Prologue

17.9K 385 27
                                    


Desiree Larrson

Nakangiti akong nakatingin sa aking kabuoan sa harap ng salamin. Nakasuot ako ngayon ng kulay puting gown at may mga palamuting dyamante sa paligid nito. Actually this is my dream wedding gown! Hindi ko maiwasang humanga sa aking sarili. Hindi rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon. Ikakasal sa taong matagal ko nang minamahal. And that's Evan Smith my long time crush.

"Bes sigurado ka na ba dyan?" nakatingin sakin ang best friend ko na si Vivoree sa salamin. Nasa likod ko kasi ito. Umalis saglit ang mga make up artist at iniwan kaming dalawa.

Hindi ako sumagot sa tanong nya.

"I mean diba may jowa na yon? Yong mukhang pokpok na ginamit na ng kano ilang ulit!" may disgusto sa tinig nito. Huminga ako ng malalim kahit ayaw ko masira ang mood ko ngayon ay di ko maiwasan lalo na't nabanggit ni Vivoree na may kasintahan si Evan.

Ikakasal ako. Pero isa lamang itong arranged marriage. Ang kasal na ito ay para lamang sa pag-me-merge ng dalawang kompanya nina Evan at namin. Wala namang kaso sakin iyon sa totoo nga masaya ako nang i-announce nyon samin ni Evan. Si Evan lang ang may ayaw. Naalala ko pa yong mga sinabi nya that time

"What the fuck Ma and Dad? Hindi nyo ako mapapakasal sa babaeng iyan!" galit na galit si Evan na tinuro ako.

Pero ako nakayuko lang katabi sina Mom and Dad. Alam kong gusto mag salita ni Dad kasi nakita ko ang pag kuyom ng kamay nya sa inasal ni Evan. But no, we have no rights. Kami ang nangangaylangan nang tulong sa mga Smith.

"Evan your manners!" sigaw pabalik ng Dad ni Evan pero hindi natinag si Evan mas lalo pa sumama ang tingin sakin.

"Hindi ko sya gusto! At kahit kailan hindi ko sya magugustuhan! May girlfriend ako Dad at mahal ko yon! Kaya stop this fucking shit!"

May anong tumusok sa dibdib ko sa mga sinabi ni Evan. Uminit na rin ang sulok ng mata ko. I'm going to cry pero dahil ayaw kong makita nina Mom and Dad agad ko itong pinunasan saka nag taas ng tingin. Nagulat ako nang sinalubong ako ng dalawang pares na nag babagsik sa galit na mata ni Evan ang nakatitig sakin. Nakita nya yong pag iyak ko.

"Whether you like it or not mag papakasal ka kay Desiree sa susunod na buwan!"

Lumingon ng marahas si Evan sa Dad nya

"Pano kung hindi" matigas na sabi nito

"Simple hindi mo makukuha ang mana mo sakin at hindi na kita papayagang maging CEO ng kompanya natin!" umalingawngaw ang boses ng Dad ni Evan sa buong mansyon nila.

Kita ko ang pag igting ng panga ni Evan at pag kuyom ng mga kamao nya na anytime pwede lumipad sa kung kaninong tao na kaharap nya.

Akala ko mag sasalita pa si Evan. Pag taas baba na lang ng dibdib ang nakita namin at ang paglingon nya sakin ng marahas. Ang tingin na iyon ang nag panginig nang kaibuturan ko. Kinabahan ako bigla.

Tumalikod na ito samin ng walang paalam at lumabas na. Saka ako napahinga nang maluwag. Ngunit hindi matanggal ang bigat na nararamdaman ko. Tama ba tong pinasok ko? Lalo na't kita ko ang malaking disgusto sa mata ni Evan.

Bumalik ako sa reyalidad nang nakarinig kami ng katok ni Vivoree. Bumukas ito at niluwa nito ang wedding coordinator.

"What a beautiful bride!" ngiti nito sakin. Isa itong bading

"Siguradong mapapanganga sa hanga si Sir Evan" napangiti ako nang mapait sa sinabi ng bakla. I hope so.. pero malabo

Lahat kami nagulat nang pumayag si Evan na mag pakasal sakin. Parang may saya na bumukas muli sa puso ko sa sinabi nina Mom and Dad. Pero paano? I mean may girlfriend sya at mahal nya ito. Tapos sobra pa ang ayaw nya sakin paanong napapayag sya Nina Tito?

Arranged Marriage (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon