Chapter 1

283 8 2
                                    


Nagising ako mula sa isang panaginip. Grabe hindi ko inaasahan na panaginip lang lahat ng iyon. Mula sa pag hawak kamay, pag uusap at pag tatawanan naming dalawa.

Nakakainis. Panaginip lang pala lahat ng iyon. Sana kasi di na muna ako nagising kaagad para mas masulit ko pa.

"Angelie! Bumangon kana diyan papasok ka pa diba?" Tawag sa akin ni mama mula sa baba. Paakyat na siya sa kwarto ko samantalang ako iniisip ko padin yung panaginip na naudlot.

"Ayy kalabaw na may sabaw!" Nagulat ako ng kurutin ako ni mama sa tagiliran.

"Hindi ka ba papasok? Ano ba? Nakatulala ka nanaman!" Sabi ni mama.

"Opo maliligo na po" sabi ko. Habang naglalakad na papunta sa c.r namin.

------------

Pag katapos kong maligo, magbihis at kumain dumiretso na ako sa labas namin at ready na akong pumasok. Ako nga pala si Angelie reposposa. 3rd year junior highschool. Masaya naman ang buhay ko sa bahay namin kumpleto ang pamilya at pati nadin sa school. Dream ko maging singer balang araw pero sa ngayon dream ko lang makapagtapos para makatulong nadin sa magulang ko.

"Ang tagal mo lumabas. Alam mo bang matagal akong naghihintay dito! Late ka nanamang lumabas no" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Si Achilles pala. Matagal na kaming magkaibigan ni Achi pagkabata palang palagi na kaming magkasama. Sabay din kami ng trip. Lalong lalo na sa pag kanta. Parehas namin parehas maging singer.

"E diba sabi ko naman sayo kapag matagal na ako mauna kana? " sabi ko pero pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko.

"Hahaha ang bagal mo talaga. Anliit mo kasi" sabi niya at may kasama pang pang aasar. At saka siya tumakbo papalayo kasi alam niyang gaganti ako at ayaw niyang magulo ang buhok niya.

------------

Nakadating na kami sa school. As always wala padin namang nagbago sa palagi naming ginagawa ni Achi. Papasok kami ng sabay at dahil mag kaklase kami dun namin makikita ang iba pa naming kaibigan. Bukod kay Achi palagi ko din kasama si Ali at Gabby. Silang dalawa ang palagi naming kasama ni Achi. Sa totoo nga lang ako lang ang babae sa kanilang lahat dahil doon ako mas sanay. Puro lalaki ang kasama ko palagi at doon din ako medyo komportable.

"Buti naman hindi kayo nalate na dalawa" bungad sa amin ni Ali. Si Ali ang medyo seryoso pero mabait sa aming apat.

"Hahaha for sure binagalan niyo nanamang dalawa mag lakad" sabi naman ni Gabby.

"Si Achi kasi palaging nang aasar" sabi ko at parang nagsusumbonng ang tono ng boses.

"Nabalitaan mo na ba? Yung mga nakakalaban natin sa battle of the bands lilipat na daw dito sa school natin" sabi ni Gabby.

Oo nga pala. May banda pala kaming apat. Si Ali ang drummer, si gabby naman ang keyboard at bass and back up singer naman si Achi at ako naman ang guitarist at Vocalist. Palagi din kaming lumaban. Maayos naman ang school nila ah? Bat sila lilipat. Alam kong maayos din sa school namin pero bakit kaya sila lilipat?

"Ano? Bakit parang biglaan naman ata?" Sabi ko.

"Ang balita ko may offer daw sa kanila ang school natin hindi ko nga lang alam kung ano yun." Sabi ni Ali.

"For sure sila ang pag kakaguluhan ng mga schoolmate natin" sabi ni Achi.

"Ok lang yan. Alam naman nating magaling tayong apat at kung may magiging problema malamang hindi naman na importante yun." Sabi naman ni Gabby.

"Pero balita ko mga bully at badboys daw sila" sabi ni Ali. Ewan ko pero iba ibang chika ang meron si Ali.

"Dapat kung may mga susunod pa tayong laban galingan pa natin lalo. Hindi dapat tayo mag patalo sa kanila." Sabi ko. Sakto at dumating na din si maam April. Ang adviser namin.

Sa totoo lang hindi naman nakakagulat na lumipat sila sa school namin. Music naman talaga ang specialty ng school namin. Maayos din ito na private school at maayos naman ang pagtuturo sa mga subject.

"Hello class please take your seat. And I will introduce to you all of you your new classmates." Sabi ni maam April. "First this is Gian, next is Rhys, and this is Aljon and last but not the Least Seth." Sabi ni maam at sabay sabay na pumasok ang mga pinakilala niya.

Nagulat ako nung makita ko sila. Nagulat ako nang makita ko si Seth.

Yung panaginip na meron ako kanina...

Siya yun.

Si Seth.

Somebody to Love (sethlie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon