X | 2nd Rank: Silver

133 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Silver ~

Anong nangyari? Napakasakit ng buong katawan ko. Para akong binuhusan nang malamig na tubig upang magising sa isang mahabang panaginip.

The land of present and tomorrow
which knows no past, will never last
In order to know what's forgotten,
the doom of good shall rise.

Paulit-ulit itong ibinubulong sa akin ng hangin.

I'm your second rank, Silver. I am an Aero. Power: Air/Wind

"Kumusta na ang pakiramdam mo kuya Silver?" Masakit.

"I'm fine." Ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap hanggang sa makaalis ako sa akademiya. Ang pagiging pormal ang napili kong maskara.

May dalawang estudyante na dumating, ipinapatawag daw ako ng headmaster. Gusto kong dumaing.

"Palagay ko ay kailangan niya pa ng-" Pahinga.

"No, I can walk." Maliit ang ngiti na binigay sa akin ni Gen. Inalalayan ko ang sarili para makatayo.

"Drink this." Yuck. I took the potion in one go. Ang pangit ng lasa. But, Gen's potion works really well at naramdaman kong nadagdagan ang aking lakas, inayos ko ang sarili at sumunod sa dalawang bata na ipinadala ng headmaster. Patay nanaman ako nito, sa detention room nanaman ata ako babagsak.

Pilit kong inalala ang mga nangyari.

We have five role types as elementians: two attacker teams, two defender teams, and healers.

East (Ignis) attackers are in charge of external attack range which means, in case of battle, sila ang frontline outside the academy. Si Master Tyrol Cray ang director ng mga fire elementians at siya din ang nagtre-train sa mga piling fire elementians na pumasa bilang east attackers ng academy.

West (Aqua) attackers are in charge of internal attack range which means they battle inside the academy. Si Master Shamcey Harper ang director nila. Aero-Aqua elementians with offensive battle techniques also belong here.

North (Aero) defenders are in charge of the internal security system while South (Terra) defenders are in charge if the external security system. The security system include background checks, alarms and barriers installation, patrols, and more. The main difference between the two is that the north defenders focus on students and personnel inside the academy while south defenders focus on troubles brewing outside the academy. Si Master Carolina Dampshire ang director ng air elementians at si Master Ric Pandone naman ang director ng earth elementians.

For emergency care and assistance, we have the Aqua-Terra elementians headed by Genevieve Ynui, or Gen as you know. Sila ang nangunguna sa healing and disaster prevention.

Noong araw na mawalan si Benevelle ng kontrol sa kapangyarihan ay isa ako sa mga nakatoka for internal security patrol. Mula sa malayo ay nakita ko ang pagtakas ng usok sa mga palad niya. I immediately made an air force field para hindi ito kumalat.

Sakto naman na kalalabas ni Elmira ng Headmaster's office kaya naabutan niya din ang gulong iyon. Habang wala pang gaanong estudyante sa hallway ay inilubog niya ang parte kung saan nakatayo ang dalawa. Mas dumali sa akin na kontrolin ang usok kaso naging concentrated ito sa dent na ginawa ni Elmira.

"Thunder!" Bumaba ang dalaga sa dent nang patamaan ni Thunder si Benevelle ng kidlat sa balikat.

"Shit, Elmira!" Sumunod naman ako sa kaniya. Zero visibility na dahil sa kapal ng usok hanggang sa naramdaman kong para kaming hinihigop sa isang portal or void.

Nang magising ako mula sa pagkateleport ay hinanap ko agad si Elmira. Nasa loob kami ng academy. Hinabol ko siya habang papasok siya ng library.

"Shit!" Napahawak ako sa ulo dahil wala na akong maalala. Hanggang doon lang ang naalala ko.

Inayos ko ang sarili bago tuluyang pumasok ng office.

"Greetings, headmaster." Mabigat na aura ni Headmaster Elvis ang ibinati niya sa akin. Titig ito sa kawalan at malalim ang iniisip.

Sinalubong nito ang tingin ko pero umupo na lamang ako nang hindi ko na masabayan ang bigat ng mga ito. Naabutan ko din dito si Snow, nakayuko at na may nilalarong snow globe sa kamay. Bumalik na pala siya.

Nakasisiguro ako na katulad ko, may inaasikaso pa siyang iba na hindi lamang ang akademiya.

The born ruler of the hidden world
is bound to be protected by thee.

Katulad ko ay nagmamadali na din siyang makaalis ng akademiya. Hindi lang ako sigurado kung katulad ko ay binibigyan din siya ng misyon ng kapangyarihan niya.

"Let's talk." Napatingin kaming dalawa ni Snow sa Headmaster. "My daughter remains unstable. Until she wakes up, I will not consider her fine." May halong paninisi ang mga salita niyang iyon.

Pilit kong itinago ang namumuong galit sa dibdib ko. Masama ang kutob ko. Hindi ko alam kung anong hihilingin ng headmaster sakaling personalin kami nito.

"Show me what happened." Bumaling ang headmaster kay Snow.

Inilapag niya sa desk ang pinaglalaruang snow globe kung saan naka-store ang unaltered version of memory niya. Nagmistula itong projector. Ipinapakita nito kung ano lamang ang eksaktong nakita ng mga mata ni Snow. Nagulat ako nang makita sa hologram na kinakalaban siya - mula sa pagpana ko sa kaniya hanggang sa combat.

Nalipat ang tingin niya kay Elmira na walang malay at duguan, may mabigat na malaking sementadong poste sa kaniyang tiyan. Parang pinipiga ang puso ko. Binalot niya ito ng frost samantalang pinaralisa naman ako ni Snow.

Tuloy-tuloy ang palabas sa snow globe hanggang sa mahatid kaming dalawa ni Elmira sa clinic. Kung hindi si Snow ito ay iisipin kong isa itong malaking kasinungalingan. Napahawak ako sa ulo dahil sumasakit ito tuwing sinusubukang kong makaalala.

"Anong nangyari doon Silver?" Pilit kong itinago ang kaba sa dibdib ko. "SILVER!" Napaigtad ako nang magtaas ng boses ang headmaster.

Bahagyang yumanig ang lupa dahil sa pagsigaw niya at sigurado akong nadinig iyon ng buong akademiya.

"I apologize headmaster." Wala akong magawa kundi humingi ng tawad dahil wala din akong masabi.

Guide and care, and love the heir.

"Do you know what you did back there, Silver?" Nagdadalawang-isip ako kung aamin na wala akong maalala. "Are you not going to explain your side?"

Mukha namang hindi rin handa ang headmaster na pakinggan ang panig ko kaya itinikom ko na lang ang bibig. Hanggang sa pagtatalo lang ni Benevelle at Thunder ang alam ko, wala na akong ibang maalala.

Teka, "Where's Benevelle?" Nasambit ko pala iyon. Mabigat ang paghinga ng headmaster nang marinig ang pangalan ni Ben.

"She's not a student of the academy and she is not my concern." Naikuyom ko ang palad ko at nilunok ko muna ang galit. Hindi ko mapigilan ang sarili na isiping makasarili siya.

"If you do not have anything to say, then hear my decision." Mahina akong sinipa ni Snow. Ipinagkibit-balikat ko na lang dahil kabisado ko naman na ito. Sa akin niya ibubuntong ang galit.

"Silver, you will be suspended for a month," Shit. Napamura ako nang tuloy-tuloy sa isipan. "And you, Snow, your position as Top Lister will be revoked, or..." Mahaba-haba pa silang nag-usap pero lumulutang na ang isip ko.

Believe and you shall see. Ang misyon ko na hanapin siya, mapupurnada.

"You will continue to hold your position Snow, but you will not leave the academy until next year."

Tila binuhusan naman ng yelo si Snow sa narinig. Anumang kaniya-kaniya naming plano, mukhang made-delay kami.

Bad Genie [Under Revision]Where stories live. Discover now