chapter four

6 0 0
                                    

Papasok pa lang si Xian sa kanilang bahay nang nadidinig niya ang matitilis na tawanan ng kanyang mga kapatid at ni Cheng, nang pagbungad niya sa pinto ay nakita niya na nag-memeykapan sila Kaye at Cheng habang si Keith naman ay puno ng chocolate ang bibig nito.

" Anung nanyayari sa inyo ha? " gulat na tanung ni Xian " At bakit nakabihis kayo at naka'make-up na dalawa ha,at anu iyang nasa mesa?" turo ni Xian sa mga dalang pasalubong ni Cheng.

" Ate, nagprapraktis po ako na gamitin itong make-up na bigay ni Kuya, at isunukat ko lang po itong bestida na bigay niya, meron din po kayo, blouse at fit jeans." paliwanag ni Kaye.

" Opo ate, sarap-sarap po ng chocolate na bigay ni kuya." si Keith na panay kain pa rin ng chocolate.

" Ay naku Dhhaaay, huwag kah ngan KJ, hmp! Gusto mo isukat mo rin yan pasalubong ko sa iyo oh, at make-up'an din kita.. See, tignan mo akoh super ganda dibah." turo ni Cheng sa sarili na nakasuot ng tube dress na hanggan sakong ang haba.

"Maghunos dili ka ngan bakla ka, kita mo yan muscle mo grabi kalaki at takpan mo nga yan cleavage mo para kang nang-aakit ng tuko." si Xian na wala sa mood dahil pagod sa maghapon trabaho.

" Hoooooy Xian the pogi, hindi tukoh ang hinaakit ko noh, kundi ikaw na manhid!" pa'seksing umupo si Cheng sa harapan ni Xian habang nagpapa-cute ng mata at pinatulis ang nguso.

" Hoy din Cheng the malandi, tigilan mo ako sa mga pa-twinkle twinkle mong mata at yan pa- Anne Curtes kuno na nguso mo, dahil 'di pa ako sira para patulan yan kalokohan mo, at puwede ba pagod ako." naiinis na sagot ni Xian.

"Suplado ng pogi oh!" si Cheng na lalo pa nan-iinis dahil tumayo pa ito sa harapan ni Xian at pakendeng kendeng na palakad lakad at sabay pose na mala'model.

"Ggrr! Sabi nang huwag mo akong matawag tawag na pogi para lang nga yan sa aso, kulit mo talagang malandi ka." gigil na inis ni Xian pero ang totoo ay natatawa siya sa ginagawa ng kaibigan.

"Okey, fine! Titigil na ako, pero aminin mo nga bakit ganyan ka kasungit at sambukol yan pagmumukha mo.

"Palibhasa kasi bakla ka eh, dimo nararanasan ang pakiramdam ng isang babae." simangot ni Xian.

"Oh ayan ah! Inamin mo na babae ka nga." si Cheng habang pinupunasan ang make-up sa mukha.

" Eh babae talaga ako na ganito lang, at ikaw kahit magtodo make-up ka at maggown ka pa ay lalaki ka pa rin na ganyan nga lang, at ako kahit ganito ako nararanasan ko pa rin ang mga nararanasan ng karaniwang babae." paliwanag ni Xian.

Biglang tumawa ng malakas si Cheng " Kaye, may pad ka ba diyan kung wala ibili mo Si Xianza Leen dahil dinalaw siya ng buwanan bisita."

"Hmp!! Ewan ko sa iyong bakla ka, marami akong pad diyan." si Xian na nagdabog na pumasok sa maliit na kwarto nilang magkapatid.

" XIAN "

Nilingon ni Xian si Cheng na abala sa kinakain nitong isaw. Nasa harapan sila ng kanilang bahay at nakaupo. Ibinili ni Cheng ang mga ito ng barbeque at isaw sa kanto.

" Baki? " tanong ni Xian dito.

" Tibo ka ba talaga Xian? "
Napaubo siya. Wala man lang itong pasaklye. Masyadong direkta ito kung magtanong. Ito ang unang taong nagtanong sa kanya nang direkta ng bagay na iyon. Lahat yata ng tao ay nag-presume na tibo siya dahil sa panlabas na kaanyuan niya.

Tibo nga ba siya? Hindi niya alam. Mula kasi pagkabata ay lalake na siya kung kumilos dahil sa kanyang ama. Pulos mga lalaki ang kalaro niya dahil madali siyang mabagot sa mga pambabaeng laro.

Maluwang ang mga damit niya dahil sa mga ganoon siya komportable. Nakakagalaw siya nang husto kapag mga panlalaking damit ang suot niya. Sa uri ng trabaho pa naman nya bawal ang lalamya lamya.

Ano ba ang batayan ng pagiging lesbian? Sa pisikal na anyo ba? Sa angas ng kilos at galaw? Sa brusko ng pagsasalita?

" Confused ka? " tanong uli ni Cheng.

" Ano? Ewan ko sayo! Umuwi ka na nga at gabi na, baka mareyp ka pa diyan sa labas!" pan-iiwas ni Xian..

" Hahaha okey, uwi na poh akoh."

" Sige na, good night.." pantataboy ni Xian kay Cheng.

" Hindi siya tibo, titibo! Hindi siya tiboooo, babae po siyaaaaa.." awit ni Cheng habang paalis na.

Iiling-iling lang at ngiti ngiti na pumasok si Xian sa loob ng kanyang bahay..

im not a gay!!! mahal lng talaga kita!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon