#7

915 17 1
                                    

Update for 10-24-14

_______

"You were a virgin." Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabing iyon ni Alexis. Anakng patola! Porke't dumugo at masikip, virgin kaagad? Pesteng flower! Hindi na nakuntento sa pagdugo monthly, kailangan pati kapag nakikipagsex ako? Tss!

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak o maiinsulto.

Matatawa dahil, He thought I was a virgin. Maiiyak dahil, He left even if he thought I was a virgin. Maiinsulto dahil, He doesn't like virgins. If only he knew, Yes. I was a virgin before and he was the one who devirginized me but those were years ago! Ang late reaction niya!

Hindi siya natulog dito ngayong gabi. Hayy. Mali ba ang naging desisyon ko na ibigay sa kaniya ang sarili ko? Hayyy.

*

Maglalakad sana ako papunta sa kusina ng may marinig akong dalawang boses ng lalaki na nag-uusap.

"I'm not afraid to try again. I'm just afraid of getting hurt again for the same reason." I am sure that the voice was from Alexis.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Does this mean that he loves me already? Sadyang natatakot lang siya?

"It takes a strong heart to love but it takes a stronger heart to continue to love after it's been hurt." And sure I am this was from John.

Ang lalalim naman nilang mag-usap halatang galing sa qoute na nabasa ni FLG sa facebook. (c) socialmeems.com raw. Haha!

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na siya umuwi sa Hacienda kaya naman napagdesisyunan ko na sumabay na kina John na lumuwas na ng Manila. Baka wala na iyong balak na bumalik.

Yes,I usually give people more chances than they deserve but once I'm done. I'm done!

Again, copyright for the true owner daw.

Napagod na rin ako sa kahihintay. Kabibigay ng chance sa amin, kabibigay ng pag-asa na kami rin sa huli.

"Sigurado ka ba? Hindi mo sasabihin ang address mo? Baka hanapin ka ni Alexis." Sabi ni Shaira. Ngumiti lang ako at umiling.

"Sige, ingat kayo!" Kumaway pa ako.

Tinawagan ko si Papa at sinabing naririto na ako sa Manila.

*

"BABYYYYY! NAKAPASA KA! PARTY-PARTY!" Sigaw ni Papa. Napatawa naman ako. Ang bagets lang ni Papa.

Almost three years had passed.

I'm a certified public accountant already. Paano ako tumino at bumalik sa pag-aaral? Thanks to Alexis, he gave me an inspiration to make my life worthful. Nagkaroon ng magandang direksyon ang buhay ko.

Naghahanap ako ng trabaho dahil iyong offer ng Papa ko ay ni-reject ko. Ayoko ng ganun. Gusto ko iyong paghihirapan ko. Sinabihan ako ni Papa na magsisimula ako sa pinakamababa, huwag naman sanang janitress! Lol. Pero kilala kasi ako sa kumpaniya ni Papa, na kahit pa sabihing magtatrabaho ako sa pinakamababa, siguradong iba ang magiging treatment nila sa akin. Takot na lang nilang banggain ang anak ng may-ari ng pinagtatrabauhan nila.

So, I came up with La Vierda's Group of Companies pero siyempre, hindi ko pinaalam kay John Nickko iyon. Mahirap na baka gawin niya kaagad akong manager. Kidding!

Ang haba ng pila. Ang daming applicants for the position na ina-apply-an ko. Kaiyak. Mukhang wala ako sa kalingkingan ng mga ito. Wala pa kasi akong working experience. Pero kung ganda at yaman lang, I am 100% sure na Suma Cumlaude ako sa kanila. Ang humble ko talaga. HAHA!

I GOT YOU FIRST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon