Chapter 41

123 6 0
                                    

Dezza's POV


Matapos naming makausap si tita ay bumalik kami ni Mc sa hospital bago kami pumasok sa school.Oo pumapasok pa din kami.Pinakaiusapan nalang namin ang mga prof namin na hindi muna makakapason si Kath dahil sa mga nangyari.Si Jacob naman also known as DJ eh pinag drop nalang muna ng mga prof dahil di pa malaman kung kailan sya magigising.


"Kath..Wala pa din bang pagbabago?"



Tanong ko kay Kath at tumabi sa kanya sa pag upo at hingud ang likud nya.Maga pa din yung mga maya nya at halatang kakagaling nanaman sa pag iyak.Di maubos ubos ang luha.Ganito talaga ata pag araw araw mong nakikita ang mahal mo na nakahilata sa hospital bed na maraming nakakabit na kung ano ano at ilang araw ng tulog at minsan nang nag flat line.


Ito na ba ang karma ni Kath?I mean namin.Kasi sa dami ng kasalanan namin ni Kath noon, sa dami ng pinag aaway at pinag tripan namin ni Kath noon ito kami ngayun.Nasasaktan at bato man ang puso namin unti unti namang nawawasak dahil lang sa mag pinsan na ito.


"May good news pala ako sayo."



Sabi ko.Umunan si Kath sa balikat ko at ako naman sa ulo nya.



"Ano yun?parang yun ata ang kailangan ko ngayun..subrang bigat na ng puso ko ngayun.First time kung naramsaman ito eh"



Habang sinasabi ni Kath yun ay tumulo yung luha nya na agad nya namang pinunasan.


"Nakita ko ang best friend ni tita Cory kanina sa restaurant kung saan kami kumain ni Mc.."


Panimula ko at kinweto ko sa kanya ang mga sinabi ni tita sakin kanina at sure ng makakalaya ako sa mga kamay ni Mike.



"Galing nga kami sa OB kanina bago ako dumiretso dito.Negative naman yung result.Pero alam mo yung masakit?"



Bigla namang na muo ang mga luha sa mga mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina sa clinic ng kilalang OB dito.




Flash Back



"Hhmmm..ang babata nyo pa ata para magpapregnancy test?"



Sabi agad ng OB ng makita ang form na pinafill upan sakin kanina.



"Ahm hindi naman sa ganun doc.Kailangan lang kasi namin.Basta po mahabang storya"



Si Mc yung sumagot.Napatingin naman sa kanya yung OB at gaya din ng ibang babae kahit may edad na eh nagbibihag pa din ni Mc.Ngumiti pa ng napakatamis ang bruha bago tinanung si Mc.



"Your the husband?"


"Ah no.we're just friends"


Ouch.Oo nga naman no label kung meron man FRIENDS WITH BENEFIT lang.Mas lalo akung na inis ng makita ang mas lalong tumamis ang ngiti ng bruha at ang lagkit ng tingin kay Mc.As if naman papatulan sya ni Mc sa tanda nyang yan.

"di pa ba natin sisimulan?Ng matapos na agad dahil may dadalawin pa akung kaibigan"



Basag ko sa titigan nila.Mukhang papatol nga si Mc sa babaeng ito.Inarapan ba naman ako tapos ngumiti lang si Mc.


Alam kung gusto pang lumandi ng doctor na'to kay Mc dahil halatang napipilitan lang syang icheck up ako at halatang nagmamadali ang malandi at nakasimangut pa.After a minute na tapos na kaya tumayo na agad ako at nag punta kung saan si Mc pero umupo lang ako sa katapat nyang chair at nag hintay sa doctor.



"Ano na?" Tanong nya agad sakin na parang may kaba,takot sa mukha nya.


Ouch nanaman pala ito if ever.Kita naman kasi sa mukha nya ayaw nya pang maging tatay.Maybe dahil bata pa sya para sa responsibilidad.Pero alam nya naman seguro ang mga posibling mangyayari pag nakikipagniig sya diba?Or ayaw nya lang na ako ang magiging ina ng magiging anak nya?



Kipit balikat lang ang sagut ko sa kanya.Yung saya kanina sa restaurant habang nag kukwentohan kami?Na wala na dahil seguro sa ideang baka buntis ako.


"Good news Mr?"


"Enzo nakang"

"Good new Enzo..It's 100% negative..Hindi buntis ang friend mo"


Pinagdiinan pa talaga ang 100% negative at friend mo.Napatingin naman ako kay Mc at sumilay ang maliwanag na ngiti sa mga labi nya.Ayaw nya ba talaga ako para maging nanay ng mga anak nya?O dahil din isa ito sa kundisyon ni tita para makuha ko ang mana ko.


"Una nako Mc.Ikaw nalang mag hintay sa papers" tumayo ako agad at tumalikud.


Alam ko namang maglalandian pa silang dalawa eh.Kaya bahala sila sa mga buhay nila.


End Of Flash back


"Hindi mo sinugod o sinabunutan ang babae?" Gulat na tanong ni Kath pero nakaunan pa din sya sa balikat ko

Umiling ako bilang sagut.Alam ko namang ramdam nya pag iling ko.


"Bakit pa?Na gising na nga ata ako sa katangahan ko kay Mc eh.Ilang babae na ba nya ang na saktan ko at inaway?Hindi na mabilang.Kaya nga ako kinakarma ngayun diba?"


"Susuko kana sa kanya?"


"Tapos na pakikipaglaban eh.Talo.Tsaka kay Mike din naman ako magpapakasal"


Napabangun si Kath bigla at napatingin sakin na parang hindi makapaniwala.Alam naman kasi nya kung gano ko kaayaw magpakasal kay Mike diba?Tsaka alam ko naman na kahit makuha ng nanay ko ang pera hindi nya pa din babayaran ang mga utang nya sa pamilya ni Mike dahil ako nga ang pinangbayad.Makasarili nga sila diba?


May kinuha ako sa bag ko at ipinakita iyun kay Kath.Ilang beses ko iyung ginawa kaninang umaga para makasegurado at yun nga parepareho ang resulta.Positive.



"Wait..anong ibig sabihin nito?" Nalilitung tanong ni Kath



"Delayed ako ng 3 weeks kaya na isipan kung gawin.Dinamihan ko para sure na sure talaga pero iisa resulta..2 lines..buntis ako.Pinagbubuntis ko ang anak namin ni Mc" patuloy pa din sa pagdaloy ang mga luha ko



"P-pero diba--?"


"Hindi ko din alam kung bakit negative ang sinabi OB kanina..Pero mas ok na din yun.Para hindi na mamoblema pa si Mc"



"Y--yn---yna"



Mabilis kaming napalingun ni Kath sa gawi ni Jacob at na kita naming nakamulat ang mga mata nya.



"Gising na si Jacob!"

Rebel Beauties [KathNiel & DevQuen FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon