K4ïL4N

17 1 0
                                    

Kailan

Kailan ba naging sobrang mahal
Naging sobrang mahal na mahalin mo ang sarili mo
Na kailangan mo pang humingi ng opinyon ng iba
Para lang masabi mong, "ang ganda ko"

Kailan ka ba makakalimot
Makakalimot sa taong minsan ay minahal mo
Na minsan ay ginawa mong mundo
Na minsan ay pinaglaanan mo ng panahon
Panahon na hindi mo na alam ang kaibahan
Kaibahan ng mga salitang, "okay lang ako" at "hindi ko na kaya"
Panahon na pilit mong ikinukulong sa puso't isip mo na ikaw
Ikaw ang nagkulang

Kailan
Kailan ka ba matututong hindi dapat sumugal
Sumugal sa mga bagay na alam mong walang kasiguraduhan
Sumugal sa mga bagay na hindi mo kayang panghawakan

Kailan
Hangang kailan ka lalaban ng walang laman ang iyong mga kamay
Pinagpusta mo ang iyong kaibigan at tiwala sa sarili
Para lang sa isang panandaliang pangyayari
Pangyayaring pinapaniwala ka na ikaw ay maswerte
Pero alam mo sa sarili mo
Na kahit kailan ay di ka sinwerte

Kailan
Kailan ka ba nagsimulang ibigay ang iyong sarili
Na tila ba ang malilinis na mga punda ng ibang higaan
Ang magpapakinis ng iyong kagaspangan

Kailan
Kailan ka ba mapapagod
Dinidikit mo ang amoy ng iba sa iyong katawan
Para lang maitago
Maitago ang mga guho na pilit mong ikunukubli sa loob ng iyong mga damit

Kailan
Kailan ka ba naging, "pwede na"
Kailan ka ba naging pangalawa
Kailan mo naging pangalawang balat
Ang kalungkutan at pag-iisa?

Hinahanap mo siya ngayong gabi
Ngayong gabi na alam mong may iba siyang katabi
Ngayong gabi na dapat hindi
Hindi mo dapat siya iniisip

Kailan
Hanggang kailan ka kakapit
Kakapit sa meron o wala
Sumigaw ka sa kadiliman ng langit
Ito na ang huli
Sana'y ito na ang huli
Sa sarili mo ay wala kang tiwala
Babalik at babalik ka pa din sa simula

Kailan

Hanggang kailan ka aasa sa mga kailan
Hanggang kailan ka titira
Titira sa mundong iyong gawa gawa
Sa mundong kailangan mo pang mamalimos ng pagmamahal ng iba
Pagmamahal ng iba na sa tingin mo'y makakapuno
Makakapuno sa hukay na ikaw mismo ang gumawa

Kailan
Kailan mo maiintindihan
Maiintindihan na sarili mo ay sapat na
Sapat na para hindi ka umiyak
Umiyak sa mga bagay na hindi mo mahagilap
Dahil napakaimportante mo
Lahat ng hibla ng buhok at taba sa katawan ay napakaganda
Walang salita ang makakapagbigay ng tamang depinisyon
Kaya huwag mong ipapababa ang sarili para sa iba
Dahil Isa kang rosas na tinitingala
Hindi kawayan na nagpapadala.

__________________
smthn I wrote in school but I figured it's better shared to everyone who is going through something right now. Living in a society in which people invalidates your feelings, calling it a phase or bratiness, is hard. I have learned that not everyone will listen to what you have to say or will bring importance to what you feel. And as a teen who has parents who think I am happy all the time is another pound I have to carry everyday because I'm not happy. I carry a lot of anxiety and insecurites in my body that it is eating me up slowly. I cry at night for no particular reason just so I can manage a smile the next day and for that, I am no better than the plastics that are floating in the vast ocean. So to everyone who feels less of themselves or who overthinks every word or even those who hurt themselves just to feel something, I want to say I love you. I love you and I think you are beautiful and I am proud of what you've become and how far you have gone. Because No matter how much you say that you can't make it, you are still here reading this and for that you are one brave soul, braver than any hero. Please, please don't kill your light. You have so much in store for you because if you haven't you shouldn't be here. God put you here and you are here for a purpose. Find that purpose and don't let anything bring your beautiful spirits down. Let us grow little sprouts and in doing so I hope we stop breaking each others leaves and chopping of out stems because we are still growing and blooming into our flower, diverse and unique but so, so beautiful❤

Kailan (A Humans Affliction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon