XI | 3rd Rank: Blue

109 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Blue ~

Mukhang made-delay kami. Personal kaming binati ni Lord Elven nang bumaba kami sa South Kingdom (Terra). Napahaba ang kaniyang pagkukwento at inanyayahan pa kami sa isang piging. Siyang mariin kong tinanggihan.

Pansamantala lamang kaming huminto sa Terra para kumain bago ipagpatuloy ang mahabang biyahe. Kung bakit ba kasi kailangan kong umuwi. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Fiona.

I'm your third rank, Blue. I am an Aqua. Power: Water

Palaisipan ko ang huling sinabi ng kapatid ni Elmira, si Lord Elven,

"Binabati ko ang prinsipe sa nalalapit nitong pag-upo sa trono." Walang dahilan upang magmadali ang mga magulang ko na ipasa sa akin ang mga responsibilidad nila.

Aish! Bakit kasi isa pa akong nakatakdang tagapagmana? Hinayaan ko na lamang ang sarili na makatulog sa biyahe.

Biro lang, hindi ako makatulog. Napahawak ako sa kanang tagiliran kung nasaan ang signo na patunay na ako nga ang susunod na uupo sa trono ng West Kingdom. Nasa kaliwang dibdib naman ni Fiona ang kaniya. Huwag niyo nang alamin kung paano ko nalaman.

Habang nasa loob ng karwahe ay nakatitig lang ako sa labas. May mga elementians na ginagawa ang kanilang mga araw-araw na tungkulin. Sa kabilang banda, elementalists naman ang tawag sa mga dugong-bughaw na may hawak sa iisang element. At may mga elementalists na nakatakdang magmana ng trono, sila ang mga susunod na Lord/Lady na may pinakamataas na hierarchy dito sa Kromelia.

Mabagal na lumipas ang limang oras. Tanaw ko sa labas ang maliliwanag na mga halaman. Sa wakas, nasa Aqua-Terra na kami. Ilang oras na lamang ay makakarating na kami sa Aqua.

"Nais niyo bang kumain muna, Leandro?" Isa siya sa mga kawal na ipinadala ni ama. Apat na ang ipinapadala niya ngayon na sumusundo sa akin sa akademiya, natatakasan ko kasi kapag dalawa lang sila.

"Paumanhin, kamahalan. Hindi namin naisip na maaaring gutom na muli kayo."

"Kayo ang iniisip ko. Kung hindi niyo ninanais na huminto upang kumain ay mabuti pang ipagpatuloy natin ang paglalakbay. Malapit naman na tayo sa Aqua."

"Napakabuti niyo kamahalan."

Hindi sila tumigil at ipinagpatuloy ang paglalakbay. Fiona ko, ginugutom nila ako dito. Patuloy kong pinagmasdan ang tanawin sa labas kung saan ang mga halamang nag-iilaw na lang ang nagsisilbing liwanag sa daan.

Napakatahimik ng buhay ko kapag wala si Fiona. Kumbaga, boring. Bago siya dumating sa buhay ko ay masiyado akong maloko. Kung sinu-sinong babae ang dinedate ko, basta maganda, okay na. Hindi ko naman ikakailang pansamantalang kasiyahan lang ang natatanggap ko doon.

Madami din kasing nahuhumaling sa kagwapuhan ko at sobrang mahahalata mo iyon, mukha ko pa lang. Kung tutuusin, ako ang pinakagwapo sa akademiya. Si Snow naman ang pinakamaganda kaya naging crush ko siya noong mga panahong hindi pa ako napapatino ng babaeng mahal ko.

Kaya selos na selos si Fiona doon eh. Hahaha

Duug. Naputol ang pag-iisip ko nang may malakas na bumagsak. Humiyaw ang mga kabayo kaya napatigil kami at bumaba ako upang suriin ang mga pangyayari. Isang ginang ang duguan sa gitna ng daan, hawak nito ang bilugang tiyan habang iniinda ang sakit.

Malayo na kami sa Aqua-Terra na siyang tiyak kong patutunguhan sana ng ginang. Babalik ba kami para matugunan siya ng mga healers?

"Ipasok siya sa karwahe," Itinago ko ang pagkataranta. Hindi ko alam kung paano magpaanak!

"Prinsipe, isa po siyang elementian. Isa pa, hindi natin kilala ang babaeng iyan," pangontra ng isa sa mga kawal. Nakaramdam ako ng mahinang pagpitik ng ugat sa ulo.

"Sundin niyo ang inuutos ko," Irita akong bumaling. Alangan namang sa kabayo ko siya pasakayin? Kabisado ko ang mga batas sa kaharian pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang patuloy na sundin namin ang mga iyon. Masiyadong istrikto. Wala man lang exception.

"Malalagot po tayo kung isa siyang Ignis." Napantig ang tainga ko sa nadinig.

"MAS MAHALAGA BA sa inyo ang kaibahan ng elementian na ito kaysa sa kaniyang buhay? Buhatin siya at ilagay sa karwahe!" Elementalists lamang at may mataas na mga katungkulan ang pwede sumakay sa mga karwahe pero wala akong pakialam. Lagot nanaman ako sa ama.

Saka ko na iisipin ang paliwanag. Buhay muna bago ang batas. Mabuti naman at sinunod nila ang utos ko. Kanina ko pa nadarama ang matinding pangamba at pagkahapo ng ginang. Naghahabol ito ng hininga. Kapansin-pansin ang pamumutla niya at ang ilang sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

"Prinsipe," mahigpit ang pagkapit nito sa aking kasuotan habang pinipigilan niya ang pagdaing.

"Malapit na po tayo sa Aqua, saglit na lang po." Napagpasiyahan kong tumuloy na sa Aqua, hihingi na lang ako ng tulong sa ina.

"A-ang anak ko," ramdam kong napupuno ng sakit ang katawan niya pero ni katiting na pagsisi ay wala sa kaniya. Bagkus ay panatag ang kalooban nito at may halong galak. "Kayo na po ang bahala sa anak ko."

Malalamig na butil ng pawis ang kumawala sa noo ko habang pinapanood siyang maghabol-habol ng hininga. "Aaah!" Taranta akong inalalayan siya nang mapasigaw ito nang malakas.

"Hwa... hwa hwa..." Iyak ng sanggol na bagong labas. Hindi ko mapigilan ang mga luha. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko pagkahawak sa sanggol.

Akmang ibibigay ko na ito sa ginang nang makita kong unti-unti siyang nag-apoy. Isa siyang Ignis.

Blag! Bigla na lamang nagbukas ang pinto ng karwahe. Bumuhos sa katawan ko ang matinding kaba. May isang elementian na marahas na hinila ang ginang at bago pa man ito tuluyang mag-abo ay ginilitan niya ito sa leeg. Kalapastangan.

Mabillis akong nagpalabas ng water whip at pinatamaan siya pero mabilis itong napaiwas at agad nang lumikas. Hahabulin ko pa sana siya subalit may hawak akong sanggol sa braso. Tumambad sa akin ang masamang kalagayan ng mga kawal. Paano niya nagawa ito?

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" Dumating ang isang grupo ng Aqua para sumaklolo. Hindi ko matukoy kung namataan nila kami mula sa kaharian o may nagpadala sa kanila ng stress signal.

Pilit kong itinago ang kaba. Ambush. O baka naman assassination? Wala man lang akong narinig sa labas ni katiting na ingay o bakas ng labanan pero lahat ng kawal na kasama ko kanina ay nakahandusay sa lupa.

"Anak, ayos ka lang ba?" Dumalo sa akin ang ina nang makababa ito sa karwahe at saka pinunasan ang noo ko. Sa tabi niya ay ang nakababata kong kapatid na babae.

Dinaluhan ng rescue team ang mga kasamahan nilang kawal habang iginaya na ako ng ina papasok sa karwahe. Tahimik lamang kami sa biyahe. Mukhang minabuti nilang huwag munang magtanong. Pakiramdam ko ay sobrang haba ng iniupo ko doon kahit na ilang saglit lamang ay nakarating na kami sa kaharian.

Sabay silang napatingin sa sanggol na hawak ko.

"Ako na muna ang bahala dito, bumati ka na sa ama mo," sabi sa akin ng ina bago kinuha ang sanggol.

Dalawang kawal sa magkabilang gilid ko ang nakabantay habang iginaya nila ako sa throne room. Nadatnan ko doon ang ama. Nakaupo ito sa trono habang minamasahe ang sentido. Lagot.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now