BG VI

101 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Hindi ko na kayang matulog ulit. Sa tuwing pipikit ako ay iba-ibang imahe ang naglalaro sa utak. Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim pa din ang langit.

Ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin ang paligid.

Nakakasilaw ang makinang na pasilyo na gawa sa marble at hindi ko maiwasang mamangha sa mga mamahaling muwebles na nakadisplay sa magkabilang gilid ng bawat pinto na madaanan ko. Nagtatangkaran ang mga poste na kulay ginto. Kinatok ko ang isa para malaman kung totoo.

May ganito palang lugar? Nasa Earth pa ba ako? Ang gusali ay hindi nakukulangan ng mga batong namimina sa mga kweba. Kung may isang salita akong magagamit, iyon ay GALANTE.

Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa sa kung saan. Nilampasan ko na lang ang bawat saradong pinto dahil baka katulad sa silid na pinaghatiran sa akin ni Silver kanina ay may password din ang mga ito, wala pa naman akong ID. Mukhang no ID, no entry eh.

Bumaba ako ng hagdan, ang mga apak nito ay tulad ng sa pasilyo habang ang hawakan ay gawa sa luma pero matibay na kahoy. Sa dulo ay sinalubong ako ng malaking double door na gawa din sa luma pero matibay na kahoy.

Pagkabukas ko nito ay nakaamoy ako ng matapang na kape. Madaming mga pahabang mesa at upuan. May iba-iba pang pagkain akong naamoy tulad ng longganisa at tapa. Kruug... Gutom na ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatalon ako sa gulat.

Si Fiona ang nagsalita, naka-krus ang dalawang mga braso sa harap habang prente akong tinataasan ng kilay.

"Wa-wala. Alis na ako."

"Silly girl." Inilingkis nito ang mga braso sa braso ko at hinila patungo sa counter. "Pick what you want."

Nahirapan akong mamili sa longsilog at tapsilog kaya---

"Dalawang longsilog po at dalawang tapsilog, ate. What else? Coffee?"

Mas gusto ko sana ng chocolate. "Si---" Sasagot sana ako ng sige pero bigla niya akong pinutol.

"Dalawa din pong hot chocolate. Here." Iniabot niya ang, ahm, student ID sa tindera at swinipe iyon ni ate bago iabot sa amin ang mga inorder namin.

Nagtataka naman ako, para kasing nababasa ni Fiona ang utak ko. She can read minds.

"Yes, I do. I'm an Ignis. So, watch your thoughts dahil nababasa ko."

Ang mind-reading niya, para bang heightened sense of hearing ko?

"Hmm, you're most likely an Aero-Aqua," sabi nito habang ngumunguya, "You'll know it once mabasa mo ang history ng Kromelia or makapasok ng class."

Bago sa akin ang mga sinasabi niya pero naiintindihan kong malalaman ko din naman ang mga iyon. Siguro, today. Pupuntahan ko pa ang Headmaster's office eh, hindi ko naman ito nadaanan kanina habang naglilibot.

"Oh, diretsuhin mo lang hanggang sa kabilang dulo nitong dining hall," Halos maubos na ni Fiona iyong dalawang order niya sa bilis niyang kumain. "Remember na kumanan, doon ang headmaster's office."

Diretso, tapos kanan. Ako sa kabilang banda ay halos hindi pa nagagalaw ang pagkain ko. Nakatatlong subo pa lang ako nang maubos na ni Fiona pati iyong hot chocolate at nagpaalam na ito sa akin dahil mayroon pa daw siyang training. Naiwan naman akong mag-isa.

Trenta minuto siguro ang lumipas bago ko naubos ang pagkain. Lumabas ako ng dining hall. Paglingon ko sa kaliwa ay tanaw ang open field. Kumukulay na ang langit at matatanaw ang kamangha-manghang bukang-liwayway.

Umupo muna ako sa gilid, parehas ng pwesto ko kahapon. Ganitong mga oras ay madami-dami na ding estudyante ang tumatakbo sa open field. Madami sa kanila ang may matitipinong mga katawan, gaya ng sa mga atleta. Dinig ko mula sa kinauupuan ang pagbibilang nila at pagcheer habang tumatakbo. Ilan pa sa mga nadidinig ko ay ang mahihinang paghabol nila ng hininga, tagaktak ng kanilang pawis, at pagsayaw ng mga puno sabay ang paghulog ng mga dahon.

Bagamat normal sa paningin ko ang paligid, nakakaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan. Tuluyan nang sumikat ang araw at sinilawan ang makulay na hardin. Kapansin-pansin sa gitna ng open field ang isang malaking fountain na lalo pang kumikinang sa tapat ng sikat ng araw. So MAGICAL! Tila kumikislap ang tubig mula roon.

Kakaiba ang lugar na ito.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Napaigtad ako sa biglang paglitaw ni Silver sa tabi ko. "Tara na sa headmaster's office."

Inabot niya ang mga palad pero hindi ko iyon tinanggap at tumayong mag-isa. Pinampag ko ang sarili.

Saglit niya akong pinagmasdan. Inabot ko ang tingin niya pero bigla itong umiwas at naglakad palayo. Tahimik ko na lamang siyang sinundan.

I AM A BAD GENIE.

"Hurry."

"Sorry," halos lakad-takbo ang ginawa ko para maglapit ang pagitan naming dalawa.

Masiyado akong malayo sa kaniya. Ang laki kasi ng mga hakbang niya dahil mahaba ang mga binti nito. Hindi ako sigurado pero mukhang lumambot ang ekspresiyon niya noong marinig ang sorry ko. Iniklian niya din ang mga hakbang para masabayan ako sa paglakad.

Hindi nagtagal ay narating namin ang isang pintong gawa sa kahoy. Mukha itong makaluma pero mukha ding matibay. Kumatok muna si Silver ng tatlong beses bago tuluyang buksan ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Heto namaman. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at gustuhin ko mang tumakbo palayo ay tila nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Greetings, headmaster." Bati sa kaniya ni Silver saka yumuko. Lumingon naman ito sa akin saka ako pinanigkitan at inayang pumasok.

Huminga ako nang malalim saka isinarado ang pinto.

"He-hello po." Napapunas ako sa noo dahil dama ko ang pagpapawis. Nilaro-laro ko na lamang ang mga daliri na itinatago sa likod ko.

"I'm glad you finally brought her here Silver. Good morning, young lady." Titig na titig ito sa akin at lalong akong kinabahan.

Parang bumabaliktad ang sikmura ko at nais kong dumuwal. Hindi ko alam kung ilang beses na akong lumunok.

"Please take a seat," malalim at buo ang boses ng headmaster. Hindi naman siya nananakot pero punong-puno ito ng awtoridad.

"You are?" Napatingin ako a headmaster nang tanungin niya ako. Pinakiramdaman ko ang sarili na parang dinadaganan nang mabigat na aura. Batid kong napakalakas ng nanggagaling sa kaniya na kapangyarihan.

"Benevelle Quentin, headmaster." Tumikhim ito nang si Silver ang sumagot para sa akin.

Bumaling itong muli sa akin, parang desidido na mapagsalita ako. Natatakot ako sa kaniya. Makapal ang mga salamin na suot niya at mayroon siya balblas tulad ni --- ayoko nang maalala. Lumingon na lamang ako kay Silver na taimtim na nakatitig sa akin kaya napanatag ang loob ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama.

"How are you, Benevelle Quentin?"

"Ah-I'm fine, thank you."

Pfft. Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Silver at nang lingunin ko ay hirap na hirap itong nagpipigil ng tawa. Nagtama ang paningin namin at kumawala muli sa kaniya ang isang maliit na tawa kaya kinagat nito ang labi at nag-iwas ng tingin.

Tumikhim ang headmaster kaya agad binawi ni Silver ang postura. Nanumbalik ang blangko niyang mukha.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now