Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
"Ang sakit sa ulo." Ipinahawak nito sa akin si Baby Celine na tulog na saka kumuha ng green potion sa isang drawer.
"Okay na, ano ulit iyong mga iniisip mo kanina, halu-halo kasi. Tsk."
"Te-telepathy ulit?"
"Yeah, mabuti nang maingat."
Itinuloy namin mag-usap gamit ang isip saka ko ibinahagi sa kaniya ang mga nakita ko at narinig ko mula kina Fiona at Blue kaninang umaga.
"This is getting more complicated," banggit nito nang may boses. "Fiona is an A-class Ignis kaya posible na anak nga nila iyan ni Blue."
"So paano na iyan kung tayo ang kikilalaning mommy at daddy ng anak nila?"
"That's our least concern. Tsk. Mag-aampon ka na nga kasi, bakit Ignis pa? They have strict rules and upbringing. Kukunin nila sa iyo ang batang iyan."
"Pero ayaw iyon na mangyari nila Blue at Fiona."
"Tsk."
"Paano kung nagtanong ang headmaster?"
Tinignan ako nitong muli sa mga mata saka gumamit ng telepathy.
"Look, whatever happens, never tell anyone that you can see spirits. May mga hunters. They hunt down those who can see spirits and they experiment on them at gagamitin nila ang mga ito sa kung anu-anong masasamang bagay."
"Masasamang bagay tulad ng?"
"Pagnanakaw ng spirits. Halimbawa, lesser water spirit ang kapangyarihan nila, pasusunurin nila ang mga tulad mo na maging isang spirit seeker para hanapan sila ng higher water spirit." Napatango na lang ako.
"Tsk, hindi mo naintindihan? Ibig kong sabihin, kung may balak kang maging utusan o guinea pig, ipagkalat mo na iyang ability mo. Gets?"
Ilang beses kong inisip na batukan siya kaya naputol ang telepathy nito.
"Pwede mong ikuwento ang tungkol kay Blue at Fiona pero itago mo iyong tungkol sa sarili mo. Tsk, bakit ang hilig mo kasing ipahamak ang sarili mo eh weakling ka naman?" Napairap na lang ako sa kaniya.
"Aalis na ako. Gusto ko nang matulog." Tumayo ako at lumapit sa labasan habang bitbit si baby... uhm, Celine.
"At saan ka naman pupunta?" Saan nga ba? Walang magbubukas ng room nila Snow at Elmira, nasa clinic sila Silver, Blue, at Fiona.
"Diyan lang o sa library."
"Then leave," kaswal niyang sabi na ikinunot ng noo ko.
Pinihit ko ang doorknob pero hindi ako makalabas. Nanindig ang mga balahibo ko. Nakapatong ang isang kamay nito sa pinto habang nakatayo sa likuran ko, saka nito itinapat ang bibig sa tainga ko at bumulong.
"Leave baby," natigilan ito saglit. May kakaibang epekto ang boses niya na ikinangatog ng tuhod ko. "Celine."
Naramdaman ko ang pag-atras niya kaya napahugot ako ng hininga saka siya inis na hinarap.
"What?" Nakangising tanong niya. Pilyo. Ang sarap batukan.
Tinitigan ko lamang siya pero ako ang unang nagbaba ng tingin saka bumuntong-hininga. Mas mabuti ngang maiwan sa kaniya sa Celine. Kaya niyang makipagbunuan, kaya niyang lumutang sa ere, kaya niyang paatrasin iyong kalaban niya sa matalim niyang titig. Ako, anong kaya ko?
Bumukas bigla ang pinto kaya taranta akong napatago sa likod ni Thunder. Sumilip ako mula sa likuran niya.
"Woah, bro! Bawal iyan." Isang lalaki na brown ang buhok at luntian ang mga mata ang napatingin sa akin. "Hi, miss! I'm Somi." Siya din iyong umawat kay Thunder noong nasa university kami.
Napahawak ito sa ulo na para bang nasasaktan saka tumingin nang matalim kay Thunder. "That's rude, bro."
"Tss," ismid ni Thunder.
Napatingin ako kay baby na nagbabadya nang umiyak. "Hwa... hwa..." Hinablot ito mula sa akin ni Thunder. Nag-usap sila sa isip nung lalaki bago padabog na lumabas ng kwarto si Somi na kinaladkad din ako palabas ng kwarto nila.
"Sorry, napag-utusan lang." Tumango na lang ako sa kaniya. "Hmm, loko kasi si Thunder, hindi tuloy ako nakapagpakilala nang maayos. I'm Somi, 7th ranker," sabi nito habang inilahad ang kamay na inabot ko naman.
Akala ko makikipag-shake hands lang siya pero hinalikan niya ang kamay ko saka ako binigyan ng rosas.
"See you around, Ben!" Kumaway ako sa kaniya pabalik.
Nagtataka ako dahil parang matagal na niya akong kilala, may kaugnayan ba kami sa university? Wala naman akong matandaan.
"What do you think you're doing?" Napatingin ako sa likod at nakitang nakasandal sa pintuan si Thunder habang nakahalukipkip.
"Ha? Ano nanamang nagawa ko?"
"Tsk, just leave." Sabi nito saka malakas na isinarado ang pinto.
"Tsk, just leave," panggagaya ko sa sabi niya. Para naman hindi iyon ang gagawin ko. Bumaba ako ng hagdan habang balak dumiretso sa silid-aklatan.
Sana hindi na siya magising.
Napahawak ako sa dibdib dahil ito nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko, nakaramdam ako ng kiliti sa tainga, para bang natutuwa ang kalooban ko dahil may humiling ulit nang masama. Hindi ako ito. Hindi ito tama.
Kinabahan ako nang makita ang mga palad na naglabas ng usok. Akala ko ba wala kaming kapangyarihan? Dali-dali akong umalis doon pero awtomatikong nag-activate ang special ability ko.
Sana hindi na magising si Fiona.
Napantig ang mga tainga ko at inis kong hiniling na makita ang kung sino mang humiling na huwag nang magising ang kaibigan ko. Oo, itinuring ko na silang kaibigan at nababahala ako na ako nanaman ang maging dahilan kung bakit sila mamamatay o mapapahamak.
"Shit!" Napitlag ang babae na may bughaw na buhok nang makita akong biglang lumitaw sa harap niya. "Who the hell are you?"
Matalim ko siyang tinignan.
"Tumabi ka nga, nerd." Itinulak niya ang balikat ko. Humakbang siya palayo at sumunod sa kaniya ang isa pang kasama niya.
"Be careful what you wish for, you might just get it." Natigilan ito saka ako tinapunan ng nakapandidiring tingin.
I AM A BAD GENIE.
"Weirdo," ingit nung babae bago tuluyang umalis.
Nakakainis siya. Gusto ko siyang sabunutan. Naluluha kong tinignan ang mga palad na may usok. Please. Kinuyom ko ang kamao. Napaupo ako sa mismong kinatatayuan. Niyakap ko ang dalawang tuhod saka dumukmo. Natatakot ako.
"Tsk. Mukha kang tanga." Napatingala ako at sino pa bang ibang sasabihan ako ng ganoon kundi si Tanda. Gusot nanaman ang mukha ni Thunder habang nakatingin sa akin.
Hinigit nito ang braso ko kaya napatayo ako. Hawak niya sa kabilang braso si baby Celine habang pinahid ang luha ko sa mukha. Anong trip niya?
"Ang pangit mo," kunot-noo siyang nakatingin sa akin at hindi ko napigilang umirap. "Come with me."
Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang binawi.
"Tsk, nagugutom na ako."
"Eh 'di kumain ka."
"Samahan mo ako."
"Ayoko," sabi ko bago humakbang palayo.
"Wala kang karapatang tumanggi. Halika na," Hinila niya akong muli aa braso pero binawi ko agad. "Tsk, fine. Do what you want," saka siya padabog na humakbang palayo.
Problema niya? Pwede naman kasi siyang kumain mag-isa.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...