PROLOGUE

99 1 0
                                    

"Daniel.." I called his name, almost in a whisper.

Nakita ko kung paano napalitan ang gulat niyang mukha into a playful smirk.

"Finally! You're here! I can't wait to talk to you, with all of them in here.. in this very room." He said na parang tuwang-tuwa siya sa sasabihin niya.

Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla niyang tinaas ang isang kamay.

"Stay there and don't come near me." Mahinaon pero may pagbabanta niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya at napatigil sa paglapit sa kanya. Nakita ko kung paano ngumisi si Lenny na kasalukuyang nakakandong sa kanya. She stares at me na parang sinasabi niyang pagmamay-ari niya na ito.

"A-anong problema Dan?" Tanong ko sa nanginginig na tono. Hindi ko mapigilan na hindi mautal. Kinakabahan ako sa mga pananalita niya.

"Let's end this Rie. Wag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. Nakuha ko na ang gusto ko sayo at wala nang saysay pa kung ipagpatuloy pa natin 'to." Saglit niya akong tinignan at hinahals ang buhok ni Lenny na tila ba isa niya itong paboritong alaga.

I was stunned at halos hindi ko maproseso ng maayos ang sinabi niya. Nakatulala lang ako sa kanya ng magsalita siya uli.

"You were a challenge to me. Yes, a challenge. Ang hirap mong paamuhin pero sa huli bumigay ka rin. I had fun, knowing I was your.. first?" sabay tingin sa mga reaksyon ng mga kaklase namin.

Napasinghap naman ang iilan sa kanila. Lahat ng mga tao sa classroom ay nakatitig sa amin. Pinapanuod kami na parang nasa teleserye at nakaabang sa kung anumang susunod na mangyayari.

It was a very sensitive topic for me. Halos mabingi ako sa mga sinabi niya. It was too much for me to take in. Sobrang sakit. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng sakit after nungーmabilis nawala yung mga iniisip ko ng magsalita muli siya.

"It was all a game for me. A very good one at that. And you know what? That. Wasn't. Love. Love?" Na para bang nakakadiring pagkain iyon na lumabas mula sa bibig niya. "That word is out of my world. Kaya tigilan naー "

"Dan.. p-please.," putol ko sa sinabi niya. "You said you love me! You love me, right?! Diba sabi mo ako lang ang mahal mo? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sakin nagmamakaawa akoー"

"No, stop!" Itinaas niya ang isang kamay sa haparan ko para pigilan ako. "I said tigilan na natin 'to!" Pasigaw niyang sabi sakin. "Hindi ka ba nakakaintindi?! Alin ba sa TIGILAN NA NATIN 'TO ang hindi mo maintindihan? ha?!"

Saglit kong pinikit ang aking mata at tumingin sa taas para pigilan ang nagbabadyang luha. Parang may utak ang sarili kong damdamin na bigla nalang nag-iba. Naisip ko lahat ng nangyari. Yung mga nagdaang araw na pag-iwas niya sakin, yung harapang pambabae at pagsisigaw at ang ipahiya ako sa harap ng mga kaibigan niya.

Nasanay na yata ako sa ganitong eksena yung harap-harapan akong saktan at pagsasalitaan ng masasakit na salita.

Mabilis pa sa kidlat ang pag-iba ng emosyon ko. Inis at galit ang pumalit sa sakit at unti-unting naghahari sa buong pagkatao ko. Oo, ganun kabilis. I was too numb to even care now. Parang may naputol sa pagkatao ko.

I folded my arms at walang emosyong tiningnan ko siya. Ang lalaking walang ginawa kundi ipahiya ako sa lahat. I smiled wickedly. Parang nangingibabaw na sakin ang tunay kong ugali na dapat noon pa ipinakita ko na.

This is me. It's payback time!

Ngayong alam ko na ang baho niya, hindi na ako magpapakatanga at hayaang mapahiya ng tuluyan sa mga taong nandito ngayon.

"Hehhh.., so you really expect me to say that?
ーAnd beg?" I'm staring right back at him na nakataas ang kilay.

"First of all," sabay tingin sa mga kaklase ko, iniisa-isa ko silang lahat. "I'm thankful na nandito kayong lahat ngayon. Be my audience. Kung nag-enjoy siya sakin mas lalo naman ako. Tingin pa lang masarap na diba? 'Wag niyo lang tagalan dahil masama ang lasa." I grinned evilly at them.

"At ikaw Daniel Jace Rodriguez, yan lang ba ang kaya mo? " Diniinan ko ng maayos ang pagkasabi sa pangalan niya. "You thought you won the game? Oh, c'mon! You did your effort, I received the pleasure. Sino ang talo? And what? You courted me for quite long at ano nahirapan ka? Dapat lang! Pinatikim ko lang sayo yung hirap na hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo ng ganun kadali. You're one lucky son of a b*tch dahil naisipan ko pang ibigay sayo. Thank you though, I had fun. So. Much. Fun." I faked a smile at humarap kay Lenny.

"He's all yours now Lenny. From head to toe." Sabay tawa at kunyaring napahawak sa dibdib.

"Oops! Awkward! I should've known better."

Aalis na sana ako sa lugar na yun nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Ojou-sama.."

I closed my eyes.

That silvery voice. How could I forget?

It's him.

And he's here now.

"Ames.." I called out under my breath. At humarap sa kanya.

Tough As NailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon