Kabanata 1- Pahina 1

92 0 0
                                    

"Thank you for calling Juliett-Ducard Technical Support, my name is Peter, how can I help you?" sambit ni Pedro Pilapil, ikaapat sa kanyang ngalan. "Hi, my name is Jenny, and I have a problem with my JD PC," sagot ng kanyang parokyano. Abalang kinumpuni ni Pedro ang makinang inirereklamo ni Jenny. Mahilig sa computer si Pedro, at ito ang naging bentahe sa pinili niyang larangan.

Sa murang edad, nagbabanat na ng buto si Pedro. Siya ay anak ng isang magbubukid, si Pedro Pilapil, ikatlo sa kanyang ngalan. Sa araw, sabay silang nagsasaka. Pagsapit ng dilim, magkasama pa rin sila sa pakikipagsapalaran: sa paghuli ng mga 'engkanto'. Si "Apong Pedring" ay isang albularyo. 

Natapos ang tawag ni Pedro. Nilapitan siya ng pinuno ng kanyang koponan. "Pilapil, go on Aux*, we have a coaching session." Pinatahimik ni Pedro ang kanyang headset at pinatay rin niya ang telepono para hindi siya matawagan. 

"How do you do today sir?" tanong ng kanyang patnubay. "I am doing well," sagot ni Pedro. "Good, I would like to discuss with you the importance of our metrics. It's good that you are meeting, or I should say exceeding, them. Okay, our goal for Average Handle Time is 22 minutes, your running score is at 17 minutes. For customer satisfaction rating, it's at 84 percent, you are currently at 90 percent. Lastly, for back job rates, it's at 12 percent, you are at 10 percent. I would like for you to keep it up, and we may consider you for promotion." 

Si Pedro Pilapil ng Barangay AlabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon