SYNOPSIS

10 0 0
                                    

"HENNDRIIXXX!"

Umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang sigaw ni Threseus.
Pupungas-pungas na nagdilat ng mata si Hendrix.

"BAT BA?!" Sigaw nya pabalik kay Threseus.

"NAGUGUTOM NA AKOO!"

"OH TAPOS? BAT KA SUMIGAW? EDI MAGLUTO KA DUN!"

Bumalik sa pagtulog si Hendrix pero si Threseus ay nanatiling naka nguso.

Biglang naka isip si Threseus.

'Ah alam ko na hihi'

Saka sya dahan dahan na bumaba patungo sa kusina at kumaha ng dalawang takip ng kaldero at isang tabong tubig.

Umakyat siya sa kwarto na dala ang mga iyon at dahan dahan na lumapit sa kama.

Pinagbangga niya ang dalawang takip na nakalikha ng malakas at masakit sa tengang ingay.

"WHAT THE FUCK THRESEUS?!" 

Napatalon si Hendrix sa kama at masamang tiningnan si Threseus na nakangiti lamang ng malapad at naka lagay sa likod ang dalawang kamay.

Lumapit si Hendrix sa kinaroroonan ni Threseus pero umatras ito.

"Ah, ah, ah! Dyan ka lang." Sabi nito pero patuloy lamang si Hendrix sa paglapit.

'Ayaw mo talagang tumigil ha?" Sa isip ni Threseus.

Nang isang hakbang nalang ang lapit ni Hendrix bigla nyang inilabas sa likod nya ang dalang tabo na may lamang tubig at isinaboy sa mukha ni Hendrix.

"Pfftttt- AHAHAHAHA-"

"THRESEUSSSSSSS!"

Saka naman nagkukumahog na bumaba si Threseus habang tawa ng tawa.




Hey Keshess this is only the first part (stating the obyus 😆) anyways alternate lang po yung pag uud ko dito at sa isa ko pa pong story 😆

Mr. and Mrs. AndersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon