S P E C I A L C H A P

3K 59 14
                                    

So here's the special chap because we reached 100k+ reads. Thank youu sa mga mambabasa, sa mga nag hihintay at sa iba pa! Dami kong pagkukulang at sana dahil dito mabawasan manlang kahit papaano 'yon. I'm not a perfect and professional writer dahil aspiring pa lang naman ako pero kung may napapasaya man ako, it's my pleasure at napapasaya niyo rin po ako. LOVEELOTSS! <3
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

"Oh ba't kayo napadpad dito?" Bungad ni Ken sa tatlong dumating sa bahay nila. Bawat isa sa tatlo ay may dala-dalang backpack at may malaking ngiti sa labi.

"Dito muna kami tanda!"

"Excuse me who you?"

"It's me Keifer you a-hole!" Gigil na pinektusan ni Keifer si Ken at nag-tatakbo sa sala dahil alam na niyang hahabulin siya ni Ken.

"Tsk. Siksik na naman." Angal ni Clever bago tinarayan ang dalawang natira.

"'Kala ko nag-bibiro ka lang, Gene." Sulyap ni Snow sa lalaki at bahagyang inaayos ang itsura nito.

"At least alam mo na na hindi ako nagbibiro." Tumikhim lang ang dalaga bago pinapasok ang dalawa.

Nagbakasyon ang magulang nila Ken at Diamond dahil gusto ng mga ito na mag-saya at maglibot sa bansa kaya hindi kataka-takang sila lang ang laman ng malaking tahanan.

Napatigil ang lahat sa ginagawa nang makarinig ng malakas na kalabog. Sinundan nila ang pinangyarihan ng tunog hanggang dumako ito sa babaeng nagkakamot pa ng mata, halatang kagigising lang, at dahil pa sa kanila.

Tahimik na nagkatinginan ang bawat isa at nagsisisihan sa bawat tingin. Hindi alam ang gagawin dahil alam na nila ang ugali ng isang Aphrodite o Diamond sa oras na masira ang tulog nito.

"Ang ingay niyo." Sa halip na matakot ay nagulat sila sa inakto nito. Nakanguso at mistulang naiiyak dahil natigil ang tulog. Mukhang bata.

"Oh shit. Anong date ngayon?"

"Ewan? Uhm baka March?"

"Siraulo ka? APRIL NA!"

"Mga ulok MAY NA! Sa'n ba kayo naglalagi ha?"

"Ay oo May na. 'To kasi si CJ pabida."

"Waw. Nahiya ako sa'yo Keifer the kid ha?"

"Shh mga alipin manahimik." Singit ni Ken dahilan para makatanggap ng nanlilisik na mga tingin mula sa dalawa.

"HOW DARE YOU!ㅡ"

"K-kuya Ice cream." Muli ay napatigil sila at tinignan si Diamond na nagmadaling bumaba sa hagdan at agad na nagkunyapit sa kuya, nagpapaawa.

"Meron sa freezer, Hime."

"Anii. Gusto ko dirty ice cream." Mukha itong nagbabalak na mag tantrums at agad silang tinarayan isa-isa.

"Saan ba kasi meron nun?"

"I'll buy. Ako na maghahanap." Magsasalita na sana si Klein nang maunahan siya ni Clever at ito ang nagpasyang bumili sa gusto ng mahal na prinsesa.

"Talaga? WAHH thank you, Clever!" Agad niyakap ni Diamond si Clever at hinalikan sa pisngi. Nanlalaki ang mata ng bawat isa samantalang bigla naman nanlisik ang mata ng isa.

"Ako dapat 'yan eh."

Umalis na sa harap nila ang dalaga l. Tumalikod ito at sayang-saya na bumalik sa pinanggalingan. At doon, sa pagtalikod nito, ay nalaman nila ang biglaang pagbabago ng dalaga.

"Oh right. May dalaw siya. Happy now, arouch tomorrow." Hindi niya alam ang ibig sabihin ni Snow pero sumang-ayos dito ang lahat bukod sa kanilang tatlo.

May dirty ice cream ako. May dirty ice cream ako. May dirty ice cream ako.

Paulit-ulit na kinakanta ng dalaga sa isip niya 'yan. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero yun ang gusto niyang gawin.

"Ano bang pwedeng gawin? Nakakaboreddd!"

Nang may maisip na kalokohan agad siyang tumakbo patungo sa veranda at sinilip ang nasa labas niyon. Kaya naman siguro. Bumalik siya sa kwarto at agad na nagbihis.

Ngayon lang 'to kaya dapat sulitin at mag effort ako.

Pagkatapos mag-ayos ay agad siyang nagtatakbo patungo sa Veranda. Walang hinto-hinto ay agad siyang tumalon hanggang sa sumalubong sakanya ang pool.

"Oh shit what's that?!"

"Kalaban?"

"Naka gown? WHAT THE F*CK?!"

Rinig niyang usal ng ilang tao pero hindi doon ang pansin niya. Itinuon niya ang pansin sa sarili at sa ginagawa. Pinanatiling naka lubog ang sarili hanggang sa lumutang ng parang bangkay. Dahil sa pag-angat ay nakarinig siya ng mga pag-singhap.

"M-may dugo ba?"

"Shit Ken takbo sa taas baka may nagpaputok or what!"

Nagtuloy-tuloy pa ang pag-uusap hanggang sa makarinig siya ng takbo papasok at lagapak ng tubig na parang may tumalon. Nanginginig ang kamay ng may hawak sa kanya at pilit na tinitignan ang lagay niya samantalang nakapikit la rin siya.

Ramdam niyang nilapag siya ng kung sino sa gilid at agad na isinagawa ang CPR. Ilang pump pa ay naramdaman na niya ang labi nito sa kanya.

It's so soft. Can I just stay like this para maparami? Ay malandi.

Ramdam niyang hinahalikan siya nito bago maglagay ng hangin sa kanya.

Savior na hokage. Tsk para-paraan.

Nang maramdamang hindi na ito naglalagay ng hangin, at purong hinahalikan na lang siya ng madiin at banayad, doon niya iminulat ang mata. Doon bumungad sa kanya ang dilat na dilat na mata ng binata na mababasahan ng pag-aalala.

"You made us all woried. Anong ginawa mo?" Yun agad ang sinabi sakanya ni Klein pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi nila.

"I was just t-trying some new things."

"What the heck Hime?! New things? Naka gown, pagsukat ng hininga sa pool at pagtalon mula sa veranda?"

"Ehh kasi new things. Ayan oh! Siyaa ni kiss niya ako kuya!" Agad niyang tinuro si Klein na nanlalaki ang mga mata.

Biglang nanlisik ang mga mata ni Ken bago balingan ng tingin si Klein. Habang ang huli naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin. She's awake all this time? Pero bakit hindi niya ako pinigilan?

"IKAW NA KUMAG KA! HOW DARE YOU KISS MY LITTLE SISTER?!" Agad siyang nakatanggap ng tatlong suntok kay Ken na tinanggap niya dahil alam niyang may mali rin siya.

I could take the pain basta ba labi niya ang magpapagaling. And oh, tama lang pala na si Clever na ang bumili ng ice cream. Mas masarap ang halik sa yakap.

At kinabukasan lang din noong araw na iyon, nakatikim sila ng parusa ng isang Diamond. Pinatakbo sila nito sa buong mansyon ng sampung beses at ginawang target sa pagbabato ng mga matatalim na kutsilyo.

Shit. Eto pala yung arouch na sinasabi ni Snow. Pero ays lang, malambot naman ang labi ni Diamond.

__ __ __ __ __ ___ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

Salamat ulittt!
Sana naenjoy niyo ito. <3

-៚••··

That nerd is a gangster princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon