Chapter 38

187 4 1
                                    

Ethan's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko puro puti ang nakikita ko.Patay na ba ako?Pero pano na aalala ko hindi naman grabe ang tama ko.Inikut ko sa paligid ang paningin ko wala akung kasama at nasa isang kwarto ako.Naka hospital dress.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng pinakasalan ko na sa ikli ng panahon ay napamahal na sakin lalo na ang batang nasa tsan nya.

"thank God Ethan gising kana!Pinag alala mo ako ng subra!wait tatawagin ko muna ang doctor" di pa ako nakapagsalita ay lumabas na sya para tawagin ang doctor

Bahagya akung gumalaw dahil gusto kung umupo ng biglang bumukas ulit ang pinto at tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

"Kuya....."hahulgul ni Yna sakin habang naka yakap

"Makayakap at iyak ka naman parang grabe yung tama ko..." Biro ko pa pero mas lalo syang umiyak sa dibdib ko

"Hon andito ma ang doctor" imporma ng asawa ko

Humiwalay sakin si Yna at tiningnan na muna ako ng doctor.Ng masiguradong ok na ako ay umalis na ang doctor at nag iwan lang ng dapat kung gawin para tuloyan akung gumaling.

Nag uusap kami ng asawa ko ng mapatingin ako kay Yna na nakatulala at panay ang iyak.

"kagabi pa yan ganyan..Hindi pa kasi nagigising si Jacob at nasa critical condition pa"mahinahong paliwanag ni misis

"Kuya..Ano ba talagang nangyari?Bakit si Jacob ang napurohan?" Biglang tanong ni Yna

At dun nag balik sakin lahat ng nangyari...

Flash back

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa taong nagtatraydor sakin.May lead na ako pero gusto kung makasiguro dahil sa tagal nyang nag tatrabaho sakin naging tapat sya kaya di agad ako makapaniwala o baka kinukuha nya lang ang tiwala ko dahil sa plano nyang pagnakawan ako at hindi ko sya pagdududahan?

Sya ang kaunaunahang taohan kung nag traydor sakin.Lahat sila loyal sakin dahil parehas ako sa kanilang lahat.Turo sakin ng lolo ko na dapat wag gulangan o lamangan ang mga taohan ko para makuha ko ang tiwala nila at hindi ako traydurin at kung wala sila hindi ko mararating ang kinaroroonan ko.

Rebel Beauties [KathNiel & DevQuen FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon