Mnemosyne's POV
NAGISING ako na para bang may mabigat na nakapatong sa ulo ko. Gustuhin ko man bumangon mula sa pagkakahiga pero di ko magawa dahil sa di magandang pakiramdam at pagkirot ng ulo ko.
"Panget, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?" Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nanlalabo ang mga matang sinipat ko ang lalaking nakaupo sa may kama kung saan ako nakahiga.
Napahawak ako sa ulo nang dumaan ang muling pagsakit nito. Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Ano bang nangyari?
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sinubukan ko ulit idilat ang mga mata ko, pinagmasdan kong mabuti ang kwarto. At nang unti-unti ng luminaw ang buong paligid, napagtanto ko na nasa ibang kwarto ako. Hindi naman ganito ang kwarto ni insan at lalo't higit hindi ganito ang kwarto ni Tito at tita. Hindi din ganito ang itsura ng kwarto ko, dark blue ang kulay ng pintura.
Napatingin ako sa pintuan nang muli iyong bumukas at pumasok ang isang batang babae.
"Izrah?" Paninigurado ko.
"Bakit po? May iba pa po ba kayong kilala na ganito ang mukha?" Kunot noong tanong nya.
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa halip na sagutin sya.
"Mukhang di ka lang po nawalan ng malay, mukhang nawalan ka din ng alaala." This time, ako naman ang napakunot ang noo.
"Nawalan ako ng alaala? Bakit? At paano nangyari 'yon?" Di makapaniwalang tanong ko. Bakit kaya di ako sagutin nitong kapatid ni Elvin? Ang sama pa ng ngiwi nya na para bang nawiwirduhan sya sa sinabi ko.
"Tara na sa baba ate. Kanina mo pa pinag-aalala ang kuya kong topakin." Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa kanya. Nang may madaanan kaming wall mirror, saka ko lang napagtanto na nakapajama ako at naka-loose t-shirt.
Lakad takbo ang ginawa ko dahil ang bilis maglakad ni Izrah. Bumaba kami ng hagdan hanggang sa makarating sa dining area. Maraming nakahaing pagkain.
"Nasaan ang kuya mo?" Tanong ko kay Izrah nang maupo sya at magsimulang kumain.
"I'm here." Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Akmang lilingon pa lang ako pero nilampasan na nya ako at naupo na din sa tabi ng kapatid nya.
"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Maupo ka na at kumain ng hapunan para maihatid na kita sa inyo." Masungit na sabi nya. Marami akong gustong itanong sa kanya kaya naman naupo na din ako.
Nagulat ako nang lagyan nya ng pagkain ang pinggan ko.
"S-salamat." Nahihiyang nagsimula akong kumain hanggang sa di ko na namalayan kung gaano na kadami ang nakain. Grabe ang sarap. Sino kaya ang nagluto nito?
"Shino pala ang kashama nyo dito sha bahay?" Tanong ko sa pagitan ng pagnguya.
"Why don't you try to swallow your food first before you speak?" Nakangiting sabi ni Elvin. Bakit ganito? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Ngumiti lang sya pero bakit apektado ang puso ko?
Mabilis kong nilunok ang kinakain ko sabay inom ng tubig dahil feeling ko mabubulunan ako.
"Si Manang Luz ang kasama namin dito at ang ilang kasambahay. At 'yong naghatid sa'yo dati si Mang Dani, ang driver namin." Maya maya ay sabi ni Elvin.
Hindi naman sa nakiki-tsismis pero curious lang ako.
"Nasaan ang parents nyo?"
"Out of the country for our business." Maikling sagot nya. Hindi na ako muling nagtanong pa.
"Kung tapos ka na, you can change your clothes at ihahatid na kita. Baka hinahanap ka na sa inyo." Napasulyap ako sa wall clock at nakitang alas otso na pala ng gabi.
BINABASA MO ANG
One Touch, One Love
FantasyJAGUARS SERIES 4: Elvin Howard "Once you were in my dreams, which came into the reality, and now a memory." Do you believe in magic? In curse? Well, believe it or not they do exist in this world, the world where no happily ever after. ...