CHAPTER ONE

14.3K 336 45
                                    

Desiree Larrson Smith

"Congratulation to you Mrs. Smith!" bati sakin ng mga bisita namin. Tapos na kasi ang kasal at isa sa mga five star hotel nina Evan ginanap ang reception.

Ngumiti ako sakanila "Kumain na po kayo don"

Kanina pa ako palakad lakad dito at nililibot ang paningin. Lahat ng tao ay busy sakani-kanilang gawain. Nakita ko rin sina Mom and Dad na masaya nakikipag kwentuhan kina Tito and Tita. Muli hinanap ko na naman ang taong kanina ko pa hinahanap. Si Evan..

After kasi ng kasal hindi sya sumabay sakin dahil bigla na lang ito umalis. Tanggap ko namang ayaw nya sakin. Pero hindi naman sa araw na ito na kailangan ko sya.

Hanggang ngayon andito pa rin yong kaba sa dibdib ko sa sinabi nya kanina. Should I prepare myself?

"Uy bes ano ginagawa mo dyan? Dapat andon ka lang nakaupo" turo nya sa gitna na parang mini stage at may dalawang upuan.

"Hindi pa rin bumabalik yong asawa mo?" tanong nito na kinailing ko.

Hindi ako makasagot o makatingin sakanya. Baka kasi makita nya yong takot at kaba sa mata ko at madulas akong masabi sakanya ang sinabi ni Evan sakin kanina.

Mukhang nakaramdam si Vivoree at tinignan ako nang seryoso.

"Ano sinabi ni Evan" seryoso ang boses nito dahil sa tono nya di ko maiwasang uminit ang sulok ng mata ko.

Pansin nya siguro na hindi ako makapag salita Kaya niyakap na lang nya ako. Ayaw ko umiyak sa harap nila. No. Walang makakakita ng iyak ko.

"Andito lang ako ah. Wag kang mag aalangang sabihin sakin" humiwalay ako sakanya at ngumiti sakanya.

Nag paalam na rin ito sakin dahil kanina pa raw sya nagugutom. Kailangan na nya kumain at baka daw mamatay syang virgin. Umiling iling na lang ako sa sinabi nya.

Bumalik ako sa pag hahanap kay Evan. Anong oras na din kasi. Mamaya ano nang nangyari sakanya. In the end lumapit na lang ako kina Mom and Dad.

"Oh hija Kumain ka na ba?" bungad ni Tita

"Hindi pa po Tita" magalang kong sagot

Nagulat naman ito sa sinagot ko. Ilang hours na din ang lumipas ng last ako kumain. Pero wala talaga akong gana kumain.

Naupo ako sa tabi ni Mom.

"Bakit? Asan ba si Evan?" tanong naman ngayon ni Tito

"Ahm hindi ko po kasi alam. Kanina pa po sya wala"

Kumunot ang noo nito sabay may tinignan sa phone nito na hindi ko alam. Humarap naman ako kina Mom and Dad.

"Mom after ba nito sainyo ako matutulog?"

"No sweetie. May bahay kayo ni Evan, doon na kayo maninirahan" ngiti ni Mom

Bigla ako na-excite sa sinabi ni Mom. Sa iisang bahay kami maninirahan ni Evan? Saan kaya sya matutulog? Dalawa kaya rooms don o isa lang?

Pinutol ni Tito ang pag uusap namin ni Mom.

"Hija puntahan mo si Evan sa 3rd floor room 301. Andon daw sya sabi ng secretary ko"

Andito lang pala sya sa hotel? Ibig sabihin mas nauna pa sya sakin. At ilang oras na sya andon?

"Puntahan mo na hija para makapag usap kayo ng kayo lang" ngiti ni Tita sakin na kinatango ko

Arranged Marriage (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon