PANIMULA

3.2K 31 4
                                    

Hayan na CHANNIETAINE! Last Chapter na lang di ko nagagawa kaya pinost ko na.

__________________________________

#1

"Mae. I'm going." Paalam ko sa kaibigan ko ng mapansin ko na ang papalapit na lalaking hinihintay niya. Pinilit kong ngumiti sa kaniya ng sagutan niya ako ng ngiti.

Bago pa tumulo ang luha ko, tumalikod na ako. Napakawalang kwenta kong kaibigan, napakasama. Paano ko naatim na magmahal ng lalaking mahal din ng kaibigan ko?

Oo, nauna ako. Nauna sa lahat pero nauna naman ang kaibigan ko na mahalin niya. Sarap magbigti.

"So, where are we going?" Rinig ko pang tanong ng lalaki kay Mae.

"My place." Mahina pero dinig ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko at nahigit ko ang paghinga ko.

May bumikig sa lalamunan ko kasabay ng paguumpisa ng pamamasa ng mga mata ko.

Naiinis ako. Nagngingitngit sa galit. Bakit ba mula ng makilala ko si Mae lahat na lang ng bagay na gusto ko hindi ko na nakukuha? Mula sa bags, shoes, tops, skirts, jeans, dress at.... lalaki. Simula ng makilala ko si Mae, natutuhan ko ang salitang sacrifice pero sino bang niloloko ko? Sa lahat ng isinakripisyo ko sa kaniya hindi kailanman ako nakadama ng kasiyahan.

Pero hindi. Hindi. Kaibigan ko siya.

Marahas akong napailing. Bago ako makalabas ng gate napagdesisyonan kong tignan muna sila na kaagad ko namang pinagsisihan.

Tumulo ang luha ko.

Mae, kissing the guy I've always wanted to have. Inakbayan pa at niyakap ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. Ang saya nila habang ako, unti-unting nauupos sa sobrang sakit sa puso.

Sa tanawing iyon, doon ko napagdesisyonan na mali ako. Mali ako na bigla ko na lang siyang ginive up at hindi man lang sumubok na magkalapit kami.

Sa oras na mismo na iyon. Napagdesisyonan ko na ipaglalaban siya kahit pa masaktan ko ang kaibigan ko.

Ako ang nakauna sa kaniya kaya dapat lang na akin siya.

I GOT YOU FIRST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon