Chapter 3

142 8 0
                                    

Nakita ko na inalalayan niya ko mula sa pag kadapa ko. Nakakahiya kasi nakita niya pero hindi ko yun inaasahan.

"Hindi ka kasi tumitingin" sabi niya at napansin ko ding parang ang lambing ng boses niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong makatayo.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong naman niya sa akin.

"Anu bayan! Ako yung nag tatanong e tapos ako din sasagot sa tanong ko." Sabi ko at di ko mapigilang mainis ang boses ko.

"Ikaw lang ba pwede dito? Bakit nabili mo na ba to?" Sagot naman niya. Aba nag tatanong lang naman ako.

Pagkatapos naming mag usap umupo ako sa isang monoblock at nilabas ko yung journal ko slash important notebook. Doon ko sinusulat lahat ng mahahalagang bagay sa akin at mga lyrics na naiisip ko.

"Nasaan ang mga kaibigan mo?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Seth.

"May pinuntahan sila. " sabi ko habang nag susulat padin sa notebook. "Ikaw? Nasaan ang mga kaibigan mo?" Sabi ko naman.

"Pinuntahan nila yung nga Girlfriend nila sa kabilang section" sabi niya at parang walang reaksyon ang mukha. Oo mukha dahil tinititigan ko na siya ng di ko namamalayan.

Di ko alam bakit ganito ang epekto niya sa akin. Hindi ko naman siya kilala bakita parang ang gaan ng loob ko sa kanya?

"E ikaw? Bakit di mo pinuntahan yung girlfriend mo?" Tanong ko naman.

"Wala naman akong girlfriend" sabi niya at hindi ko alam bakit parang nagulat ako na wala siyang girlfriend. Totoo ba? Sa gwapo niya na yan. Ayy este sa sobrang sikat, at mayaman, talented niya na yan? Teka nga bat ba lagi ko nalang siyang pinupuri? Ahh basta ang gusto ko lang naman sabihin e nakakagulat na wala siyang girlfriend.

"Bakit wala?" Tannong ko at di ko namalayan kung bakit ko tinanong yun? Dapat  nasa utak ko lang yun.  Hays  angelie! Ang galing mo talaga.

"Bakit naman hindi? Willing naman aking mag hintay." Sabi niya at parang dun sa time na yun natawa siya.

"Aba! Hahahahah siguro torpe ka no?" Sabi ko at bahala na nga kung ma offend siya. Minsan nakakainis din tong bunganga ko walang ka preno preno! Hays!

"Siguro nga. Alam mo hindi ko alam kung bakit andali para sa iba sabihin yung nararamdaman nila" sabi niya at parang naging seryoso nanaman siya. Di ko alam bakit ako lumapit sa kanya.

Nakiki feeling close ba ako? Nature ko na ata kasi yun na halos lahat nalang ng makausap ko feeling ko close na kami kaagad.

"Baka kasi iniisip nila kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman" sabi ko at bigla siyang napatawa. Aba! Pinag tatawanan niya ba ako? "Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ko naman sa kanya habang naka kunot noo.

"Wala lang. Palagi ko naman ng naririnig yan. Siguro hindi lang ganun kalakas ang loob ko para subukan ang mga bagay na alam kong hindi ko kaya" jusko humuhugot ba to?

"Anlakas mong humugot. Nakakainis" sabi ko at saka ako naman ang tumawa at anlakas din ng tawa ko na may kasama pang apir.

Mag aapir na sana ako ng bigla niyang binawi yung kamay niya. Aba loko to ahh pinag titripan ako. Baka di lang talaga kami close no?

"Hahahahahahaha kung nakita mo lang yung mukha mo ng binawi ko yung kamay ko" sabi niya at sobrang lakas din ng tawa niya.

Hinabol ko siya at tumakbo naman siya kasi may plano akong kurutin siya. Pero dinidilaan niya lang ako.

Napaisip ako na bakit ambilis? Di naman kami close diba? Bakit ambilis niya matawa sa akin? Bakit ambilis kong natawa ata napatawa siya?

"Ayoko na" bigla siyang huminto at tumatawa padin. "Ambilis mong mapikon at ang cute mo mainis" sabi niya at saka niya pinahid yung daliri niya sa ilong ko. At umalis na din siya ng auditorium.







Anong sabi niya?








Ako? Cute?





Hahahahahaha







Pero totoo naman diba? XD hehehe

Somebody to Love (sethlie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon