Si Jake

5 0 0
                                    


SI JAKE
ni YannaDesu

Word Count: 100 words

"Babe, happy new year," bungad ni Jake habang nakatayo sa labas ng gate. Ang laki ng ngisi waring hindi kami nag-break.

"Potek! Di ba sinabi ko nang ayaw na kitang makita!"

Gago talaga itong ex ko, nagbanta pang magpakamamatay, hindi naman pala ginawa.

Nawala ang ngisi niya't yumuko. "Sorry..."

Manininghal pa sana ako pero biglang tumawag ang kaniyang ina. "Ano na naman, Tita?"

Rinig ko ang kaniyang mga hikbi habang sinasabing, "Si Jake, natagpuang nakabitin—wala na siya."

Pagtingin ko sa labas ng gate, naglaho si Jake. Mabilis kong nabitiwan ang selpon. Hayop na yan, sino iyong nandito kanina lang!

Horror Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon