung muka niya? Ikaw yung deny ng deny pag inaasar ka ng kaibigan mo.

     Naalala mo ba? Nung nakilala mo siya? Hindi ba't unti-unting nag-bago ang nararamdaman mo? Yun ba'ng inaasar ka ng mga kaibigan mo sa kanya dahil wala ka nang ibang ginawa kundi siraan siya? Hindi ba't ikaw yung naiinis pero naka-ngiti sa mga panahong tinutukso ka niya?

     Nalaman mo na ayaw niya pala sa babae kaya na-turn off ka? 'Di ba sabi mo turn-off? Bakit? Dahil ba umasa ka'ng magugustuhan mo din siya? Hindi ba't ikaw lang ang dati niya'ng kaaway? Na kahit na laging kayo'ng nag-aaway, tuwang-tuwa ang mga tao sa inyo dahil muka daw kayo'ng aso't pusa? 'Di ba ikaw 'yon?

     'Di ba ikaw yung nainis nung nalaman mo'ng playboy siya? 'Di ba, kinukwento mo siya sa kaibigan mo dahil sa kalokohan niya? Kumakamot ka pa ng ulo sa inis. Galit ka nung nalaman mo'ng chic boy pala siya.

     Ikaw yung kunukulit niya tuwing recess, lunch at uwian. Naalala mo ba yung mga panahon na lalapit la siya sa'yo para mang-utang ng limang piso o mahigit? Naiinis ka kasi kahit 5 pesos, inuutang niya pa. Pero binibigyan mo naman 'di ba? Naiinis ka, hinahampas mo siya, pero naka-ngiti ka.

     Ikaw yung galit na galit nung nalaman mo'ng partners kayo sa project, naiinis ka kasi alam mo'ng i-aasa niya lang naman lahat sa'yo. Ikaw yung bumubulong sa kanya na mag-papalit ka ng partner tapos hihilingin niya sa'yo na wag dahil aayusin niya daw. Hindi mo naman nilapitan ang teacher 'di ba? Kasi gusto mo din siya'ng kasama.

     Ikaw yung inaya niya'ng gumawa ng project sa bahay. Nakilala mo ang magulang niya at sinabil nila sa'yo na ikaw ang unang babae na dinala niya sa bahay. Bahagya ka ding namang natuwa 'di ba? Kasi pakiramdam mo, special ka na. Ikaw lang naman ang kauna-unahang babae na nakilala ang mama niya na kabaliktaran ng ugali niya.

     Ikaw lang naman yung pinag-dadala niya ng pagka-bigat bigat na gamit or materials. Ikaw lang ang nakaka-sigaw sa kanya ng bongga. Ikaw lang naman yung babaeng hinahayaan niya'ng sigawan siya pero ngingitian ka lang. Natuwa ka din 'di ba? Lalo na nung sinigawan mo siya'ng tulungan ka pero kinindatan ka lang at iniwanang nahihirapan. Nag-dabog ka pero wala ka'ng nagawa.

     Ikaw lang naman yung nakipag-habulan sa kanya nung napikon ka. Ikaw lang naman yung babae'ng nagkaron ng pagkakataong sipain siya, hampasin siya, at sigaw-sigawan siya. Ikaw lang naman.

     Ano ka ba? Sino ka nga ulit? Ahh, oo. Ikaw yung babae'ng unti-unting natutuwa sa pang-aasar niya, ikaw yung babae na naging malapit sa kanya at sa mga kaibigan niya. Ikaw yung unang taong makikita niya sa tuwing papasok ka ng canteen para asarin at lokohin, pero masaya ka din 'di ba? Ikaw lang naman yung unti-unting nahuhulog sa mga ngiti niya. Ikaw yung babae'ng kinuhaan niya ng number. At nung tinext ka niya, ngumiti ka, ngumiti ka sa kawalan dahil masaya ka.

     Kung date, ikaw yung maninira sa kanya, ngayon ikaw na yung babae'ng kwento ng kwento sa kaibigan niya dahil kinikilig ka. Ikaw yung binatukan ng mga kaibigan mo. Dahil date, ayaw mo sa kanya, dahil date, hindi ka naniwalang mahuhulog ka din.

     Lahat na ng tao nag-tataka, lahat ng teachers boto sa inyo, sabi mo, nasa relasyon kayo, na siya ang bully mo. At ikaw ang victim niya. Sabi mo, hindi magiging kayo dahil alam mo'ng ayaw niya sa'yo. Sabi mo, hindi ka niya magugustuhan dahil wala na siyang nakita kundi kapalpakan mo.

     Ikaw lang naman yung babae'ng napa-gulong niya sa kama nang dahil sa isang "good night, :*" ikaw 'yun. Ikaw yung mag-sasave ng iba'ng messages niya sa folder para hindi mabura.

     Sa'yo lang naman siya humingi ng tawag nang naiyak ka sa pang-aasar niya. Naiinis ka, at napuno ka nang asarin ka niya dahil nadulas ka. Umakyat ka ng rooftop at siya lang ang naka-kita sa'yo. Mas nainis ka nang mag-sorry siya. Nainis ka kasi hindi mo kaya'ng magalit sa kanya.

     Ikaw yung babae'ng tinawag niya'ng crush. Umamin siya na may gusto siya sa'yo. You fell for him one by one, and everything at once.

     Ikaw daw yung unang babae'ng sineryoso niya, sabi ng kaibigan niya. Ikaw lang yung kauna-unahang babae na nag-tagal sa kanya ng dalawang taon.

     Ikaw lang naman yung babae'ng araw-araw niya'ng pinasaya, ikaw yung babae'ng napaniwala niya sa forever. Ikaw yung babae'ng patay na patay sa kanya.

     Pero ikaw din yung nasaktan niya nung iniwan ka niya, marahil dahil may iba'ng babae'ng mas nagpa-saya sa kanya nang nawala ka saglit.

    Nasaktan ka kasi saglit ka lang nawala, meron nang iba. Ang sakit 'di ba? Dahil yung dating "kaibigan" niya lang, naka-tuluyan niya pa.

     Pero mas nakaka-mangha lang, hindi ba't 'dun lang din kayo nag-umpisa? Sa pagiging magkaibigan lang?

    Pero ikaw parin yung babae'ng pinasaya niya, ikaw yung babaeng nirespeto niya, ikaw yung babae'ng minahal niya. Kaya wag ka'ng bitter, minsan ka din naman niya'ng pinasaya.

From: _____

To: Angel.

[Note: Photo at the side is Angel. (Ako yan.) Siya yung character na bh sa story. Siya yung sumulat ng 1st and 2nd letter. Yung letter na 'to naman, binigay sa kanya ng someone. :) Sana suportahan niyo lang! <3]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Ex | Writing Miss Bitter's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon