Chapter 8 Schooooooolllll life... at gala mode

44 1 1
                                    

Matapos ang aking birthdate ay balik ako sa realidad na kailangan kong pumasok sa Eskwelahan.

 Sa realidad ako si Kenneth Angelo Reyes isang simpleng mag aaral sa isang paaralan sa maynila, di naman ako gaanong katalinuhan pero may paninindigan ako sa mga ginagawa ko at isa rin ako sa pinaka gagong tao sa mundo baket? simple lang ang sagot ko kasi ayokong maging matino at matalino dahil may hangganan iyon eh ang gago? walang hangganan ang kagaguhan,

        sa eskwelahan di ako nalalayo sa buhay ko sa internet masayahin at punong puno ng sigla pero mas antukin ako sa totoong buhay, may higaan na nga ako sa eskwelahan at kilala na nila kung saan ang teritoryo ko, medyo tamad akong tao sa totoo at adik ako sa computer games na kadalasan nagiging dahilan para ako'y mag cutting ng klase at di na pumasok. isa rin sa mga katangian ko ay makipag sagutan sa aking mga prof kapag di ko gusto ang kanilang ginagawa minsan narin akong nadala sa Office of student Affairs dahil doon, 

        ako'y kumukuha ng kursong Education major at Social Studies, ang gusto ko talaga ay history lang epekto ito ng kalalaro ng war games at mga kwento ng aking lolo tungkol sa panahon ng hapon at espanyol na ang aming angkan ay isa sa mga lumalaban sa dayuhan at nagtutugma naman sa ugali kong makabayan dahil ayokong may lumalabas at tumatangkilik sa mga dayuhang produkto at bansa, kadalasan nga ay nakikipagtalo pa ako sa mga tao kung sino ba talaga ang dapat natin panigan ang hapon o amerika? dahil ayon sa history ang talo ang masama, paano kung natalo ang mga amerika? galit din ako sa bansang amerika sila ang pinaka ayokong bansa sa mundo dahil sa ginawa nilang sacrificio ang mga pilipino para di madala ang gyera sa bansang amerika, 

       Madali lang naman ang Kursong Education tyaga lang ang kailangan mo na isa sa mga katagian wala ako, pero dahil sa ilang kaklase kong matatanda ang nagsisilbing gabay ko sa paaralan lalo na ang  aking nanay nanayan si WILBY, 

         " Oiiiiiiiiiiiiii Kenneth nasan kananaman?" Text  ni ate Wilby

" Nasa Bridge natutulog" ako

" Di kaba papasok Sociology natin ah" Wilby

" papasok po sandali lang eto na bumangon na nga ehhh" ako

papunta na ako sa klasroom at pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako papauwi, naglaro muna ako sa PS3 ng 2k14 at pagkatapos ay nanuod ng anime, pagkatapos ay nag online sa GC

" Meet up tayo" Ako

" Saan kelan? " Emi,Monica at celestino

" sige sige" Cedric

" layo di ko alam yan hahahaha" Marvin

" Di ako makakapunta me Film showing kame eh" Ruth

" Ako din Strict Parents ko " Ako

" celestino Handa mo na ung Batmobile kikidnapping natin tong mga di sasama" Cedric

" hahahaha gagasolinahan mo ah" Celes

" ang layo hanggang SM san Lazaro lang ako eh" regina

" AWts," Ako

" Kelan ilalagay kona sa Sched ko" emi

" sa SABADO na" Ako

" sige sige " Celes

" La Pera tsaka malayo" Asakura

" AWts. papabaunan nalang namin kayo ng Pictures ahahahaha

natulog na ako pag katapos noon dahil antok na antok na talaga ako,

dumating na ang sabado at nag meet up na kami kung saan naligaw si Emi at kung saan saan sila nagpupunta ni monica na kadahilanan magkadaligaw ligaw kami sa Sm NOrth, 

" Oiiii naliligaw daw si marvin nasa sm Fairview daw sya tae layo nun" ako

" awts sabihin mo magtanung tanung sya kung paano makakapunta dito, " Celes

" Tae layo nun" Emi

hinintay namin si marvin sa sm north ng isang oras at ng magtagpo tagpo na kami ay agad kaming nagtungo sa palaruan at pagkatapos mag laro ay nagkaraoke kami na kung saan me tig dadalawa kaming kanta, pag katapos ng araw na iyon ay sabay sabay kaming umuwi na unalang si emi ng konti pero sabay kami ni celes sa bus. 

next update bukas na 

magrereview pa ako eh finals na

The JOY of my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon