Laruan

8 0 0
                                    


LARUAN
ni YannaDesu

Word Count: 100 words

Noong nakaraang araw, halos ayaw ko nang pumasok sanhi nang matinding takot. Hinagis nila sa akin ang isang manikang laruan na kinuhaan nila ng mga paa't kamay. Tuwang-tuwa sila sa reaksiyon ko kasi para daw akong nakakita ng multo.

Naisip kong gumanti. Kaya kahit mabigat, hinagis ko si Marie na kaklase namin sa kanila na pinutulan ko ng kamay at paa. Sila'y nagsisigaw sa sindak, takot na takot.

Ako nama'y halos hindi na makahinga sa katatawa habang pinapanood ang kanilang mga hitsurang binalot ng pula.

Akala mo kung sinong matatapang, takot din naman kay Marie na ginawa kong laruan!

Horror Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon