D 4

93 2 2
                                    


Bawal mo syempre sabihin kung sino ka talaga..

Bawal mong gamitin ang katawan ni Zora sa kalokohan at aalagaan mo paren ang katawan na iyan..

Patuloy kang mamumuhay sa katauhan ni Zora sa natitirang araw mo hanggang sa matapos mo ang misyon mo..

Ang misyon mo na makipag date si Xue kay Terrence sa araw ng pag-ibig.

Pagnatapos ang misyon mo, maaalala mo parin ang mga bagay na ito pero pinagbabawalan na pag usapan or ikwento ito sa ibang tao. Dahil kung ikaw ay lalabag siguradong makakatanggap ka ng kaparusahan..

Bawal mong banggitin kay Xue ang tungkol or bagay about sa sarili mo patungkol kay Soren..

At hahayaan mo siya magdesisyon ng sarili niyang pasya kung ano ang gusto niyang gawin or pag usapan patungkol kay Soren. Hahayaan mo siyang makaalala siya sayo.

Dahil nasa katawan ka ng isang bata dapat kumilos ka ng parang bata..

Mga paalalang kundisyon ni Edna sa misyon ko.

Aalis na si Edna nang tawagin ko siya.

"Sa lahat ng kundisyon mo.. Pede bang may pakikiusap ako.."

Enero na  at dalawang buwan na simula nung makapagtapos si Xue nung Oktubre.

Ilang linggo na akong wala paring malay.

Sinipa ang bato na maliit di niya sinasadyan na may matatamaan siyang tao.

Di siya tumakbo para iligtas ang sarili naistatwa nalang siya na nakamasid sa babaeng natamaan niya. At ang babae ngayon ay nakatingin na sakanya.

"Sinadya mo ba iyon?" Tanong nito sakanya.

Tanging iling lang ang sagot niya rito.

Pinaningkitan naman siya nito ng mata at para bang lalapit sakanya nang biglang tinawag ito ng babaeng kalalabas lang sa 7 eleven.

"Guadalupe!"

Ang kaninang masungit na mukha ni Guadalupe ay lumiwanag bago humarap doon sa babaeng tumawag rito.

"At saan ka nanaman pupunta?" Tanong ng babae rito. "May sarili ka nanamang mundo"

Bago pa makahalata yung si Guadalupe dali dalian na ko umalis sa lugar na iyon.

Bumalik ako sa hospital room kung saan na nandun ang katawan ko.

Inilapag ang pagkain na ipinaakyat ni Aling Cely sa maliit na mesa na nandoon.

Di ko maramdaman sa sarili ko ang awa. Ewan ko ba parang satingin ko bagay lang rin saaken na matulog dyan at di makaabgrabyado ng ibang tao.

Kinuha ko ang bimpo na basa at pinunasan ang totoong katawan ko.

Sa mahigit ilang linggo na akong nandoon. Ni mga limang beses palang bumalik si Xue.

Ang totoo nalulungkot ako. Para ba kaseng nawawalan na ito ng pakielam sa buhay ko at sa kung ano status ng kalagayan ko.

Ang pagkakaalam ko nagkikita na sila ni Terrence pero kailanman di pa ito dumalaw sa bahay ni Xue. Siguro naghahanap ng tiyempo.

Pero kahit papano may progreso ang pagkakamabutihan ng dalawa at isa iyon sa kinaiinisan ko.  At naiinis rin ako sa sarili ko.

Dahil sa bawat masaya na Xue at magandang ngiti nito gayun nalang ang maktol ko dahil alam kong hindi saakin galing iyon..

Hindi ako ang dahilan niyon..

Disguise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon