one

40 0 0
                                    

ALA-OTSO na ng gabi ngunit nasa Jabez's Shop pa rin si Xianza Leen o mas kilala sa palayaw na "Xian". May rush na trabaho sila na kaylangan nang i-deliver sa isang three-star hotel bukas ng umaga.

Hindi niya alintana ang pagod na kanina pa niya nararamdaman. Maghapon siya sa shop at kinakailangan pa nilang mag-overtime.

Kahit pagod, wala siyang reklamo dahil kailangan niyang buhayin ang dalawang kapatid na sina Kaye at Keith, dahil sa maaga sila na ulila sa mga magulang.

" Tapos ka na ba niyan, Xian.?" tanung ng kanyang Boss na si Jabez habang nakaharap sa lathe machine nito.

" Malapit na po, Boss." tugon niya habang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.

Isa siyang welder-arc welder. Alam niyang hindi karaniwang sa babae ang trabaho na iyong ngunit mas maigi na iyon kasya wala siyang trabaho. Hindi siya itinuturing na babae ng mga kasamahanan niya. Daig pa daw niya ang tunay na lalaki. Hindi kasi maaaring mahina ng tulad ng karaniwang babae, wala din siyang karapatan maging maarte o mag-inarte.

"Hoy pogi, gabi nah ah at bakit hindi ka pa tapos?" isang tinig ng bakla na mula sa kanyang likuran.

Kahit hindi niya ito lingonin ay alam niyang ang kanyang kaibigan si Cheng, na noon nakaraan buwan niya lang nakilala pero naging nagaanan nila kagad ng loob ang isa't isa.

Sa tuwing maalala at makita ang kaibigan si Cheng ay natatawa siya dahil sa naganap sa loob ng restroom sa loob ng mall kung saan ay bumili siya ng sapatos para sa kanyang kapatid na si Kaye dahil sirang sira na ang sapatos ng kapatid na ginagamit sa school sa ikalawang taon nasa Nursing.

Ihing- ihi na si Benche Jasher at kailangan na niya ilabas dahil parang puputok na ang pantog niya kaya wala siyang pakialam kung pambabae o panlalaking palikuran ang mapasukan niya.

Sa loob ng restroom, tamang tama lamang na kalalabas lang ni Cheng isa sa mga cubicle toilet at inaayos niya pa lang ang kanyang sinturon ng may biglang pumasok.

"Hoy lalaki ka,bakit dito ka pumasok sa pambabae ah?? Guard! Guard! " sigaw ni Xian nang makita si Cheng sa loob ng restroom.

"Ay! Sandali..hindi akoh lalaki noh, baklah akoh, baklah!" na nagboses babae at sabay lugay ng nakataling buhok niya na hanggan balikat ang haba at dahil sa gulat na nakakita ng maamong mukha na parang anghel na nagbibihis lalaki ay parang bumilis ang pintig ng puso niya.

"Eh bakit dito ka, doon ka sa panlalaki" naiinis na sabi ni Xian.

" Ayokoh nga noh, baka ma'reyp pah akoh doon at baka hmm may makita ako nang alam moh nah, iyong anoh, eh bakah hindi akoh makapigil eh bigla nah lang akoh manhahawak." malanding sabi ni Cheng

" Luka ka pa lang bakla eh, ikaw pala yang man'rereyp." sagot ni Xian na natatawa.

" Kaw nga, dapat doon kasi yan, oh, tibo ka noh." turo ni Cheng kay Xian.

" Diyan ka na ngan bakla ka at naiihi na ako." sabay pasok ni Xian isa sa mga cubicle toilet.

Paglabas ni Xian sa restroom, nakita niyang nakaabang ang bakla na kaninang kausap at muntik na niya ipadampot sa guard.

"Okey na ba Tsong, nailabas na ba?" tanong ni Cheng

"Ala! Lalaki ka?" gulat na tanung ni Xian

"Hindi nga eh, bakla ako oh!" patirik ng mata at pakembot ng balakang ni Cheng.

Inirapan lang ito ni Xian at akmang tatalikuran na ito.

"Teka, sandaling lang pogi. By the way I'm Cheng." pigil nito sa kanya.

Tinignan muna niya ito mula paa hanggan ulo, nakaleather black boots na naka fitting ng yellow jeans with nakainsert na fit long shirt black at naka'black belt din. Kung titignan ito ay pang rakista o miyembro ng isang band group, na ang mukha ay isang napaka'guwapong nilalang na may taas na 5'9 at katamtaman pangangatawan na may maputing balat.

" Alam mo, sayang ka, guwapo ka pa naman sana, ako si Xian" sabay tanggap ng kamay ni Cheng.

Natatawang sagot ni Cheng " Kaw nga eh maganda ka sana kaso para kang maton."

"Ay ewan ko sa'yong bakla ka, gusto mo palit tayo ng katauhan" habang naglalakad na sabay si Cheng sa loob ng mall.

"Oo ba, teka muna ah?" tigil lakad ni Cheng at humarap kay Xian,sabay hawak sa ulo ni Xian, at " Oh espiritu ni Xian Tibo, ilipat sa akin, at espiritu kung Bakla ay lumipat sa katawang ng tibong pogi na ito." sabay pikit ng mata na parang nangingisay at nanginginig ang kamay at katawan.

Bigalng napabungingis si Xian "Tumigil ka ngang Bakla ka, nkakaloko ka, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh, baka isipin eh baliw tao at h'wag mo nga ako matawag na pogi kasi ang pogi para lang sa aso."

"Hmp! Keber bah nila!! Halika libre kita ng snack as my new friend" anyaya ni Cheng sa kanya.

"Ay wala akong pera, tamang tama lang pamasahe,ubos na pera ko sa sapatos ng sister ko." pagtatanggi ni Xian

"Haller poging Xian na hindi aso, libre po kita means ako ang magbabayad." pangungulit ni Cheng.

"Ganun ba, okey ah pero puwede with take out na rin para malibre na rin sa dinner mga kapatid ko."

Taas kilay ni Cheng " What? Ayos ka din na ilibre noh with take out?"

"Kung ayaw mo eh 'di wag, salamat na lang, sige mauna na ako sa'yo, naghihintay na iyong sister ko at bunso namin." pahiyang sagot ni Xian at sabay hakbang palayo.

"Hey, teka lang muna, ito naman oh di na mabiro, halika na nga basta iyong makaya ko lang ah, at basta friends tayo at hatid kita sa inyo nang makilala ko din mga kapatid mo." hila ni Cheng kay Xian pumasok sila sa Macdo nasa loob ng mall.

At mula noon ay naging kaibigan na niya ito, malapit na rin sa mga kapatid niya na kapag bumibisita sa kanila ay laging may pasalubong para sa kanila, pagkain man o minsan laruan para sa bunsong na si Keith nasa ikawalong taong gulang at nag-aaral sa mababang pampublikong paaralan na malapit sa lugar nila at nasa grade 2 na.

Natutuwa siya at mga kapatid niya dahil may kaibigan sila na bukod sa pagkakulit at madaldal nito ay matulongin sa kanilang magkakapatid, at lagi pa sila nalilibre ng masasarap na pagkain.

im not a gay!!! mahal lng talaga kita!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon