Chapter 12 - The Letter

248 18 0
                                    

Chapter 12 - The Letter

Galing pala kay Marlon yung sulat. Sya yung bestfriend ko.

Ito yung laman ng sulat. 

----------------------- 

Dear Best, 

Sorry kung umalis ako ng hindi manlang nagpapaalam sa'yo. E kasi naman ayokong malungkot ka at ayokong makita kang umiiyak. Pupunta kami nila Dad sa U.S kasi dun muna ako magpapagamot. May heart defficiency daw ako kaya daw sakitin ako. Basta, yun lang sinabi ni Dad e. Sorry talaga best, sana mapatawad mo ko. Sana bestfriend pa rin tayo. Sana close pa rin tayo. At sana makabalik pa ko jan. 

Sorry talaga. I miss you best. Take care. :) 

From: Marlon 

------------------------ 

Yan ang laman ng sulat. Habang binabasa ko sya, naiiyak ako. Umalis si best ng walang paalaman. Nalulungkot ako kasi kailangan pa nya umalis para sa sakit nya. Naawa ako kasi alam kong nahihirapan na sya. Natatakot din ako na baka hindi na sya makabalik. 

Ayoko nun! Gusto ko mabuhay din, magkaroon man ng magulong buhay basta masaya. Yun lang.

Dahil sa sobrang lungkot ko, hindi ko magawang makatulog. E kasi naman, sa mga oras na to sigurado akong nahihirapan si best. Ang hirap kasing mabuhay sa highschool ng wala kang bestfriend e. Yung lokohin ka nga ng bestfriend mo masakit, pano pa kaya yung alam mong nahihirapan yung bestfriend mong hindi ka iniwan kahit kailan. MAS MAHIRAP YUN! 

Kung pwede lang na matanggal agad yung sakit ni best, gagawin ko talaga. Basta para sa kanya. 

Dahil hindi ako makatulog, nagpunta muna ako sa garden para mag-star gazing. Yun kasi ginagawa ko pag nalulungkot ako e. Pakiramdam ko isa ako sa mga bituin na kumikinang kinang sa langit. Walang inaalala, walang problema, pampaganda sa paningin ng iba at mahaba pa ang buhay. 

Sana parang bituin din ako. Sana kaya ko rin magpasaya ng iba kahit na sa pinakasimpleng paraan. Gusto ko mapasaya si best. At sa oras na umuwi sya dito, sisiguraduhin kong ako ang unang magpapasaya sa kanya. Tulad ng ginagawa ni Rio, nagkakapagpasaya sya kahit hindi nya alam.

Sana best bumalik ka na, kasi namimiss na kita e. 

"Hating gabi na ah." - Jell 

"Hindi ako makatulog e." - ako 

Si kuya. Katabi ko sya ngayon sa bench namin sa garden. Hindi rin siguro sya makatulog. Bakit naman kaya? 

"Dahil ba sa sulat?" - Jell 

"Oo." - ako 

"Ano ba laman ng sulat?" - Jell 

"Si best, umalis kasi sya ng bansa nang walang paalam para magpagamot." - ako 

"Kilala mo naman yun di ba? Ayaw nyang nakikita kang malungkot kaya nagawa nya yun. Intindihin mo nalang." - Jell 

"Ok.................. E ikaw, bakit ka nandito?" - ako 

"Masama ba?" - Jell 

"Seryoso ko." - ako 

Si kuya talaga pero pantitrip. Tss. Pero pakiramdam ko may problema sya. Ano kayang nangyari sa date nila ni ate Jane? 

"Sa date kasi namin kanina. May nakita akong kahawig ni papa. Pero pagkatitig ko, hindi pala." - Jell 

"Sorry k----------- 

"Ok lang yun. Kasalanan ko naman e." - Jell 

First time ko nakitang tumulo yung luha ni kuya kaya hindi ko na nagawang tumingin pa ulit sa kanya.

Crush Kita, Crush Mo Sya [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon