Chapter 8

132 6 1
                                    

Pagkatapos namin kumain niyaya niya naman ako sa arcade. Anong trip ba neto bat ako pa sinama. Sabagay wala naman kaming practice ngayon at wala din naman akong masyadong gagawin. At nag text nadin ako kay mama.

"Anong gusto mong laruin?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Basketball" sabi niya at nakita ko nanaman yung ngiti niyang nakakaloko.

"Sige ba! Anong akala mo sakin? Porket maliit ako di ko na abot yan?" Sabi ko at lalo siyang natawa. So totoo nga iniisio niyang maliit at at di ko kaya mag shoot? Oo totoo namang maliit ako pero feeling ko naman kaya kong mag shoot doon.

"Wala akong sinasabi. Masyado kang defensive." Sabi niya at pinisil niya yung ilong ko. Teka nga feeling close naman to masyado!

Lumapit na kami sa counter para mag papalit ng card. 200 pesos yung pinalit niya at muntik pa ngang credit card yung ipalit niya hahahaha ang kulit talaga netong si Seth.

"Sigurado kabang mauubos natin yan? Andami niyan" sabi ko.

"Edi ubusin natin" sabi niya at saka niya ko hinila papuntang basketball. Antaas pala.

"Oh diba kaya mo naman sige mag 1v1 tayo." Sabi niya at tumatawa nanaman siya ng nakakaloko. Oy nakakadami na to ng pang aasar sakin ah.

"Ikaw nalang magshoot i checheer nalang kita." Sabi ko.

"Sus para namang wala kang tiwala. Sige dalawa nalang tayo tuturuan nalang kita. Eto kahit malayo basta tansyado mo mashoshoot mo to." Saka niya kinuha yung kamay ko tapos inang gulo niya yung bola sa ring para makatira ako. At unang try ko at na shoot. Aba ang galing naman pala ng coach ko eh.

"Ang galing!" Sabi niya at kinusot namaman niya yung buhok ko. May problema ba talaga sila sa buhok ko?




"Sus ang galing naman kasi ng nag turo sakin" sabi ko at saka ako ngumiti sa kanya. At ngumiti din siya.




Nakailang points kami dun sa basketball kaya kami yung highest score at may free rounds pa. Ngayon ko lang ulit nakita yung super duper funny side netong si Seth.

"Alam mo ang daya mo nangangalay nako kasi aki palagi pinapatira mo e" reklamo ni Seth sa akin.

"E bakit? diba sinabi ko naman sayo ichecheer kita?" Sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa ibang booth.

"Marunong kang sumayaw?" Tanong ko sa kanya. At parang medyo na gulat siya.

"Hi-hindi" sabi niya at parang nahihiya siya.

"Sus edi tuturuan kita" sabi ko at ako naman ang humila sa kanya papunta doon sa may just dance.

Parang hindi siya mapakali na ewan.

"Diba pinag bigyan naman kita sa basketball? Sige na" sabi ko.

"Hala? Sige na nga basta yung pang zumba lang ah" sabi niya at natawa naman ako.

Na swipe ko na yung card sa just dance at pinili ko yung one dance ni drake.

"Kaya mo yan basta isipin mo walang tao na nakatingin sayo o kaya isipin mo nalang para lang tayong kumakanta" sabi ko. By partner yung pinili ko sa just dance kaya pang boy at girl yung mga steps.

Nagsimula na yung kanta kaya nag simula na din kaming sumayaw ni Seth. Sus pa humble pa tong tao na to magaling naman pala siya sumayaw.

Tumingin naman ako sa kanya parang sobrang nag eenjoy siya. Biglang napatingin ako sa isang step may pa swirl at catching effect pala yun kaya nagulat nalang ako nung hinila niya ako at inikot habang hawak niya yung kamay ko. At bigla din niyang hinawakan yung bewang ko para sa catching at napahiga naman ako tapos sinalo niya.

Somebody to Love (sethlie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon