two

19 1 0
                                    

Pinagmamasdan ni Cheng ang maamo at pagod na mukha ni Xian habang ito naman ay bumabaliktanaw kung paano niya nakilala ang kaibigan bakla.

" Haller Xiang pogi, 'di ka ba pagod ah? Gabi na at pawis na pawis ka na." pukaw ni Cheng sa lumilipad na isip ni Xian.

" Ha, sandali lang, patapos na, at puwede wag mo nga ako matawag tawag na pogi, para lang sa aso yan." Nang matapos na ang ginagawa saka pa lang ito humarap kay Cheng at muntik na siyang mabulunan ng tawa.

"Hahahaa.. Anung nanyrari sa'yong bakla ka at saan gay festival ka galing ha? Bakit ganyan ang suot mo naka'gown dress ka at saka anu ba yan? Bakla ka ba talaga ha? Akala ko ba make-up artist ka at manikurista." sabay turo ni Xian sa suot at sa mukha nito na todo make-up na hindi maintindihan kung panhaloween party.

"Tsee..hmp!! Syempre napanis na ang make-up ko dahil kanina pa ako dito noh." patampong sagot ni Cheng.

"Eh saan ka ba galing at bakit ganyan ang suot mo ah?" tanung uli ni Xian

"Andito na pala ang syota mo Xian, sinusundo ka na. Ala, tama na yan at may bukas pa." ang kanyang boss na si Jabez at sabay takip sa balikat ni Cheng, ngiti lang ang isinukli ni Cheng sa Boss ni Xian. Nasanay na sila na lagi doon ang kaibigan ni Xian at sinusundo ito.

"Inum muna kayo bago umuuwi,may binili si Boss na Redhorse, tag-dalawa tayo." anyaya ng katrabaho ni Xian na si Danly.

"Oo nga naman Xian at Cheng, pampa-relax ng muscle lang." segunda ni Ed.

Totoo iyon. Dati, hindi siya umiinum ng alak, pero minsan sinubukan niya noong masakit na masakit ang mga muscle nila dahil sa dami ng trabajo. Natuklasan niyang nakakarelax nga ng muscles ang alak. Masarap pa ang tulog niya.

" Sure ba." si Cheng na dadamputin na sana niya ang isang bote nang narinig niya nagsalita xi Xian.

" Puwede bang perahin na lang? " tugon ni Xian. Nginitian niya si Boss Jabez na ngingiti-ngiti rin sa kanya. " Dalawang bote ng Red Horse sa'kin. Twenty- eight times two. Fify-six Bossing." Inilahad niya ang kanyang kamay.

"Fify-six times two. One hundred twelve." sabat ni Cheng na inilahad din ang kamay.

" Anu? Paano naging One hundred twelve?" Takang tanong ni Danly?

"Eh dalawang bote kay Xian at dalawa din sa aking kaya One hundred twelve?" sagot ni Cheng.

" Ed,bigyan mo sila ng dalawang daan." sabi ni Boss Jabes

Nagkindatan sila Xian at Cheng. Alam niyang ibibigay ni Cheng sa Kanya ang parte nito. Malaking bagay na anga matutulong ng dalawang daang piso sa kanilang magkakapatid.

" One hundred twelve lang ang hinihingi, Boss." sabi ni Danly

" Dapat nga na four hundred forty-eight," tugon ng Boss nila " kayong dalawa sigurado tag apat na bote kayo sigurado. Maigi na yan pantay-pantay kayo."

" Ayaw ata nila ibigay, Boss Jabez oh." si Cheng na matiim na nakatitig sa dalawa.

Kunwari ay masama ang loob ni Ed na binigay ang dalawang daan kay Xian. Iyong ang gusto niya sa amo niya, pantay'pantay ang tingin nito sa kanila. Hindi nito ipinaramdam na iba siya dahil babae siya. Napatunayan na kasi niya nito na kaya rin niyang mga nagagawa ng mga lalaki.

Nagpaalam na sila sa kanyang Boss at kasamahan, ngunit bumalik sa loob si Cheng at si Xian ay naghintay na lang sa labas ng shop.

" Pre, ito pambili ng pulutan," lapag ni Cheng ng isang libo sa mesa nila Ed at Danly.

" Galante mo talaga Pre, pero hanep yan pintura sa mukha mo ha at yan suot mo." sabi ni Danly.

" Sshh.. Wag kayo maingay." saway sa dalawa ni Boss Jabez..

" Tito, sige po, salamat." si Cheng na kumindat pa sa kababata ng kanyang ama, hindi niya akalain na dito sa shop ng kaibigan ng kanyan ama nagtratrabaho si Xian sa minsan sinundan niya ito.

Samantala "Lukang bakla na iyong ah, siguro naglandi pa sa dalawang mokong na iyon, bakla talaga!" naiinip na si Xian. " Hoy bakla, mauna na ako saiyo." tawag niya kay Cheng na nasa loob pa ng shop."

" Ayyyy, tekaaa lang, andiyan na ako pogi! Hintay.." matingil na tinig ni Cheng at pakendeng na tumakbo palabas ng shop.

Tumawa lang sina Ed, Danly, at Boss Jabez..

" Boss, paano pala kapag magkabukuhan?" tanong ni Danly

"Hmm, abangan na lang natin." sagot ng boss, habang ang dalawang tauhan niya ay nag'cheer ng kanilang iniinum.

Pagkatapos na maihatid ni Cheng si Xian sa bahay nito at maibigay ang pasalubong para sa mga kapatid ni Xian ay agad din itong nagpaalam ng may coronation event siya na pupuntahan.

Pagkaalis ni Cheng, agad din na hiniga ni Xian ang pagal at pagod niyang katawan. Habang nakahiga, ang kaibigang si Cheng ang naiisip niya, napakagaan ng loob niya sa kaibigan at napakasaya niya kapag kasama niya ito, lagi siyang napapatawa na napapawala ng kanyang pagod sa maghapon na trabaho..

im not a gay!!! mahal lng talaga kita!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon