HEIDE'S POV
KINAHAPUNAN sinundo na ako ni Zach sa bookstore na pinatatrabahuan ko.
"Manliligaw mo ba si pogi? Mukhang sinusundo ka, " inginuso nito ang lalaking nakatayo sa labas ng bookstore. Hindi ko magawang hindi humanga sa kaguwapuhang taglay ng lalaki sa kabila ng kasamaan nito ng ugali.
Ngiting alanganin ang ginawa ko at ibinalik ang atensyon sa inaayos kong mga book sa shelf.
"No, he's just a friend," sagot ko nang hindi ko siya tinitingnan. Labas sa ilong ang sinabi kong kaibigan ko ang chinsansu na iyon. Tinanggap ko lang naman na maging kaibigan ang lalaking iyon dahil may balak akong makipaglaro sa kanya. Gusto kong maramdaman din niya ang mga ginagawa niya sa babae na binu-bully niya sa school.
"Alam mo swerte ka dun girl. Bukod sa guwapo mukhang mapera. Kung siya ang makakatuluyan mo hihiga ka sa pera."
Napailing ako sa sinabi niyang hihiga ako sa pera. Ang alam ko sa intsik kuripot at higit sa lahat ang gusto nilang makatuluyan ay kapwa din nilang beho.
"Hindi totoo ang sinabi mo. Bawal sa kanila ang ibang lahi ang makatuluyan. Hhindi ko type ang mga chinsansu," sabi ko. Natawa ang katrabaho ko.
"Grabe ka naman. Chinsansu talaga? Di ba face cream ng mga chinese iyon?" sabi nito. Tumango ako.
"Kaya nga 'di ba china galing iyon? O, eh, di chinsansu nga," sabay tawa ko. Hinampas ako ng katrabaho ko.
"Baliw ka talaga."
Bilib din ako kay Zach dahil hinintay niya ako. Kinawayan niya ako nang makitang palabas ako ng bookstore.
"Bye! See you tomorrow." Paalam ko sa katrabaho ko.
"Bye! Enjoy sa date niyo ni chinsansu." Natawa ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko nang makalapit kay Zach. Napatingin ako sa suot nitong formal. Ganito pala makipag-date ang isang intsik. Napaka-formal. Nakasuot kasi ito ng americana at may necktie pa.
Nakakahiya naman itong suot ko. Nakapantalon ako at puting t-shirt. Nakasuot lang ako ng white na rubber shoes. Estudyanteng-estudyante ang suot ko.
"Saan ang punta mo pagkatapos ng dinner natin?" tanong ko.
"Ihahatid muna kita sa bahay niyo bago ako umuwi ng bahay." Napatango ako.
"Hindi ba nakakahiya itong suot ko sa pupuntahan nating lugar? Ikaw nakasuot ng formal samantalang ako simple lang."
Hindi kaya gusto akong ipahiya ng lalaking ito akay hindi niya ako in-inform na formal attire dapat ang susuutin ko? Nag-igting ang panga ko. Sabi ko na nga ba talagang may balak itong pahiyain ako, eh?
Nagulat ako ng may iabot siyang malaking paper bag na ngayon ko lang napansin na may hawak pala siya.
"Get it. It's for you," sabi niya.
"Ano iyan?" tanong ko. Kinuha ko iyon.
"It's your dress for our dinner date."
Tumaas baba ang kilay nito. Sinilip ko ang laman ng paper bag kung totoo ngang dress ang laman niyon. Base sa hitsura ng dress ay mukhang mamahalin ang damit. Napatingin ako sa tatak na naka-imprint sa paper bag. Grabe sikat na brand ng damit ito, ah? Prada! Halos lumuwa ang mga mata ko.
"Bakit bumili ka pa ng ganito kamahal na damit at may sapatos pang kasama. Wala akong pambabayad sa iyo. Kahit isang taon akong magtrabaho hindi ko mababayaran ang halaga ng bawat isa nito." sabi ko habang sinisipat ang damit at sapatos.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang halaga ng sapatos at damit . Parang halaga na ng bahay namin ito sa probinsya.
"It's okay hindi ko naman pinababayaran sa iyo ang mga iyan." Sabi nito ng nakangiti. Ang guwapo naman ng chinsansu na ito.
BINABASA MO ANG
Complicated (UNDER EDITING) COMPLETED
RomansaBecause of Zaccheaus Ongpauco's reputation as a nasty lad, Heidi Fernandez hates him. They had a habit of fighting, yet all of a sudden they found themselves drawn to each other. However, because of the family conflict, there are some issues between...