BG XX

108 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Kailangan ko nang pumunta ng headmaster's office. Umalis na ako sa pwesto ko nang biglang mapantig ang mga tainga ko. Napaluhod ako sa sakit ng ulo ko.

"Bakit mo siya sinusunog Fiona!"

Napalakas ang sigaw nito habang hindi ko pa naibaba ang special ability kaya umalingawngaw ang boses ni Blue sa utak ko. Dama ko ang pagdurugo ng mga tainga ko. Para akong mabibingi.

Isang rumaragasang alon ang dumaan sa gilid ko at pabalibag na tumama si Fiona sa dingding sa harap ko. Napagapang ako palayo. May kakaibang takot ang sumilay sa dibdib ko. Mabilis pa sa alas kwatrong dumating sa harap ni Fiona si Blue at inatake ito. Tinapatan iyon ng mga galawa ni Fiona at gamit ng kaniyang sariling apoy ay tinuyo nito ang sarili habang patuloy na nakikipagsabayan sa bawat hampas ng alon ni Blue.

Napahawak ako sa dibdib at naghahabol ng hininga. Hindi naman sila magpapatayan, 'di ba? Tulad noong una ko silang mapanood na magduel ay parang nagsasayaw ang mga ito pero dama ko na hindi normal ang mabigat na tensyon sa kanilang dalawa. Mukhang walang paaawat.

Nanghihina akong tumayo. Ramdam ko ang panginig ng mga binti ko habang tumakbo palayo doon. Naririnig ko ang patuloy na pag-iyak ng sanggol.

Wala sa sarili kong hinanap ang ingay.

Mabuti na lamang at nahanap ko ang bata. Naiwan ito sa sahig at namumula na sa kaiiyak kaya binuhat ko siya para mapatahan. Ang liit niya. Hindi ko na mamataan sa palapag sila Fiona at Blue kung kaya't isinama ko na lang muna ang sanggol sa akin.

Palinga-linga pa ako sa gilid bago bumaba ng hagdan at tumungo sa headmaster's office.

Bumungad sa akin ang mabigat at malalim na boses ng headmaster, "Matagal mo kaming pinaghintay."

"Sorry po," sabi ko habang dali-dali umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Thunder.

"Tsk, ang pangit mo," ingit nito sa akin sabay tapon ng panyo sa mukha ko. Gusot ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Let's make this quick, I already heard a lot from, Snow." Hindi pa natatanggal sa sistema ko ang nakita kanina at dadagdagan pa iyon ng aura ng headmaster. Ang sakit ng tiyan ko. Tila ba may nakabara sa lalamunan ko at gusto kong maduwal.

Padampi-dampi kong inalapat sa noo ang panyo ni Thunder. Naliliyo na ako.

"You don't look good," tumikhim ang headmaster bago nagsalita ulit. "At least, show me your power."

Wala sa sarili akong sumunod. Ibababa ko na sana ang sanggol pero naramdaman niya iyon at bigla siyang umiyak nang malakas. Sa taranta ko ay napatayo ako at naiabot ko siya sa headmaster. Oh no. Aabutin ko sana ulit si baby pero malalim ang tingin ng headmaster sa akin kaya napalunok ako bago ilahad ang palad at walang usok na lumabas kasi wala namang bad wish.

"By any chance, have you lost your power just like Thunder?" Tumango na lamang ako. Napabuntong-hininga na lamang ang headmaster. "Seems like the Kromelian gods already served you your punishments."

Pabagsak akong umupo sa upuan at nang mag-angat ng tingin ay napansin ko ang mga mata ni Thunder na paluha na. Parang ang big deal sa kaniya na nawalan siya ng kapangyarihan. Kabaligtaran ng akin. May parte ng damdamin ko ang natutuwa na wala na akong kapangyarihan pero mas malalim ang panghihinayang ko sakali mang totoo iyon.

Ganunpaman, nararamdaman ko pa din ang init ng kapangyarihan ko na naglalaro sa loob ng katawan. Hindi ko nga lang mailabas.

"And, what about this baby? I can feel that she's an Ignis." Hindi ko alam ang bigat ng mga sinabi ng headmaster pero naalala ko ang usapan nila Fiona at Blue kanina.

Hahabulin lamang ng mga Ignis ang sanggol na hawak mo.
Hindi ko hahayaang kitilin nila ang bata.

Hindi ko namalayang natumba na ako sa kinauupuan. Umiikot ang paningin ko.

Biglang bumukas ang pinto. Naramdaman ko namang may bumuhat sa akin at pinainom niya ako ng berdeng likido. Mabilis na nawala ang sakit ng ulo ko. Nagpasalamat ako pero walang boses na lumabas. "Troublemaker," bulong sa akin ni Thunder.

"Code Red, headmaster."

Sila Blue at Fiona, mabilis akong napatayo at agad namang ipinakarga sa akin ng headmaster ang sanggol bago ito lumabas ng opisina niya. Nakarinig ako ng pagkabasag ng salamin at isa lamang ang naiisip kong lugar, sa dining hall kung saan may napakalaking chandelier sa gitna at may glass windows sa gilid.

Malakas na umiyak si baby. Hinele ko ito at sa pagtahan ay nagmulat ito ng mga mata, "Celine," wala sa sariling banggit ko. Ang cute ng baby parang si Celine. Agad namang napatawa ang sanggol at iginalaw ang kamay nito.

Kapansin-pansin ang magkaibang kulay ng mga mata nito, ang kaliwang mata nito ay electric blue gaya ng kay Blue at ang kanang mata nito ay scarlet singpula ng buhok ni Fiona. Ilang saglit pa ay napalitan ang kulay ng ikalawang mata ni baby at naging parehong scarlet ang mga mata ni baby. May electric blue na usok ang lumabas sa katawan ng sanggol. Lumabas iyon ng headmaster's office.

Ano iyon? Kaluluwa ba iyon nitong baby? Agad kong hinabol ang bughaw na usok at dinala ako nun sa dining hall. Hingal na hingal ako. Inilibot ko ang tingin para hanapin ang usok pero hindi ko iyon mahanap.

Madaming basag na salamin. Basang-basa ang dining hall. Madaming air elementians ang tumba sa gilid na dinadaluhan ng healers.

"ANONG ginagawa mo!?" Sigaw sa akin ni Thunder. Hindi ako mapakali.

I AM A BAD GENIE.

Malayo at magkahiwalay ang dalawa. Parehong naghahabol ng hininga. Walang kontrol sa kapangyarihan si Blue at isang malaking tsunami ang nag-aabang sa likod nito.

Sa kabilang banda naman, ang mga apoy ni Fiona, nawawala-wala na ang apoy niya. Para itong mahinang ilaw na nagfli-flicker. Papunta kay Fiona ang electric blue na usok at sandaling dumapo iyon sa kaniya ay napasuka ito nang madaming dugo. Wala pang segundo ay namatay ang apoy ni Fiona at pabulusok sa kaniya ang rumaragasang tsunami ni Blue.

Dama ko ang gaspang ng lalamunan sa pagsigaw. Walang makalapit sa kanila dahil nagtutulungan ang mga air elementians na gumawa ng shield sa pangunguna ni Silver. Binigyang daan nila si Snow para mapagyelo ang tubig subalit huli na ang lahat. Marahas na tumama ang alon kay Fiona.

"EVACUATE. Abort and evacuate."

Awtomatikong nag-activate ang heightened sense of hearing ko.

Holy freak, bahala na.
Mga ungas, sunduin niyo dito ang mga anak niyo na pinasasakit ang ulo ko.

Pati ang daing ng mga estudyante, ang mga hininga nila, ang pintig ng puso nila. Lahat iyon nadidinig ko.

Biglaan ang pagtaas ng temperatura sa paligid at sa hindi kalayuan ay matatanaw si Snow na nagbalik sa natural na kulay ang buhok at mga mata. Pinalikas ni Silver ang natitira pang air elementians na gumagawa ng shield. Malaking parte na ng tubig ang napagyelo ni Snow pero biglang nabasag ang shield sa pagkatumba ni Silver.

Mabili na umagos ang natitirang tubig pakalat ng dining hall.

"Enjoy what you're seeing?" Nagitla ako nang marinig ang boses ni Thunder. "Tsk, careful." Halos matumba ako at ngayon ko lamang napansin na nakalutang kami sa ere.

Bad Genie [Under Revision]Where stories live. Discover now