TULA 30:KAIBIGAN

260 4 0
                                    

Salamat kaibigan sa kasiyahan
Sa paglipas ng panahon kayo'y di ko malilimutan
Aking ginawang tula ay pagpasensyahan
Sapagkat damdamin ay walang mapagsabihan .

Kayo'y aking inspirasyon sa pagpasok sa eskwelahan
Tayo'y nakabuo ng samahan sa isang simpleng kwentuhan
Masaya kung ito ay babalikan kaya sana ito'y madugtungan
At hindi manatili sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan
Ating pagkakaibigan ay walang iwanan
Aking kagalakan ay di matutumbasan ng kahit anong yaman.

Paumanhin sa aking katahimikan sapagkat ito'y nakasanayan
Nagsimula tayo sa hiyaan at nagtapos sa tawanan at asaran
Kalungkutan ay di mapigilan dahil ating samahan ay nauwi sa hiwalayan
Ngunit ito ay walang kalimutan at walang hangganan.

Ating katatagan ay hanggang saan ? ,ito ba ay aabot ng walang hanggan?
O tuluyan na itong lilisan na parang walang pinagsamahan?
Ito ba ay lilipasan na lang ng henerasyon ?,O mananatili itong pundasyon?
Hanggang saan ? Hanggang kailan natin maipaglalaban ang ating samahan ?.

Sana hanggang dulo ay walang sukuan nang matuloy ang kagalakan
Kayo'y larawan ng isang totoong kaibigan
Kaya hiling ko ang inyong kaligayahan at katapatan
Habang tayo ay tumatagal tila oras ay bumabagal
Kaya hinihiling na lang sa hangin ,walang iwanan.

Ako'y inyong sinusuportahan sa aking mga kagustuhan
Sana ay malaman niyo na kayo'y aking kayamanan
Paumanhin kung minsan ay mga pasanin ay di na masabi
Dahil di malaman ang gagawin kung ito ba ay sasabihin o ibubulong na lang sa hangin?
Maraming salamat dahil kayo'y natagpuan at naging kaibigan.















TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon