Nagmamadaling mga yapak ang agad tumapak sa sahig ng Ninoy International Airport.Lahat ay napapalingon sa nagmamay-ari ng mga hakbang na iyon.
Sa tangkad niyang 5'5 kung wala ang suot na three-inches black boots, mababakas ang aurang hindi gugustuhing makakabangga ng kahit sino. Her face was stoic na kahit nasa ilalim ng salamin, mararamdaman mong walang emosyon ang may-ari ng mukhang iyon. Tuwid na tuwid ang likod nito na hindi aakalain ng kahit sinong merong iniindang sakit ang katawang nagmamay-ari niyon.
The woman is on her dark brown fitted jeans with black turtle neck long sleeves. Suot ang itim na aviator, mukha itong isang modelo habang bitbit sa kanang braso ang may kalakihang LV overnight bag. Dere-deretso ang lakad nito. Walang pakialam sa paligid kahit halos manuot na sa kaniya ang titig ng mga lalaking nakakasalubong. Ang mga babae nama'y kung hindi napapasunod sa kaniya ng tinging may paghanga ay kumukunot naman ang mga noo at umiismid. Malamang dahil sa insecurities.
Pathetic creatures, and so she thought.
What's with the rude stares kung hindi naman siya interesado sa mga kalalakihang kasama ng mga ito na halos mabali na ang likod sa kakalingon sa kaniya?
Saktong paglabas niya sa arrival area, pumara sa kaniyang harapan ang isang tinted black cadillac. Dali-daling lumabas ang driver nito at umikot para pagbuksan siya sa back seat ng sasakyan. Kinuha muna nito ang bitbit niyang bag bago siya pagod na pumasok sa loob.
Agad siyang napahinga ng malalim bago isinandal ang likod sa kinauupuan. Habang nakapikit ang mga mata'y ramdam niya ang saglit na pagtitig ng taong nasa harapan.
"Welcome back to the Philippines, Lady X. Where to?" mababa ang boses nitong nagtanong.
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay idinilat ang mga mata para katagpuin ang sulyap ng nagsalita. She met that stares na kilalang-kilala na niya sa matagal na panahon.
"I don't have enough sleep, Pascal. I'd rather proceed in the sanctuary."
"Then Sanctuary it is, Lady X."
Matapos iyon sambitin ng kasama'y tahimik nang binagtas ng sasakyan ang daan palabas ng syudad. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto'y nagsimula nang tumugtog ang madalas niyang marinig sa tuwing sinusundo siya nito.
Yesterday
All my troubles seemed so far away
Now it looks as though they're here to stay
Oh, I believe in yesterday"Not now, Pascal. I'd strangle your neck if you'll not make it stop." she hissed.
Mahinang natawa si Pascal. Tila hindi naman ito nangamba sa kaniyang pagbabanta.
Suddenly
I'm not half the man I used to be
There's a shadow hangin' over me
Oh, yesterday came suddenly.Why she had to go, I don't know, she wouldn't say
I said something wrong, now I long for yesterday
"Still can't move on with that thing, Cal?" may bahid panunuya ang boses niyang tanong sa lalaki. She opened her eyes and there, she saw the man's chinky eyes smiled.
"Masarap kasi ang umibig, Lady X. Try mo din minsan para malaman mong tama ako."
Naiiling siyang ibinalik sa pagkakapikit ang mga mata. She can really feel the stinging pain of her whole body but she didn't care. Sanay na siya. Kahit nga ang mismong pagkuha sa mga bumabaong bala sa kaniyang katawan, ilang beses na niyang ginawa. Kaibigan na niya si kamatayan na lagi niyang kasama sa lahat ng oras.
"Shut up, Pascal. Masaya na'kong nakikita ka kung paano maging tanga dahil diyan pag-ibig mong ipinagmamalaki."
"Why she had to go, I don't know, she wouldn't say." boses na ng kaniyang driver ang kaniyang naririnig habang sumasabay ito sa kanta.
BINABASA MO ANG
ASTRA LAZIRRI
ActionShe may possess such beauty, but she is fierce and savage. Her presence boils like fire, but her heart is colder than ice. Fear is not known to her, for she is the word itself. She is Astra Lazirri - Eradicus' greatest assassin. Meron pa bang baga...