Kamay

9 0 0
                                    

KAMAY
ni YannaDesu

Word Count: 100 words

Nakahapa ako't nakapikit sa malambot kong kama habang hinihintay dumating ang aking asawa sa lamikmik at malamig na gabi.

Halos makatulog ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay—naglalakbay sa malusog kong katawan. Napangingiti ako, napakabayanad talagang humaplos nitong asawa ko.

"Mahal, bakit ngayon ka lang?" anas kong nagtatanong sa kaniya. Hindi na ako nag-aksayang tumingala kasi mas dinarama ko ang bawat pagpisil niya sa aking dibdib.

Hanggang sa umakyat ang kamay sa aking leeg. Walang kung ano'y sinakal ako nito—hindi ako makahinga. "Mahal, ano ba!" Sa aking pagtingala'y wala palang tao.

Nawala na rin ang kamay kanina'y sinasakal ako!

Horror Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon