#5

1K 17 2
                                    

"Manang! May nagtangkang manggahasa sa akin kanina! Ipakukulong ko siya! Manaaaang!"

Nagbulung-bulungan ang mga magsasaka. Nasa harap ng villa na ang lahat dahil tapos na ang working time at dahil katapusan ngayon ng buwan, magsusweldo sila.

Nakakainis bakit tinititigan lang nila ako? Hindi ba sila naniniwala? Sipain ko sila e!

"Manang nilapastangan ako! Huhuhu!" Pinaghusayan ko pa ang pag-iyak. Enebe. Weley telege seleng peke? Yung tataa? Nakakahurt naman sila ng feelings!

"Ano bang hitsura, anak?" Tanong ni Manong.

"Hmm." Saglit akong natahimik. Sasabihin ko bang gwapo, matangkad, hot at sexy? No way! "Pangit! Oo! Pangit siya Manong!" Humagulgol pa ako na puro sipon lang ang lumalabas, wala ng luha. Naubos ata kagabi sa kaiiyak ko dahil sa pangiindian sa akin ni Alexis.

"Anong nangyayari dito?" Matigas na sabi ng bagong dating na pontio pilato platito.

Parang namang siya si Moses at hinawi ang dagat. Nagkaroon ng daan para sa kaniya. Wow! VVip ba itong taong ito?

Umalis ako sa pagkakayakap kay Manang at dinuro siya! Siya ang talipandas!

"MANANG! SIYA! SIYA YUNG SINASABI KO!" Sigaw ko.

Napakunot ng noo si pontio pilato habang ang mga taong nagmimiron ay napasinghap. Sino ba ito para ganiyan ang reaksiyon niyo?

Parang siya naman ang kataas-taasan, kapitapitagan, kagalang-galangang amo nila!

"What the hell are you talking about?" Sigaw din nito. Napaurong ako sa biglang pagsigaw niya pero hindi ko pinahalata. Umenglish! Hindi ito basta-bastang magsasaka ng Hacienda! Lamang ito ng sampung paligo kay Facundo na hardinero ni Senyora Santibañez!

"What am I talking about?" Tanong ko matapos akong makarecover sa pagkabigla. Tumango si pontio pilato. "YOU! YOU TRIED TO RAPE ME!"

Umiling siya at tumalikod. Aba't bastos 'tong bwisit na ito a!

"Hija, hindi ganun si Señorito." Mahinang sabi ni Manang.

"Anong hindi? Manang!" Inalog ko pa si Manang. Manang hindi porke't gwapo at hot ay hindi na gagawa ng masama! Minsan kung sino pa ang mga mukhang santo, sila pa ang may tinatagong sungay at buntot!

"Tigilan mo nga iyan, Maria!" Inalis ni Manong mga kamay ko sa braso ni Manang.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. MARIA RAW! Kadiri naman! Kung ayaw niya akong paniwalaan, edi huwag! Hindi niya ako kailangang tawaging Maria! Buuuuwwwiisssssiiiittt!

Padabog na umalis na lang ako.

Ako na nga ang inagrabyado, ako pa ang hindi nila pinaniwalaan! Humanda yang---wait?! Señorito? Siya ang may-ari ng hacienda? Gwapo na nga ang yaman pa! Teka, may sinabi ba akong gwapo at mayaman ang lumapastangan sa akin? Grr! Wala akong pakialam kung siya ang pinakagwapo at pinakamayaman sa buong mundo basta ako? Gaganti ako! Ako si Maria Lizeyn  Reyes, nag-iisang anak ng mga magulang ko na mayaman din, nakukuha ang gusto at nasisira ang gustong sirain. Maganda at ubod ng ganda!

Ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. E sa nahihiya ako e! Ngayon lang nagsink in sa kokote ko na nakakahiya pala talaga! Ang kapal pala ng mukha ko na magpakita sa kaniya pagkatapos niyang masilayan ang lahat-lahat sa akin and worst was nakatuwad pa! Tapos inakusahan ko pa siya! Juice colored!

*

"Ate Lizeyn. May naghahanap sayo sa baba. Ate?" Tawag sa akin ni Anna, bunso sa mga apo ni Manang. Ayaw ko mang tumayo, napilitan ako. Haist! Sino ba iyon?!

I GOT YOU FIRST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon