Chapter 40

148 5 1
                                    

Dezza's POV

2 days passed wala pa ding pagbabago ang kalagayan ni Jacob na mas lalong nagpalungkot sa kaibigan ko.Halos ayaw na nyang umalis sa tabi ni Jacob kung hindi lang pinilit ng kuya nya.Kahit sakin kasi ayaw makinig.Alam nya namang nakunan sya pero ayaw magpahinga.

Yes nakunan ni Kath.Dahil na din seguro sa stress at pag aalala kay Jacob.Sabi din kasi ng Doctor na mahina daw yung kapit ng bata kaya di na nila na agapan.Maybe hindi pa ngayun ang panahon para magkababy sila.Coma si Jacob at napapanghinaan si Kath sa nangyayari sa taong mahal nya.Kahit hindi nya aminin alam kung may lugar na si Jacob sa puso nya.

Andito kami ngayun ni Mc sa isang restaurant.Yes kaming dalawa lang.Walang asungot dahil pinatawag si Mike ng lola nya at ayun bumalik sa Thailand.Kinatakutang kasi ng lahat sa family nila yung lola nya.Bawat sabihin nito dapat gawin mo.Na meet ko na yun once nung magkaklase pa kami noon ni Mike.Sinabihan ba naman ako agad na di nya ako gusto para sa apo nya eh nag punta lang naman ako dun para ihatid ang apo nyang lampa na nasapak ng isang bully sa school.Hinayaan ko nalang yung matanda hindi pa kasi ako maldita noon nung mga panahong iyun.

"Buti naman wala na yung buntot mo"  sabi ni Mc habang naghihiwa ng beef sa palte nya

"oo nga eh.Nakawala din sa wakas.Nakakasawa kaya pag mumukha nun" sabi ko pa pero biro ko lang iyun.Hindi naman nakakasawa yung mukha ni Mike nakakainis lang o naiinis lang ako dahil si ginagawa nya sakin.Mabait naman yang si Mike.Yan seguro yung sinasabi nilang nagagawa ng pag-ibig.

Si Mc kaya kailan nya ako ipaglalaban ng tulad kay Mike?Yung tipong handa syang mamatay di lang ako mapunta sa iba.Oo sabihin na nating pinaglalaban nya ako minsan kay Mike pero hindi gaya ng kay Mike na pera at lahat ng koneksyon ginagamit mapasakanya lang ako.Si Mc kasi walang ginagawa para lang di matuloy yung kasal namin ni Mike.Pwede naman nya atang bayaran yung utang ni magaling kung nanay diba para lang makawala ako kay Mike.Makapal na ang muka kung makapal.Pero kapalit naman ng perang yun kung sakaling bayaran ni Mc ang lahat ng utang ng nanay ko eh ang habang buhay na pagmamahal at paglilingkud ko sa kanya.Kahit pa na mambabae sya batsa lang sakin lang sya uuwi parati.Pero wag magpapakita yung mga babae nya sakin dahil di lang pagkalbo gagawin ko sa kanila kundi babalatan ko sila ng buhay.

Habang kumakain at nag kukwentohan kami ni Mc may dumaang medjo may edad na na babae.Hindi ko lang sya una pinansin dahil di ko kilala pero bumalik yung babae at tiningnan ako ng maigi na pinagtaka ko.

"Bakit po?' taka kung tanong sa babae pero bigla itung ngumiti sakin.Tomboy ba to?Anong problema nito?May dumi pa mukha ko at tinatawanan nya ako?

Rebel Beauties [KathNiel & DevQuen FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon