Chapter 2

24 2 0
                                    

I'm already here at the plaza waiting for Andreimitrixia. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang tingnan ang mga lalaking nagbabasketball. I saw a girl and a boy and I think they are couple based on the way they speak to each other. Pinahidan nung girl yung pawis ng lalaki at binigyan ng tubig. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi na para bang walang nakakakita sa kanila. Oh! What a sight! I guess the girl noticed that I'm staring at them so she rolled her eyes at me and then they walked away. Kala niya naman interesado ako sa nakikita ko. Ghad, my eyes.

I checked my phone if I got a message from Trixia but sadly I didn't saw any. Nasa kalagitnaan ako ng pagcecellphone ng biglang may kumiliti sa liig ko.

"HAHAHAHA!"

" Ugh! Ano ba yan. Here we go again in your laugh. Ang ganda ganda mo tapos nakaka turn off tumawa parang kambing buti natiis yan ni-"

"Shut up Trixia. Kung wala kang magandang sasabihin, better zip your mouth," pagputol ko sa kung ano man ang nais niyang sabihin.

"You better treat me for lunch since you came late today my dearest friend."

"Yes I know. Buraot ka pa rin talaga. Nothing has changed. What are you waiting for? Let's go nagugutom nako,"pag aaya niya.

"How come will you not get hungry eh dalawa na kayong kumakain?"

"Exactly kaya let's go. Duh," she rolled her eyes as she answered me. I just raise my two hands as a sign that okay, she won.

Napagisipan naming kumain sa isang japanese resto since mahilig namin kaming kumain sa mga ganun when we were in highschool. While on our way to the resto, hindi ko mapigilang mag isip na kung ganun ba talaga kamoody ang babae kapag buntis? Ito kasing Trixia eh kanina parang galit tapos ngayon naman eh abot tenga na ngita niya dahil kakain na daw kami. Weird but okay. What if someday ganyan din ako? Nevermind, I don't even have a boyfriend so why think the possibility of getting pregnant.

Pumasok na kami sa resto and the man standing near the door which i guess is a waiter, guided us para makaupo na. I can't help but to get conscious of my face because he's been staring at me for too long. Natigil lang yun ng bigla siyang kausapin ni Trixia.

"Excuse me but I guess you are here to take our orders and not to stare at my friend for too long. Am I right?" Trixia said rudely to the waiter.

Ewan ko pero para sakin medyo hindi maganda ang pagkakasabi ni Trixia.

"I'm sorry ma'am," sabay yuko ng lalaki.

"No. Uhm.. It's okay lang po kuya. Ilista mo nalang po yung order namin," I said to the waiter to lessen the heaviness of the atmosphere.

After he jot down all our orders ay umalis na ito.

"I think you've been rude to him Trixia," I said as I opened up the incident earlier.

"But he's making you uncomfortable with his stares Vian," she replied as she pout and I can almost see the tears forming in her eyes. Oh no! What did I do? I remember buntis nga pala itong kausap ko.

"Okay I know your intention so don't worry di kita sesermonan," yan na lamang ang nasabi ko at di na nag abalang makipagtalo pa sa kanya. Mamaya baka umiyak pa to. I just sighed, to let out my thoughts.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating na ang aming inorder na sushi, tempura, udon, tamagoyaki at iba pang putahe ng mga japanese. But yung nagbigay ng order namin, he's not the same guy who guided us kanina. Baka natakot siya dahil kay Trixia. Mamaya ko na lang yun iisipin. Inilipat ko na lamang ang atensiyon ko sa pagkain.

"Why did you order a lot?" I asked her.

"Just eat it or else ako kakain niyan lahat," walang gana niyang sagot at inumpisahan niya ng atakihin ang pagkain.

Because I don't want Andreimitrixia to eat my foods, I started to eat it just like what she said. Baka nga tuluyan niyang kainin tong mga to pag nagreklamo pa ko.

Natapos na kaming kumain at yung buntis busog na busog. What do I expect? Bigla ko nalang na alala yung lalaki kanina.

"Restroom lang," pagpapa alam ko sa kanya when in fact, pupuntahan ko yung lalaki. She just nod as a sign of okay, you may go.

Di naman ako nahirapang hanapin siya dahil nasa may pinto lamang siya.

"Excuse me," pag uumpisa ko.

"Uh- ma-may kailangan po ba kayo ma'am?" he stuttered as he response.

"Actually, I just want to say sorry about sa sinabi ng kasama ko. She didn't mean it. Buntis kaya moody."

"Okay lang po ma'am. Sa totoo lang po may kasalanan din naman ako. Kaya sorry din po."

"I guess we're okay na? I need to go. Again, sorry," tumango na lamang ang lalaki at ngumiti.

I went back to our table and good thing Trixia didn't asked if what took me so long.


Girlfriend of the BekiWhere stories live. Discover now