C H A P T E R 38

625 15 8
                                    

Finalllyyy writing another chapter again.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

Tapos na ang maikling pagsasaya namin sa Palawan and we're back at being students again. Sa maikling panahon ay nakapagsaya kami, and that's good for me. I've never enjoyed like that before.

Ilang araw na lang ay mangyayari na ang intrams at school's foundation. Hindi na kami masyadong nagkakaroon ng meetings dahil sa sobrang busy sa school. Kailangan naming ipakita na busy kami sa school at hindi naghihinala para hindi maghinala ang papa ni Gene.

Break namin ngayon at napagpasyahan kong pumunta sa secret garden na tambayan pala ni Klein noon. I'm suddenly craving for a fresh air and a clean place at doon ko lang 'yon makikita.

I'm thinking a lot for days now. Nasira pa ang Laptop ni CJ kaya back to zero ang researches niya sa tatay ni Gene.

And about Dan, hindi ko pa natatanong si Snow about doon.

Lastly iniisip ko pa rin si Lola. Who would kill her and why?

"You're always crying kapag andito ka." Nilingon ko ang nagsalita at napagtantong si Klein yun.

"...ngayon ka lang ulit pumunta dito huh?"

"How'd you know?" He just chuckled and say nothing. Umupo siya sa tabi ko at tinignan din ang maliit pero magandang tanawin sa harap namin.

Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. He's carefully patting my back while humming, making me so calm. God, I didn't know na sobrang manly ng boses niya until he hummed. WHAT IF PA 'PAG KUMANTA 'DI BA?!

"I see your monster." Bulong ko, yun yung kinakanta niya ngayon. He nod at ipinalibot ang braso sa akin. Hindi naman ako maka-kawala dahil tuwing sinusubukan ko ay mas hinihigpitan niya.

"You think I will like you, Diamond?" He sounds so serious pero hindi ako sigurado kung seryoso siya. And what's more shocking is that my heart started beating like crazy!

I can't even speak! Fuck this guy for doing this to me. Shocks!

"Don't play with me, Klein. Of course you...w-won't." I felt him stilled, naramdaman ko rin ang biglaang pagdilim ng aura niya. I grabbed that chance to escape from him.

Pagbalik ko sa room ay nag-aayos na ang mga kaklase ko ng mini stage sa harapan. Oh yeah, Si Snow pala ang napagtripang isali sa Pageant.

"Saan ka nanggaling, Dy?" It's Gene who spoke pero ang tingin naman ay na kay Snow. I don't really know what's with them at laging tagong tingin na lang ang ginagawa nila sa isa't isa.

"D'yan lang, why?"

"May training na sa mga clubs, you need to attend." I just sighed and headed my way towards the club for archery.

"Bakit andito ka?" Isang babaeng may katangkaran ang humarap sa akin and obviously member siya ng club nitoㅡ or probably the leader?

Inabot ko sa kanya ang flyer na binigay sa akin ni Gene kanina at walang lingon-likod na dumiretso sa isang lamesa kung saan mukhang nag papalista ang sasali. Everyone inside the room looked at me, ang iba ay parang natatawa pa.

"Sasali ka ba?" Tanong sa akin ng babaeng iniwanan ko kanina, she's still holding the flyer at inilapag 'yon sa lamesa. Tumango ako sa kaya kahit mukha siyang tanga para tanungin pa ako gayong nandito na ako. Tss.

"Where's your bow and arrow?" Nang hindi ako mag salita ay mahinang tumawa ang babae kanina, I scanned her while she's laughing at napansin ang apelyido niya sa manggas ng t-shirt niya, so she's a Castillo huh?

"It's okay, James, hand her mine alam naman nating hindi naman siya magtatagal."

I just shrugged at sinundan ang lalaking nagngangalang James, may kinuha siya gilid ng locker at iniabot sa akin. He smiled at me at sinamahan din ako palapit kung saan nila ako susubukan.

"You can start whenever yㅡ" She stopped when I did my posture at agad na tumira and guess what? They're all now speechless.

Underestimating someone will never be really a good choice. *sigh*

I looked at them innocently and asked if I did passed or not.

"I-uhh I'm pretty sure that it's all just luck."

"That's the first luck na bull's eye, Cherry. Let her in, we need a new member." That was James, he finally spoke. He stood up beside me at tinapik ako sa balikat tinignan ko siya pero nginitian niya lang ako.

"I could do it again if you want." Walang emosyon kong sabi. Tss, hindi na lang kasi tapusin na 'to eh. Mukha naman siyang nagulat at tinignan ang paligid namin pagkatapos ay mailang-ilang na tumingin sa akin at nagsalita.

"N-no. P-pasok ka na." Saka siya umalis sa harap namin at nagligpit.

"Napahiya tuloy siya." Ani James habang naiiling pa. Nakatingin kasi sa kanya ang halos karamihan sa mga nanonood kanina. "By the way, you have a good posture saan ka natuto ng Archery?" Nakangiting tanong nito pero hindi ako sumagot at nag kibit balikat lang.

Dahil nga nahihiya na si Cherry ay sinabihan niya na kaming lahat na bukas na lang ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga bagong miyembro.

"Oh ang bilis mo naman?" Tinanguhan ko lang si Gene at naupo na sa upuan ko.

"Hmm, I bet hindi siya tinanggap." Pang-aasar ni Klein pero hindi ko na pinatulan, I just looked at Snow na napahagikhik sa sinabi niya.

"I doubt that." Singit naman ni Snow at hinarap ako.

"So kumusta nga?"

"Edi pasok." 

tinignan ko ang paligid at tulad pa rin ng kanina ang nadatnan ko. May mga kakaunting dekorasyon lang ang nadagdag habang ang iba ay nagdadaldalan lang sa gilid. Si Keifer ay nasa pinto ng room habang may kausap na dalawang babae, Si Klein naman ay katabi  namin at nakabusangot ang mukha habang si Gene ay nasa likod ni Snow at inaayos ang pagkakatali ng buhok ni Snow--WAIT WHAT?! I eyed the two suspiciously at parang wala namang pake si Gene doon. wtf?

"What the heck are you two doing?"

"What? I do know how to tie a girls hair for my future daughter." what?

namula si Snow pero na kay Gene pa rin ang tingin ko. "You're really weird." he just nod at nagpatuloy.

"Tss akala mo siya hindi." bulong naman ni Klein pero inirapan ko lang siya. What he told me earlier still lingers in my mind and it plays like it in loop mode.

"Ang tagal niyo naman mag Prepare?! Mukha pang nasa park yung iba! KILOS NAMAN! aabutin tayo ng siyam-siyam eh, sa halip na nakapag practice na yung ilalaban niyo nagkukwentuhan lang yung iba! MGA PESTE!" pumasok ang presidente ng room namin at agad namang nag tayuan ang mga nakaupo lang sa gilid at tumulong. Wala pa sana akong balak tumayo pero dahil dumako ang nanglalaki niyang mata sa amin ay napilitan akong tumulong. 

"Pinatawag kami sa office at binigay 'yan, cancel na rin ang mga klase dahil ang daming absent na teachers kaya pinayagan tayong mag practice muna. After naman natin mag practice discuss natin yung mga nakalagay dito sa papel dahil kahit ako 'di ko pa nabasa. Gusto kong sabay-sabay nating malaman ang nakalagay dito para hindi na paulit-ulit." Tinignan ko ang papel na nilapag niya. 'Di ko alam ang laman nun pero mukhang marami ang nilalaman sa laki pa lang.


Nang matapos kaming lahat sa pag-aayos ay pinapwesto na sila Snow sa harap kasama si Keifer.



_______________________________________________________________________________________________

hanggang diyan na lang munaaaaa ahehehehe. Sorry kung ngayon lang. piniga ko talaga ang utak ko para may mai-update ako. inuna ko pa 'to sa isang activity namin dahil nagiguilty rin ako sa sobrang tagal ko mag upate. hopefully sa mga susunod na araw magkaroon ako ng maayos na schedule para maayos ko rin 'to.


YUN LANGGG, HOPEE YOU LIKEE ITTT ahehehehe mwah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That nerd is a gangster princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon