CHAPTER 2

16.1K 551 69
                                    

Mnemosyne's POV 

PAGKATAPOS ng klase agad kaming pumunta ni insan sa centeen.. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa napakabangong amoy ng pagkain dito pakiramdam ko tinatawag nila ang pangalan ko. 

"Hindi ko gusto yang pagkagat mo sa labi mo Jane, pakiramdam ko mauubos na naman agad ang allowance ko para sa linggong ito dahil dyan sa katakawan mo" di ko pinansin ang pagputak ni insan at hinila ko na sya para makapili na kami ng kakainin. 

Di ko napigilang di mapahawak sa tiyan ko, ang sasarap ng nasa harapan  ko ngayon, pwede ko kayang orderin lahat ng 'to? 

"Jane ano ba? Pipili ka ba o pipili ka? Kanina mo pa tinititigan yan ah baka busog ka na tara na.." akmang hihilihin nya ako pero tiningnan ko sya ng masama pero pinitik nya lang ako sa noo. 

"Umorder ka na and stop looking at me that way baka lagnatin na naman ako" reklamo nya. Agad ko naman syang nginitian at muling binalik ang tingin sa mga pagkain at sinimulan ko ng umorder. 

"Grabe feeling mo lagi kakatayin ka na kung maka-order ka ano?" reklamo na naman ni insan nandito na kami sa table at sinisimulanko na ang masarap na pagkain. 

"Eh kashi tinatawag ng mga pagkain ang pangalan ko" sagot ko.. 

"Ewan ko sa'yo tigilan mo nga yang mga ganyan mo, alam mo konti na lang baka maniwala na ako dyan sa mga pinagsasabi mo," tiningnan ko sya at parang nagningning ang mga mata ko. 

"Talaga insan maniniwala ka na sa mga sinasabi ko sa'yo? Kung ganun naniniwala ka na maganda ako?" bigla nya akong binato ng fries sa mukha. Ang hard talaga! Dinampot ko yun at kinain. 

"Alam mo Jane, pinsan kita kaya kahit ano pang sabihin mo, susuportahan kita, pero anak ng tokwa please lang stop dreaming, you are not pretty, panget ka insan, panget ka, just accept it. ok?" lintanya nya. Pero di ko na pinansin 'yon dahil masyado akong nag eenjoy sa kinakain ko. 

"Ang matagal ko ng ipinagtataka, bakit di ka tumataba eh ang takaw takaw mo naman," tiningnan ko naman sya saka nginitian ng nakakaloko.. 

"Sekreto ng tunay na sexy," nginisian ko sya. Dahilan para paikutin nya ang mga mata nya na parang nagtataray. Di nyo kasi naitatanong medyo chubby yang si insan. 

"Shet na malagkit ayokong pumikit!" impit na na sigaw nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. 

"Problema mo?" di nya ako sinagot instead may tinuro lang sya at sinundan ko 'yon ng tingin. 

Ang JAGUARS! Nagkibit balikat lang ako at tinuloy ang pagkain. Sila ang basketball team dito sa Montereal Academy. Balita ko hinihintay na sila sa Montereal University, after graduation may sigurado ng university na naghihintay para sa kanila. Di ko naman masisisi si insan sa paghanga nya sa jaguars, totoo naman kasi na gwapo ang mga ito, wala lang kasi talaga akong pakialam sa mga gwapo.

"Putik insan hihimatain ako, ang gwapo talaga ni Fafa Elvin loves ko mygawd!" tinaasan ko ng kilay si insan. 

"Shino naman 'yon?" tanong ko kahit puno pa rin ang bibig ko. 

"Ano ka ba, sa lahat ng jaguars si Elvin ang pinakasikat sa mga girls dito sa Academy, alam mo ba kung bakit?" 

"Pangalan nga nila di ko alam, 'yon pa bang dahilan kung bakit sila sikat?" pagtataray ko. 

"Ano ka ba insan dapat kilala mo sila, kasi sila kilala ka....." natigilan ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni insan. 

"Talaga?" 

"Oo, sikat ka di ba?" sinimangutan ko sya. Sikat? Sikat sa pagiging witch ang tinutukoy nya. I hate it. Kung naipagbibili lang sana itong kakayahan ko na paibigin ang mga lalaki baka mayaman na ako. Tiningnan ko ang palad ko, eh kung gamitin ko kaya ito para yumaman ako. No! Umling ako ng sunod sunod, I will never use this. NEVER!. 

---------------------

Freeman's POV 

"Alam kong mas gwapo ako sa'yo pare pero tang*na please lang tigil tigilan mo na yang pambabae mo, kami ang napupurwisyo sa kahayupan mo!" reklamo ko kay Howard, nandito kami sa canteen ngayon. 

"Oh bakit? Di ko din naman kagustuhan na guluhin kayo ng mga babaeng 'yon ah?" sagot nya habang nilalaro laro ng tinidor ang spaghetti  na nasa harapan  nya. 

"Kung bakit ba naman kasi papalit palit ka ng babae, pwede namang pagsabay sabayin mo na lan----" bigla akong binatukan ni Young. 

"Kaya lumalaki ulo nyang si Howard eh, kinukunsinti mo.." sabi nya sinimangutan ko na lang sya at saka umupak ng kain dahil nagsimula ng mag speech si Young. 

 Ito naman kasing si Howard, tangina araw araw nagpapalit ng babae, buti pa ang mga babae nya napapalitan nya pero yung medyas nya langya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang kung magpa-asa sya ng babae, feeling nya napakagwapo nya eh hindi man lang nga sya lumamang sa'kin kahit tatlong paligo. Siguro hindi lang talaga nya makita ang babaeng katapat nya. Tinagurian na nga syang Heart breaker Prince dito sa Academy, sino ba namang hindi kung halos lahat na lang ng babae dito pinaiyak nya. 

"Kita mo ba 'yong dalawang babae dun sa may dulong table," napalingon kami sa tinutukoy ni Young. Napangiwi ako ng makita ang isa sa dalawang babae. Noong nagpaulan siguro ng kagandahan masarap ang tulog nya, walangya pasensya na ha, hindi ako mapanghusga pero kasi ano eh, iba talaga eh, sya ang totoong kahulugan ng salitang "panget".. 

"Kulang na lang pati yung isa 'don patusin mo din," pangsesermon pa din ni Young na ikinatawa namin. 

"Tungunu Howard hahahahaha maawa ka sa sarili mo, kung ayaw tamaan ng karma tumigil ka na, pasalamat ka nga hindi tumatalab ang karisma mo dun sa babae" lintanya ni Gibson

Napailing na lang kami. 

"Pare itigil mo na yan ok" tahimik lang si Howard parang wala syang gana hanggang sa bigla na syang tumayo at nilapitan si Young. 

"Wag ka na kasing magalit Fafa Kevin, gusto mo mamaya ikaw naman paligayahin ko eh" bigla kaming nabalot ng malalakas na tawa ang buong canteen na ikinatingin ng lahat ng kumakain dito. 

Akmang babatuhin ni Young si Howard pero nakatakbo na si Howard palayo habang tumatawa. Gago talaga.. 

------------------------

Elvin's POV

Tumatawang iniwan ko ang jaguars, napaka-seryoso naman kasi ni Young palibhasa galit sa mga babae. Konti na lang iisipin ko na kasama sya sa mga kilusan na nag-alsa. Sinipat ko ang oras sa braso ko. Malapit nang magsimula ang susunod na klase. Inaantok ako at di ko trip umatend ngayon. 

Napagpasyahan kong pumunta sa library, kumuha ako ng isang libro at pumuwesto sa parteng likuran. Naupo ako saka sinimulan ang pagtulog. 

Halos hindi ko na namalayan ang oras, nagising lang ako dahil sa mga impit na tilian, inangat ko ang ulo ko ng bahagya kahit medyo nahihirapan pa akong imulat ang mga mata ko dahil inaantok pa ako, bigla akong napakamot ako sa ulo nang makitang nakatingin sa'kin lahat ng babaeng nandito. Walang gana akong tumayo, nilampasan ko ang malalagkit nilang tingin at lumbas ng library. 

Kainis nabitin ang tulog ko, makapunta na lang sa mini-forest tutal mas tahimik doon at tahimik, masarap pa ang simoy ng hangin. 

Malapit na ako, nang mapansin ko ang isang babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko, napakunot ang noo ko nang mapansin na may dalawang lalaki na humahabol sa kanya. Tumabi ako para makadaan ng maayos ang babae, parang nag slow-mo ang paligid nang bigla syang matapilok, di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sinalo ko sya, naramdaman ko mainit na palad nya sa dibdib ko, hindi ko alam pero parang may kuryenteng lumbas mula sa katawan ko..... 

Anong nangyayari?

To be continued.... 



One Touch, One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon