D 7

79 7 0
                                    


Yakap ang sarili sa ilalim ng malaking puno sa Glen Park dahil sa lamig dulot ng malakas na ulan at hangin na pumapaligid saakin.



Mga alasais na ng hapon at madilim na sa paligid. Hindi ko inaasahan na uulan. Samantalang yung umalis siya sa bahay ay maaraw naman



Inabot siya ng hapon para pakalmahin yung emosyon niyang sasabog dahil sa taong nasa pamamahay niya. Ang pakikinig niya ng kanta gamit ang earphone niya ang tanging katulong niya.


Sa dami dami ng pwede niyang sabihin bakit iyon pa ang nasabi niya.


Ang hirap kase pagmahal mo talaga. Yung ayaw mo bitawan yung isang tao pero kailangan mo nang gawin.


Kakayanin ba niya pag nawala 'to ng tuluyan?



Napapatulala nalang siya sa tanong na iyon.



Natatandaan niya kung paano sila naging malapit ni Xue. Pagkatapos nito tanungin yung about sa pagtitinda niya. Lagi na siya nitong tinatanong kung may tinda siya.




Pero ako iniwan ko na yung paglalako ng ganoon. Kaya namasukan ako na waitress sa isang maliit na karinderya.



Isang beses niyon sinundan pala siya nito pagkatapos ng klase.


Pagkatapos niya hugasan ang mga pinggan ay lumabas siya para magtapon ng basura.



Pagkasalansan niya ng basura isang tinig ang napagitla sakanya.



"That's why you're not selling anymore"




Napatingin siya sa gawi na pinanggalingan niyon.



Si Xue with her full Glory. Nakaramdam siya ng hiya rito dahil sa ayos niyang apron at amoy ng halo halong amoy pawis at pagkain na niluto.





"A-Ano kailangan mo" nahihiyaman maangas niya itong tinarayan.



"I just want to buy your Graham Balls. But I guess you're not really going to sell anymore"




Napaiwas naman siya ng tingin dahil parang sa mga pagtingin nito sakanya na para bang awa dahil alam na nito ang kalagayan at estado niya sa buhay.



"Ilang beses ko bang sinabi sayo. Hindi na nga ko nagtitinda! Tatlong araw ko nang pinapaalala tsk."




Tinignan niya ang kabuuan nito. Naka uniform at vest ito. Yung mahal na uniform ng school namin. Buti siya kahit papano scholar siya at nakakabawas iyon sa isipin niya dahil sakop ng scholarship ni Mayor ang uniform.




Ang scholarship niya na galing sa government na makapag aral sa school na iyon na Cornelius University na may sekundaryo at K-12 program at college level kung saan inooffer ang maraming course.



Ang totoo nakakahiya pumasok sa school na iyon dahil pulos mayayaman ang naroon. Pasalamat nalang siya at wala naman siyang na kaaway. Pero nandoon parin yung pangungutya na scholar siya na kung minsan labeled bilang low class sa standard nila sa student population ng school.



At ang gaya ni Xue ay nasa elite class kung saan mayaman, matalino at kilala ang pamilya.




Tinignan niya ang suot niya. Napabuntong hininga nalang siya. Buti pa ang tulad nitong babae sa harap niya di niya kailangan danasin yung hirap ng buhay habang bata siya. Samantalang siya hanggang pagtanda pagkakayod na ang aatupagin niya.




Disguise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon