Chapter 13 - Help Her

333 20 8
                                    

******** 


"Anong problema sa kanya?" - ako 



Rio's POV 



Si Marlon pala yung pinoproblema ni Micos. Tss. 



"Umalis kasi sya ng walang paalam." - Micos 



Kaya pala, kung ako rin yun magagalit ako. Bakit ba lagi nalang syang iniiwan? Sa ganda nyang yan?? Tss. Sana kasi akin ka nalang. 



"Bakit daw?" - ako 

"Magpapagamot sya sa US kasi may sakit na sya e. Malala na yata." - Micos 



Ramdam ko yung kalungkutan nya. Sobrang lungkot ng mata nya, nakakaawa. Parang gusto na nyang umiyak pero pinipigilan nya lang. Tss. Lalo kang magkakasakit nyan crush kung pipigilin mo yung luha mo. 

Kaya naisipan kong tulungan sya, tutal marami pa kaming oras bago magbell. 



"Tara." - ako 

"Saan?" - Micos 

"Basta." - ako 



Sabay hatak sa kanya. Baka mamaya hindi pa sumama sakin. Wala akong gagawing masama ah!! Mabait ako nu. Gusto ko lang talagang tulungan sya na mawala yung lungkot nya. 


Dinala ko sya sa rooftop ng building namin. Ito lang kasi ang alam kong lugar na masarap huminga at mag isip isip.

"Umiyak ka na." - ako 

"Huh?" - Micos 

"Sabi ko, umiyak ka na. Wag mo ng pigilan yung iyak mo. Alam kong iyakin ka kaya hindi bagay sa'yo ang nagpipigil ng luha." - ako 


*sob* *sob* 



Sabi na e. Pinipigil nya lang yung luha nya kasi madaming tao kanina sa Canteen. 



"Ang sakit kasi e. *sob* Yung pakiramdam na *sob* iniwan ka ng taong importante sa'yo. *sob* Ang hirap e, ansakit. *sob*" - Micos 



Kawawa naman sya. Kung pwede ko lang kunin lahat ng lungkot nya ngayon? Baka kanina ko pa ginawa. 



"Tapos *sob* yung mga tao parang ayaw akong sumaya................" - Micos 



Biglang napakunot yung noo ko sa sinabi nya. Ayaw sumaya? Pano? Hindi ko gets. 



"Parang gusto sila lang masaya at ako miserable. *sob* Tao rin naman ako e, *sob* lahat ng kailangan nila *sob* kailangan ko din." - Micos 



Medyo ngongo na yung pananalita nya dahil sa pag iyak nya. Pero mas mabuti na rin na umiyak sya para gumaan man lang yung pakiramdam nya. 



"San--------------" - ako

"At saka *sob* karapatan ko dn naman sumaya di ba? *sob* Bakit kasi nagkasakit pa si best? *sob* Bakit kasi dapat pa syang umalis? *sob* Bakit kasi kailangan ko pang maramdaman to? Ang hirap kasi maiwan e." - Micos 



Oppsss.... Hindi pa pala sya tapos magsalita. Ang bastos ko naman... 



"Ok lang yan, nandito naman ako e." - ako 



Sabay comfort sa kanya. Tumigil na rin sya sa pag iyak. 

Gusto ko, ako muna magpapasaya kay Micos habang pakiramdam nya wala na ang lahat. I'm not taking advantage, but I wanna make her feel that I'm always right nest to her. 


Medyo OA sya pero ok lang. Cute naman e. Bagay sa kanya! 



"Thanks Rio." - Micos 



Bigla akong napangiti sa sinabi nya. Hahaha! Ewan ko ba pero parang may magic kasi yung pangalan ko pag sya mismo yung bumigkas. Hahaha!! 



"Wala yun, basta dito muna tayo hanggang maging maayos na yung pakiramdam mo." - Rio 



Oo, nandito lang din ako para sa'yo Micos hanggang sumaya ka na sa'kin. 



"Pano yung klase natin?" - Micos 

"Dito ka muna, baka kung ano isipin nila jan sa mata mo. Masyado ng pugto e. Ako ng bahala sa mga teacher natin." - ako 



Sa totoo lang, gusto ko lang naman syang makasama ng kaming dalawa lang. Hahaha! Ganon talaga e. Sana effective yung reason ko! Ahohoho!!... 



"Baka pagalitan ako ni mama pag nalaman nyang nag-cutting ako." - Micos 



Concious pa rin sya sa records nya e kasama naman nya ako? Tss. Hindi ba nya naisip na kami may ari ng school? Ang dali nalang gawan ng reason yun e. 



"Kami may ari ng school di ba? Madali nalang sa'kin yun nu! Kaya dito ka muna. Palipasin mo muna yang lungkot mo, ok?" - ako 



Convincing na ba? Hahaha! Sana. Sana. Sana. 



"Ok." - Micos 



Oh yeah!! Hahaha ... mas matagal ko ng syang makakasama! 


Nandun lang kaming dalawa sa rooftop hanggang maghapon. Naka-indian seat ako sa baba tapos sya nakaupo din tapos nakasandal sa likod ko. Bale magkatalikuran kami. 

Gusto nya daw kasing may sandalan kaya pinagbigyan ko na. Crush ko naman sya e. Hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Kita, Crush Mo Sya [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon