Chapter 25

3.7K 84 2
                                    

DIAMOND / APHRODITE ~

Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa Convenience store na nadaanan ko para bumili ng panglinis at gamot sa sugat ni Klein. Nang tignan ko ang phone ko ay napamura ako ng mahina nang makita kong palow bat na ako at halos 10 na nang gabi.

Paniguradong pag nasa pinaka main highway na kami ay traffic kaya mas gagabihin kami.

Saktong paglabas ko ng convenience store ay bigla namang umulan. Shit naman! Di ba pwedeng mahina muna? Ang lakas agad ehh! Wala akong payong. Nang maalala ko si Klein nag madali akong bumalik sa sasakyan.

Dahil wala akong payong medyo nabasa na ako bago makapasok sa sasakyan, tsk. Nakita ko namang medyo naggigising na si Klein, siguro dahil sa lalong lumamig dahil nga sa ulan. Hinintay ko lang muna siyang magising ang buong diwa at hininaan ang aircon, cause honestly speaking sobrang nilalamig na ako dahil narin sa nag paulan ako papunta dito, buti nalang talaga medyo malapit lang ang napag park-an ko sa entrance ng store.

"Who are you?" Nagising naman ako mula sa pagkakatulala at napatingin sa katabi ko. Nag kibit balikat lang ako at tumingin ulit sa labas. I don't plan to answer his question anyways.

"Buti naman gising kana, tsk. Diko alam kung san kita ihahatid kaya please lang sabihin mo na, ayokong gabihin lalo." Sabi ko naman sakanya habang nasa labas parin ang tingin. Kinuha ko ang maliit na plastic bag kung saan nakalagay ang kakailanganin niya at inabot sakanya. Bahagya ko siyang tinignan nang mapansin kong ni hindi niya hinawakan ang plastic na inaabot ko.

"Para sa sugat mo yan. I-ikaw na ang g-gumamot sa sarili mo." Nautal pa ako dahil pinipigilan ko ang maubo. Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh.

"I-I don't know how..." nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya.

"Seryoso k--" naputol ang sasabihin ko ng may nakita akong lalaki na papalabas sa convenience store at pansin ko rin ang baril sa bulsa niya.

"Shit. Wear your seatbelt, KLEIN!" Nanlalaking matang sabi ko nung mapansin kong itututok niya samin yung baril niya.

Nang sumilip din ako sa side mirror nakita ko ang isang sasakyang itim. Fuck this!

"Sino na naman kaya ang nag padala sa mga hinayupak na'to?" Bulong ko habang nagmamaneho.

Diko na alam kung saan kami dumadaan ni Klein dahil ang mas mahalaga sa oras na ito ay ang mailigaw namin 'tong nga humahabol samin. Sinilip ko si Klein na ngayon ay namumutla na, dahil siguro sa bilis ng andar ko. Nakatingin lang siya sa harapan at ang higpit ng hawak niya sa seatbelt. Ilang segundo lang at napabalik na ito sa katinuan at tinignan ako ng masama.

"BAGALAN MO LANG! Pag tayo nahuli ng pulis--" sigaw niya sakin na agad kong pinutol. Adik ba siya?!

"I DON'T CARE ABOUT THAT FREAKING POLICE! If you want to get caught by that freaking guys who's chasing us by the way, then tell me right away! I will gladly freaking give you to them!" Balik ko sakanya. Tumingin naman siya sa laikod namin at nakita niya yung sinasabi ko. Di niya ba napansin yun kanina?

"Fuck! FASTER!"

"That's what I'm doing! So shut the hell up and sit!" Di na siya ulit nag ingay at nanahimik nalang. Tatahimik din naman pala, dami pang satsat.

"Klein, Paki kuha nga ng phone ko dito sa bulsa ko. Fudge!" Tawag pansin ko kay klein. Nanlalaking mata naman na tumingin siya sakin.

"Faster! Para makahingi tayo ng tulong!" At nag dadalawang isip naman siyang kunin yun. Haist nung di niya parin kinukuha ako na yung kumuha at binato sakanya.

That nerd is a gangster princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon