D 2

136 2 0
                                    


"Soren..may unti lang tayong.. sabihin nating.. hmm pano ba" pabitin na mga sabi nito.

"Edna! ano ba sabihin mo! umpisahan nanatin yung sinasabi mong dapat kong gawin. hanapin nanatin yung taong 'yon" pigil iyak kong nakikiusap kay Edna.

Napakamot ito sa ulo "Ang totoo niyan di na niya kailangan ng tulong" nahihiyang sabi nito. Para itong bata na nakagawa ng mali.

"A-Anong sabi mo?" mahinang bulong ko. Kung magkagayon di na ko makakabalik pa sa dati kong katawan.

"P-Pano? papano na k-ko?" piyok kong tanong. Hindi maaari 'to...

Di ko napigilan lumuhod sa harap nito. "Edna.. nakikiusap ako..maawa ka.. tulungan mo ko" mangiyak ngiyak kong pakiusap rito.

gusto ko makabalik kay Xue siya nalang mayroon ako..

"Hmm.."

Himig ni Edna sa sinabi ko. Tila nag iisip ito.

"Edna! Di ako pede magtagal dito. Sa katawanan na ito" turo ko sa katawan ni Zora. Natataranta kong sabi sakanya.

Tinatanya lang siya ng tingin ni Edna.

"Kailan ko na makabalik-"

"Narinig kita" putol nito.

Frustrated akong napaupo sa gutter.

Namumuo ang luha ko sa mata "Binabalak nila kong ilagay sa sitwasyon ng euthanasia. Paghindi ako nagising sa tinakda nilang panahon m-mawawala na ko..." Di ko na natapos ang mga salita ko at tahimik na humikbi.

"May usapan tayo Soren diba?" nakatungo akong tumango sa sinabi ni Edna.

"Pero gaya ng sinabi mo hindi mo na kailangan ang tulong ko" mahinang sambit ko para akong pinapaasa ng tadhana.



Nung gumising ako sa katawan ni Zora. Gulong gulo ako sa nangyari.

Marami akong sugat sa katawan at pagod na pagod. Ang alam ko lang ay nasa hospital ako base sa kwartong iyon.

Tulad ng isang bata sa bawat magulong pangyayari na hindi ko maintindihan ang kaya ko lang gawin ay ang umiyak nun.

"Xue!.. Xue!.." iyak na tawag ko sa mahal ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na iyon. Niluwa niyon ang isang batang babae na kasing tanda ko kung tatantiyahin. Nakasuot ito ng pang formal na business attire na puti.

Lumapit ito sa kinaroroonan ko. kinuha ang silya sa katabing kama at pumatong ang batang iyon doon. Nagpameywang ito sa harap niya.

"Ang ingay mo naman!" reklamo nito.

nakatulala lang akong pinagmamasdan siya. Mas lalo akong na stress sa nangyari kaya umiyak ako lalo.

Mukha naman itong na guilty sa ginawa.

"Shh.. ka lang" tarantang tahan nito saakin. "Mamaya darating na si Xue, okay?"

Nang banggitin nito ang pangalang iyon. Tagumpay itong nakuha ang atensyon ko at natahimik.

May kinalikot ito sa phone na hawak nito. Maya maya ay tumingin na ito saakin.

"Soren satingin ko di ko na kailangan pang ikwento kung pano ka naaksidente. Kayo ng kapatid mo."

Naalala ko na nagmamaneho ako ng sasakyan ng di ko alam na nandoon pala ang kapatid ko sa loob nun.

Ginulat ako ng kapatid ko. Totoo naman na gulat ako kaya di ko na focus yung tingin ko sa daan.

Isa pa taranta akong may tinatakasan sa mga oras na iyon. Tinutugis nila ko sa nakita ko.

Dahil sa sangkot ako sa amo kong nagbebente pala ng droga. Dahil sa pera di ko inisip pa at tinanggap ang trabaho nito na magdeliver ng bagay na 'yon.

Disguise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon