D 1

167 4 0
                                    


Pagkatapos kong i ribbon ang sintas ng rubber shoes ko. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sariling anyo.

Bakas paren ang sugat sa noo ng kapatid ko dahil sa aksidente na ako ang may sala.

Mahigit isang linggo na nung mangyare iyon.

Ngayon ay nasa katawan ako ni Zora. Ang walong taong gulang na kapatid kong babae.

Kung tutuusin magkahawig kame nung bata ako. Mas cute nga lang siya at ako maganda lang. Napangiti ako dahil naalala ko pag nagbabangayan kame ng kapatid ko.

Gumuhit sa labi ko ang poot sa sarili ko. Malamlam akong tumingin sa salamin at di maiwasan kamuhian ang sarili dahil sa mga nangyari.

Nadamay pa tuloy ang nag iisa kong kapatid.

Dahil sa kapabayaan ko naging masalimuot ang dinanas ng mga tao na nakapaligid sa aakin.

Kita ko ang picture ng Girlfriend ko. Ang magandang si Xue na pinakamamahal ko. Ang magandang ngiti.

Nandito ako sa bahay ng Girlfriend ko at ngayon nakikitira. Gamit ang katawan ni Zora. Kinuha ang picture frame at tinignan ang pinakamamahal ko.

Ang ngiti na kumuha ng atensyon na kahit sinong taong makakita niyon.

Katabi niyon ang picture naming dalawa kung saan hawak hawak ni Xue ang teddy bear at nag iisang regalo na naibigay ko sakanya.

Mabait at maalaga si Xue. Na tanging siya lang ang nag aalaga saaming magkapatid. Tuwing nagigipit ako at walang mahingian ng tulong.

Na umabot pa sa pag gamit ko sa yaman na mayroon siya.

Pero hindi dahil doon kung bakit ko siya minahal kundi sa busilak na puso nito nung makilala ko siya bago pa ko nag iba sa tao na kung sino ako bago maaksidente.

Kita ko ang sa mga matang iyon, ang pagmamahal na Ganap at walang iniintay na kapalit at handang ibigay na mayroon siya.

Di ko maiwasan na lamunin ng kalungkutan ng maalala ko ang mga panahon na ginamit ko siya upang masunod lang ang gusto ko.

Napahikbi ako pag naiisip ko ang mga bagay na iyon.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto. "Zora?" Malambing na tawag ng mahal ko.

Dali daliang inayos ang suot at pinunas ang mumunting luha sa pisngi ng kapatid ko.

Saktong bumukas ang pinto at iniluwa si Xue.

"Ready to go?" Tanong nito saakin. At kinatango ko naman.

Lumapit ito saakin at lumuhod. Inayos nito ang ribbon sa suot kong dress.

"You're growing too fast. Sigurado pag gumising ang ate mo malulungkot 'yon kase di niya makikita yung bawat sandali ng paglaki mo" pahayag nito sakanya at ngumiti.

Tinignan ko ang mahal ko. Kita ko sa mata niya ang lungkot.

Kung ibang tao ang kaharap nito ni hindi iyon mapapansin pero kilala ko siya at masasabi kong apektado siya sa mga nangyayare sa buhay naming magkapatid.

Napaka blessed dahil siya ang Girlfriend ko. Hindi ko aasahan na papatulan ako ng gaya niya pero hindi naman ako pariwara nung nakilala ko siya kaya di ko rin masisisi kung mainlove siya saaken. Yabang ko ataa..

Bagay na bagay sakanya ang violet na cocktail dress. Dahil sa buhok nitong itim ay tumingkad pa ang puting kutis nito. Bumagay rin ang kulot nitong buhok sa babang parte ng buhok nito. Para siyang barbie doll.

Ang aristrocat na ilong nito at kulay brown na mata na para bang tumatagos sa pagkatao mo kapag tumingin.

Pero malungkot iyon. Ang alam ko ako yung dahilan.

Disguise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon