Daniel's POV
Somehow, I just can't stop thinking about the girl I met few hours ago. She looks familiar to me. Parang nakita ko na siya hindi ko lang maalala.
"I'll see you tomorrow Daniel 8:00 am in the morning. We have to finish everything bago matapos yung break mo." My manager said at bumaba na ng sasakyan.
I just closed my eyes at hinihilot yung sintido ko. Nakakapagod nga naman yung palaging puro trabaho. Break? Halos wala akong pahinga. I don't know why but I love working as a model kaya I don't really mind kahit nakakapagod pa ito. And then again, my thoughts came back to her.
Sinadya ko siyang banggain para makita ko yung tinatago niyang mukha. I got curious and I don't know why.
Nagmamadali akong lumabas sa restroom matapos tumawag yung manager ko. I need to go fast or else people will notice me. And I don't have time to deal with them right now, masyadong nakakapagod ang araw na 'to.
I was about to put the phone back to my pocket ng makita ko siya. Parang may hinahanap sa floor dahil nakayuko ito. She looks funny.
"Watch where you're going Miss!"
I just wanted to startle her a bit pero sumobra yata. At nagkamali pa ako. She's so small. She looks like a teenager. O baka naman teenager nga ito? What came up to me?
I covered my mouth so that she won't notice, afraid she might create a scene when she sees me. But I was surprised na parang wala lang sa kanya. This is interesting I thought.
"S-sorry po!"
She smiled at me pero hindi niya ako maloloko. Alam kong napilitan lang siya. She's staring at me na para bang handa niya akong patayin anytime na may gagawin akong masama sa kanya.
Her eyes were the softest brown infused with green that penetrates one's soul. San ko ba siya nakita? There's just something about her. She's kind of mysterious. Parang madami siyang tinatago behind those eyes.
"Hmm.. Like what you see?" I asked while stepping closer to her.
Umaatras siya na para bang takot magkadikit ang mga balat namin. She's holding on to her bag tightly.
"Uhh.. a-ano h-hindi!''
I smirked. So, I have this kind of effect on her? Ano pa nga ba?
She closed her eyes for a minute ng biglang may clickings of camera.
Napatingin ako sa mga taong nagsisimulang lumapit sa amin.
I know I'm in big trouble pagkatapos nito kaya wala na akong ibang naisip kundi ang kuhanin ang bullcap at mask niya. I need some disguise or pantakip man lang. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.
She have a doll-like face. Her straight eyebrows, straight nose and thin lips na lahat nababagay sa mukha niya. Parang ang bata niya talaga tignan lalo na't wala man lang siyang kahit konting palamuti sa mukha.
She's so beautiful. Red hair at mahabang buhok. Ang unique ng babaeng ito.
"Wーwow.. You're beautiful!" I uttered while studying her fully. I felt like she took my breath away.
Nang maramdaman kong dumadami ang mga tao sa paligid namin I used her cap and mask to cover my face.
Tiningnan ko siya saglit at agad umalis."Sir, andito na po tayo."
Saka lang ako natauhan ng magsalita ang driver.
"Sige Mang Robert, salamat po." At bumaba na ako ng sasakyan.
I lived alone in my condo. Minsan lang ako umuuwi sa mga magulang ko. I wanted to be an independent. I'm already a man at may trabaho na din ako. Ayaw kong umasa sa mga magulang ko kahit nag-iisa lang nila akong anak.
Scarlett's POV
"Andito na po tayo Scarlett."
I slowly open my eyes and look outside. Kasalukuyang papasok ang sasakyan sa bahay. I'm here! I thought with excitement.
"Mang Isko dito ka ba sa bahay o kay Dad?"
Ang pagkakaalam ko si Papa ang kumuha sa kanya para maging driver. Matagal na yata. I just don't know the whole story dahil dito na siya sa amin.
"Nagtatrabaho ako Scarlett sa Daddy mo minsan pagkailangan niya ako."
"So dito ka po talaga sa bahay?" I asked habang pinapatay na niya yung makina ng sasakyan.
"Yes, sinabi niya dahil kailangan daw. Kuhanin ko lang mga gamit mo mauna kana sa loob." Tapos pinagbuksan ako para makababa na.
Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay. It's a two-storey house. Malaki ito para sa anim na tao. Kapatid ko, yung isa kong tita, tatlong maid at si Mang Isko. Isang taon lang ang tinagal ko dito noon pero kahit matagal akong 'di nakabalik parang bago pa din. I can't forget the memories I left in this house.
I smiled bitterly.
When I enter the house, I saw my sister sitting on the sofa with her feet on the table. At nakapatong pa talaga? I always scold her before kasi pangit yun tingnan para sa isang babae. Though I do that when people aren't watching. Mana-mana lang talaga. Hindi ko din kasi mapigilan minsan. Natatawa ako sa isip ko.
She's watching something God-knows-what. Hindi ako updated sa mga palabas dito sa Pilipinas kaya hindi ko alam. Masyado siyang nakafocus sa TV kaya hindi niya ako napapansin.
I looked at her. Humaba na ang dating maiksi at medyo kulot niyang buhok. Nagbago din konti yung mukha niya at sa tingin ko mas matangkad na siya sa akin. Kitang-kita ko ang mahahaba niyang legs na nakapatong sa mesa. Ang bilis talaga ng panahon. Dati baby ko pa siya ngayon hindi na. Dalaga na siya. Ang bilis niyang lumaki. Ipinilig ko ang aking ulo. I shoud be happy.
"Meg!" sigaw ko para mapansin niya ako.
She was startled and jumped off the sofa kaya nabitawan niya yung remote control na kanina pa pala niya hawak. Nakakatawa siyang tingnan. Parang batang nahuling may ginagawang masama. And then she looked at me at nanlaki ang maliliit niyang mga mata.
"Oneechan?! OMG!!!" tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako. "Omg! What happened?" tanong niya habang tinitingnan yung mukha at kabuuan ko.
"Anong what happened? Nine years at yan lang ang sasabihin mo?" sabi ko sa kanya at kunyaring nagpout.
"Wala bang OMG! Oneechan I miss you! o 'di kaya OMG! Oneechan ang sexy at ganda mo na?" patuloy kong sabi sa kanya.
She laughed at me. Parang joke yung mga sinabi ko at grabe siya tumawa. Hawak-hawak pa niya yung tiyan niya.
"K-kasi a-ano," tapos tumawa uli siya. Hindi niya maibigkas ng maayos dahil tawa siya ng tawa.
"Ano? Ano na naman ba ha?! Pipintasan mo na naman ako?" nakapamaywang kong sabi sa kanya.
"Oo! Sa totoo lang, para kang adik! Tingnan mo nga yang itsura mo? Ang laki ng eyebags mo. Panda eyes? Uso ba yun? HAHAHA at tsaka sexy? san ba banda? buto't balat kamo!"
I copied her HAHAHA in a sarcastic tone and I rolled my eyes at her.
"Charrr! Taray!!!" Sabi niya habang hawak ang tiyan niya sa kakatawa. Grabe talag mang-asar ang batang ito. Sarap batukan!
"Megan! Tama na yan! Wag mo na asarin ang ate mo at pagod yan sa byahe." Sabi ng Tita ko habang pababa ng hagdan.
"Tita!" I smiled widely at her. Tapos nagtongue-out ako sa kapatid ko.
"How are you Scarlett? I miss you so much!" tapos lumapit siya saken at yumakap. I hugged her back.
"I'm good Tita. Pagod lang talaga and I miss you too!" I smiled at her again.
"O siya! Kain na tayo at baka nagugutom na kayo tsaka kailangan mo pang magpahinga." Saka niya ako iginiya sa hapagkainan.

BINABASA MO ANG
Tough As Nails
RomanceShe wakes up the next morning and feels as if the weight of the world is on her shoulder. She was used, controlled and betrayed by her own parents. Or so she thought. She was wrecked. She lost her faith in life. She couldn't trust anyone anymore, no...