First Meeting
Manila, Philippines
It's been nine years simula nung umalis ako ng bansa. At ngayon nandito uli ako. Sa Davao ako lumaki pero may bahay kami dito sa Manila at nandito din ang kapatid ko kaya dito na ako uuwi. Bibisitahin ko nalang yung Lola at Lolo ko sa Davao. I miss them so much!
Pagkababa ng eroplano ay agad 'kong nalanghap yung hangin na puno ng polusyon. Yes, polusyon. I almost let out a laugh at the thought. Wala pa ring pagbabago. Nakakamiss lahat-lahat. Kasalukuyang nasa loob ako ng Ninoy Aquino International Airport at pababa na para kuhanin yung bagahe.
I'm wearing a tattered jeans and a black loose crop top. Dahil sa sobrang excited ay hindi ako nakatulog kaya napamask din ako at nakacap na parehong black.
Masyadong haggard yung mukha ko. Napahawak ako ng mahigpit sa dalang bag nang maalala ko yung itsura ko. Tiyak pagtitripan na naman ako ng kapatid ko. Sobrang maarte pa naman yun. Nung bata pa kami lagi akong tinitingnan sa mukha na akala mo isa akong failed experiment na ginawa ni God. Pagmay napapansin siyang kakaiba sa akin, pagsasabihan niya ako agad. Oo, ganun yung kapatid ko, perfectionist.
Naiihi na ako sa sobrang pag-iisip kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa restroom bago kuhanin yung mga bagahe ko. Naglalakad at nakayuko lang ako ng biglang nabunggo ko yung pader ay este tao pala. Taong bato! Sa tigas ng katawan pati utak ko nauga na yata.
"Watch where you're going Miss!"
Sabay takip ng bibig niya. Ganito na ba kalala yung mukha ko? O baka bad breath lang ako? Pasimple kong inamoy yung bibig ko habang nakamask. Hindi naman. Ano kaya problema nito?
"S-sorry po!"
I smiled sweetly at him kahit nakaramdam ako ng konting inis. Ano akala niya sakin isang virus?
Hindi ko napuna na napatingala na pala ako dahil sa katangkaran ng kaharap ko. Masyado siyang matangkad kinawawa yung height kong 5 flat lang at nakasapatos pa ako na wedges. He was staring at me like I'm his prey and ready to pounce anytime.
He has a slightly tanned skin blended with dark and pompadour hairstyle. Strong eyebrows, brown eyes, nose that is perfectly symmetrical and full lips which complimented his chiseled features. Para siyang isang model na kalalabas lang sa magazine. Ganun siya. Marami na akong nakitang gwapo pero sa kanya lang ako ganito. Like I feel intimidated by him and I just can't explain why.
Nakatulala lang ako sa kanya ng magsalita siya uli.
"Hmm.. Like what you see?" he asked while stepping closer to me. His deep husky voice gives me a strange feeling.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. I swallowed the lump in my throat bago magsalita. Namumula yata yung mukha ko sa sinabi niya.
"Uhh.. a-ano h-hindi!" sweet Lord! Why am I always stuttering in front of this man? I'm always calm and composed but what happened now?
Napapikit nalang ako sa hiya. Before I could open my eyes, I heard some clickings of cameras. Ano 'to? May artista ba? Wait! Parang malapit lang yun ah.
"Shit!" I heard him cursed.
I immediately open my eyes ng maramdaman ko yung pagtanggal niya ng cap ko na siyang dahilan ng pagkalugay ng mahaba at pula kong buhok. Kasunod niyang tinanggal yung mask ko. I tried to blink a few times, what the hell just happened? Ang bilis niya! Siguro mabilis din 'to sa ano. Alam niyo na? Pinilig ko nalang yung ulo ko sa mga naiisip.
"Wow.. You're beautiful!" he said while studying me fully. Nang maramdaman niyang dumadami ang mga tao sa paligid namin he used my cap and mask to cover his face.
Tiningnan niya ako saglit at agad nagmamadaling umalis. He was running like his life depended on it. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin.
"The nerve of that man!" wala sa sariling sambit ko saka pa ako nahimasmasan ng mawala na siya.
"Kapal niya! How could he take my baseball cap without asking my permission?"
Para akong tanga na kinakausap ang sarili. Sana yung mask nalang pero yung cap may sentimental value yun para sakin. Bigay yun ng bestfriend ko! Hindi pwede! Shit! Just thinking of it makes my blood boils. Ang bastos tagala! May araw ka din sakin. I smiled evilly na para bang may binabalak na masama. Hindi ko alam kung magkikita pa kami pero pagnagkita kami humanda siya.
"Si Daniel Jace Rodriguez yun diba?" naririnig kong tanong ng isang babae.
Agad lumipat ang tingin ko sa kanya.
"Oo, yung sikat na model! Ang pogi niya talaga lalo na sa personal." sabay talon at sapak dun sa katabi niya.
Kinikilig yata.
Pero lumaki yung mata ko sa nalaman. Napatakip ako bigla sa bibig.
Wait, what?! Model? Model siya? Kaya ba niya ninakaw yung cap at mask ko at nagmamadaling umalis?
I keep my thoughts to myself at nagmamadaling umalis sa lugar na yun bago pa ako ang mapag-initan nila. Baka machismis pa ako. I hate attention. Not today please pagod pa ako.
Buti nalang umalis din yung paparazzi.. Paparazzi? Parang nagloading yung utak ko. Ibig sabihin may kuha kaming picture? I cursed silently. Sana wala or kung meron man sana hindi makita yung mukha.
Isang maleta, malaking bag at yung handcarry ko lang ang dala ko. Kinuha ko na mag-isa at dali-daling pumunta sa exit.
I looked around hanggang sa mahagip ng mga mata ko yung pangalan ko. Surprise lang ang pagkauwi ko ngayon kaya walang alam ang pamilya ko.
"Mang Isko!" I waved and smiled at him. Saglit kong nakalimutan yung asungot kanina ng makita ang medyo may edad na na driver namin. Namiss ko din siya! Masaya akong makita siyang muli.
"Kamusta na po kayo?" Tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.
"Mabuti naman po Ma'am." He smiled back habang kumakamot sa ulo.
"Scarlett nalang po Mang Isko." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Kasi Ma'am ang laki niyo na po."
"Nakalimutan niyo agad pangalan ko nawala lang ako ng siyam na taon. Tsaka Scarlett naman tawag niyo sa akin dati ah? Wala naman pong nagbago." Nakapout na sabi ko sa kanya.
"Ay! Sige Maーay este Scarlett" kinamot niya uli yung ulo niya saka tipid na ngumiti.
"Don't worry Mang Isko, you will get used to it." At pumasok na ako sa sasakyan hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya. Inayos niya muna yung gamit ko sa likod ng sasakyan saka pumunta sa driver's seat.
"San po tayo Ma'am?"
"Scarlett po Mang Isko, Scarlett." Habang pinipigilan yung tawa ko.
"Ganyan po ba talaga pagtumatanda Mang Isko?" tanong ko saka pinakawalan yung pinipigilan kong tawa.
"Ikaw talagang bata ka! O sige na nga! San po ba tayo?" tumawa na din siya.
Kahit matanda na malaki pa din respeto niya sa akin. Alam niya pa din kung saan lumugar kahit na ayaw ko ng ganun. I want to treat them like family.
"Sa bahay ni Mimi. Gusto kong makita kapatid ko." I answered back and closed my eyes. What a long and tiring day!

BINABASA MO ANG
Tough As Nails
عاطفيةShe wakes up the next morning and feels as if the weight of the world is on her shoulder. She was used, controlled and betrayed by her own parents. Or so she thought. She was wrecked. She lost her faith in life. She couldn't trust anyone anymore, no...