Kay Eli

95 5 0
                                    

Hi Eli!

Naaalala mo pa ba 'ko? Ako yung pumulot nung panyo mo nung nalaglag mo 'yon sa bus. Ibinalik ko sa iyo yon kinabukasan nung nagkasalubong tayo. Nagpasalamat ka pa nga sa akin kasi sabi mo mahalaga sa'yo yong panyong 'yon. May sentimental value kamo.

Naaalala mo pa rin ba nung minsang tinry mong tirahin yung bola ng volleyball noong P.E. class niyo at tinamaan ako? Todo sorry ka pa nga sa akin non eh. Napapunta pa ko ng di oras sa clinic dahil pinilit mo akong magpatingin sa nurse. Buti nga hindi naalog yung utak ko eh. May test pa naman kami non.

Eh yung nung sumali ka sa Ms. Intramurals? Ako yung nga-aabot sayo nung tubig at panyo mo sa backstage pagkatapos mo magperform. Isa rin ako sa mga nag chi-cheer at pumapalakpak sa'yo. Ang galing mo kasi sumayaw eh. Maganda ka na, talented ka pa. Nanalo ka nga nun eh. Isa ako sa mga nagpa-picture sa'yo non pagkatapos ng contest. Mas lalo kang gumanda nung suot-soot mo yung korona at sash mo. Sa mga mata ng mga tagahanga mo, at sa paningin ng mga nasa paligid mo. Pati nga ako napatulala sa'yo eh. Para kang isang tunay na reyna 'non.

Ilang beses tayong nagkakasalubong sa isang araw. Ilang beses din na hindi mo ko nakikilala. Hindi naman kasi talaga ako yung tipo ng tao na matatandaan mo diba ? Kumbaga, sa Labindalawang Uri ng Estudyante ni Bob Ong, isa ako sa mga commoners. Yung mga hindi mo matatandaan kung ano'ng nangyari sa inyo kahit ilang araw palang yung nakakaraan. Saka, ano ba naman ako kumpara sa'yo diba?

Ako. Ako yung average student na hindi mo na pag-aaksayahan pa ng panahon para bigyan ng second look. Hindi ako mahilig mag-ayos ng sarili kaya mukha akong gusgusin palagi. Hindi rin ako maputi kaya pag pinawisan ako, nakakadiri akong tingnan. Ang buhok ko naman, palaging magulo at kadalasan ay nakatali sa isang pusod. In other words, mapangit ako.

Ikaw naman. Ikaw yung babaeng pinapantasya ng bawat kalalakihan. Kahit nga heartthrob at mitikoloso naiinlove sa'yo eh. Pano ba namang hindi diba ? Maganda, maputi, talented, matalino, balingkinitan ang katawan, mabait at mayumi. Dalagang Pilipina nga, ika ng iba. Sikat ka sa buong school. Lahat nahuhumaling sa'yo. Kabilang na siya.

Kilala mo pa ba siya, Eli? Isa siya sa mga lalaking naakit sa mala-dyosa mong kagandahan. Isa sa mga nangangarap na kumatok sa puso mong pihikan. Isa sa mga nagbibigay ng tsokolate, card at bulaklak sa locker at desk mo tuwing Valentines. Isa rin siya sa mga nagbigay ng albums ng mga paborito mong artists noong birthday mo.

Naaalala mo pa ba siya, Eli?

Siya. Siya yung kaisa-isang nangharana sa'yo sa harap ng maraming tao. Siya yung kaisa-isang hindi sumuko sa panliligaw sa'yo. Siya yung kaisa-isang hindi bumitiw sa mga pangako niya sa'yo. At siya yung kauna-unahang bumihag sa puso mo. Ang taong mahal ko.

Pero alam mo ba, Eli? Kahit parang nadudurog na yung puso ko sa sobrang sakit, masaya pa rin ako. Masaya pa rin ako para sa kanya. Para sa'yo. Para sa inyo. Kasi alam ko hindi ka niya pababayaan, at hindi mo rin siya pababayaan...

Pero dun ako nagkamali sa'yo.

Naaalala ko pa...

Tatlong taon nagtagal yung relasyon niyo. Talk-of-the-town kayo parati. Royal Couple pa nga ang tawag ng iba sa inyo kasi "perfect" daw kayo. Masyado kayong compatible sa isa't-isa. Ang sweet niyo pa palagi. Sa sobrang ka-sweetan niyo, kahit langgam magsasawa eh.

Sa tatlong taong 'yon, siyempre hindi mawawala ang away at tampuhan. Pero hindi lilipas ang isang buong araw nang hindi kayo nagkakabati. Handa kayong babaan ang pride nyo pareho para lang hindi masira ang relasyon niyo.

Akala nga ng iba, nahanap nyo na ang daan patungo sa forever. Pero akala lang nila 'yon. Kasi wala naman talagang forever. Hindi ako bitter, naniniwala lang talaga ako sa kasabihan na, "Forever is just an exaggeration between 'HELLO' and 'GOODBYE'".

Kay EliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon