Chapter 10

99 7 4
                                    

LIE'S POV

hindi ko alam pero simula ng araw na mag kasama kami ni Seth hindi na siya nawala sa isip ko. Ang baduy naman kasi isang araw palang yun. Hindi ko pa siya gaano kakilala pero okay na din yung nalaman ko na okay siya.

4:30 palang ng madaling araw ngayon pero nag hahanda na ako para sa team building. Kagabi palang nag handa na ko ng lahat ng dadalhin ko. Lahat ng damit for 3 days, gamit at iba pang pwedeng dalhin.



Pati na din yung Doraemon na masaya.

Napapangiti nalang ako pag naiisip ko yun. Parang ansaya ko din na masaya siya. o kaya naman atleast napasaya ko siya.

Alam kong hindi pa to permanente madami pang pwedeng magbago. Baka mag bago siya, mag bago ako o kaya mag bago ang lahat. Bata pa kami hindi naman namin alam na baka bukas o sa susunod hindi na kami mag kaibigan.

Hindi pa din malinaw sa akin kung bakit kasama siya sa panaginip ko.

Pero parang sobrang kilala ko na talaga siya.


Sa bagay nadami naman akong hindi naaalala noong bata pa ako kaya malamang madami din akong hindi natatandaan na mahahalagang bagay na nangyari noon.

Dapat 5:30 am andun na kami sa school para sa seating arrangement.

Biglang nag ring yung phone ko

*phone ringing*

Si Achi pala yung tumatawag.

"Hello Lie? Ano okay kana ba? Dadaanan na sana kita" sabi niya at napag usapan na pala namin na mag sasabay kami.

"Yes okay na ko.Hintayin nalang kita dito. Ingat" sabi ko at nag paalam na sa phone.

Habang hinihintay ko si Achi nakita ko yung tshirt at jacket na binili ni Seth sa akin. Hindi ko alam pero parang ang special sa akin ng mga bagay na yun.

"Anak! Anditi na si Achi!" Sigaw ni mama mula sa baba hanggang sa kwarto.

"Opo bababa na po" sabi ko at kinuha ko na yung backpack ko na halos mas malaki pa sa akin dahil andami kong dinala kala mo di na makakauwi ng bahay eh hahaha.

Pag kababa ko naka upo na si Achi sa sofa.

"Ano tara na?" Sabi ko at bigla siyang natawa sakin.

"Hahahaha grabe naman Lie! Bat andami mong dala? Para kang si Dora" Anong nakakatawa doon?

"Che! Tara na nga" sabi ko at bigla naman niyang kinuha yung bag ko. Nag palit kami ng bag since mas magaan yung kanya parang wala siyang kadala dala.

Habang nag lalakad kami papunta sa school biglang napatanong sa akin si Achi.

"Ikaw ha! May tinatago ka sa amin. Nung nakaraang sabado nakita kong hinatid ka ni Seth dito. Ayieeeee diba crush mo yun" sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Huy hindi ahh ganito kasi yung nangyari. Nakita ko siya sa mall tapos nagpasama siya sa akin so dahil mabait ako sinamahan ko siya" sabi ko. Patango tango naman si Achi pero may kasamang nakaka lokong ngiti.

Kinurot ko naman siya habang patuloy padin siyang tumatawa.


Nung dumating kami ni Achi sa school nakita naman namin kaagad sila Ali, Gabby at Krist sa may hallway habang nag aabang ng seating arrangement.

"Oh andito na pala kayo." Sabi mi Krist at bumati din ng goodmorning sila Ali at Gabby sa amin ni Achi. Grabe parang puyat na puyat pa tong mga to.

"Oy teka! Yung jacket mo! Parang may kaparehas ka!" Sabi naman ni Krist. Oo nga pala suot ko yung jacket na doraemon na pinili ni Seth.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko at parang patay malisya.

"Baka nag kataon nga lang. " sabi naman niya.




Nagulat at may halong tuwa naman ako ng nakita ko ngang suot niya yung pinili niyang jacket para sa akin at sa kanya.

Napatingin lang ako sa kanya. At nagulat ako ng tumingin din siya sa akin at ngumiti. Di ko alam kung kinikilig ba ako o baka naman natutuwa lang ako.

Bakit kaya parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Akala ko dati hindi siya ganito kabait o kaya naman masungit siya o mayabang. Pero nung nalaman ko na mabait pala siya di ko mapigilang humanga sa kanya.

Teka! Paano ko naman nalaman na mabait talaga siya e isang araw ko palang naman siyang nakakasama. Pero pakiramdam ko antagal ko na siyang kilala.




Weird!




Halos kompleto na kami at dumating na din si maam April para sa seating arrangement namin.

Mag katabi si Ali at Gabby. Tapos si Achi tapos si Kurt. Alam kong mag ka close sila dati pero di ko alam kung bat parang hindi na ngayon. Katabi ko naman si Krist at nagpapasalamat ako na hindi si Sandra o kaya Lienel yun.




Tapos nagulat ako nung nakita ko si Rhys sa gilid ko at katabi niya si Seth. Si Aljon at Gian naman ang mag katabi.




Di ko talaga feel tong si Rhys. Madalang mag salita pero ansungit naman. Pag nag thank you pa siya parang napipilitan pa.

"Why?" Napansin niya akong nakatingin sa kanya jusko ang feeler.

Di na ako sumagot at tumingin nalang sa bintana ng bus.

Halos isang oras din ang nakalipas pero hindi padin kami nakakarating sa venue ng team building.

Nag sasight seeing ako ng naramdaman kong nag vibrate 


"Thank you ulit kahapon :)-seth"


Biglang nag pop up sa phone ko at ewan ko pero napangiti ako. Hindi ko alam bakit? Bakit ba kaso ako napapangiti ng mokong na to. Hindi ko alam kung ano yung i rereply ko kaya hindi ko muna nireplyan. Napasulyap ako sa upuan niya at nahuli kong nakatingin siya. So ano to staring game ganun? 






At sa wakas nakarating nadin kami sa venue. Maganda, tahimik at pang team building talaga.


"Oy kanina pa kita napapansin. Kanina ka pa nakatingin kay Seth, akala ko ba di mo sya magugustuhan?" Nagulat naman ako kay krist kasi bigla siyang bumungad sa gilid ko.



"Ikaw ma intriga ka hindi ko alam san mo nakuha yan." Sabi ko nalang at nag patay malisya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somebody to Love (sethlie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon