"Hi."
Kunot-noong napaangat ng kaniyang paningin si Astra. Awtomatiko siyang napabuntonghininga pagkatapos.
This kid, she sighed.
"My name is Sophia." pumalumbaba ang bata sa lamesa. May busilak na ngiting pumunit sa labi nito. Kamukha ng bata ang anak ni Iron Man sa End Game movie.
"No one's asking. Go back to where you must be." walang emosyon niyang sagot dito sabay balik sa pagkakayuko para ipagpatuloy ang pagkain ng ice cream. It's her comfort food.
Pero makulit si Sophia. Para pa nga itong matanda kung umasta at hindi man lang naalarma sa tono ng boses niya.
"I'm Sophia Danae Laurente, five years old. What's yours?" ipinakita pa nito sa kaniya ang limang daliri.
Hindi maalis ang pagkunot ng noo ni Astra.
What's with the kid at kanina pa siya nito inaabala?
"You know what? I really don't give a damn, kid. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo." iginala ni Astra ang paningin sa paligid.
"Where's your guardian?"
"He's talking with his girlfriend." the kid shrugged her shoulders and pointed her father's direction. Sinundan niya ang direksyong tinuro nito and there she saw the man.
"Ano pong nakain niyo?" parang wala lang dito ang naunang sinabi, mas nakatuon ang pansin ni Sophia sa kaniyang ice cream.
"Black walnut." wala sa plano niyang alukin ang bata. Napakamot ang dalaga sa kaniyang kilay. Ayaw na ayaw niyang may makausap na bata dahil nag-iiba talaga ang kaniyang pakiramdam.
Muling sinulyapan ni Astra ang kinaroroonan ng lalaki. Bahagya itong nakangiti habang nakalapat sa kanang tenga ang cell phone nito at nakapamulsa naman sa likod ang isang kamay. The guy is tall, probably on his 6 ft. Bagay dito ang suot nitong eye glass. His sharp jawline made him look like Orlando Bloom pero moreno ito.
"At nagawa pa talagang maglandi ng ama mo samantalang ikaw ay pinapabayaang kung saan-saan magsusuot." mahinang bulong ni Astra sa sarili na akala niya'y tanging siya lang ang nakarinig.
"Ano po 'yung isusuot?" napakainosente ng mukha nitong tanong, idagdag pang ang cute -cute nito dahil na rin sa suot nitong bonnet sa ulo.
Pinagmasdan niya ang kausap. Something in her heart flickered. The radiance in the kid's face is something, making her heart swell a bit. Si Yael ang naaalala niya as she is looking to the kid that very moment.
"Wala. Huwag mo nang intindihin ang sinasabi ko." she said while her eyes laid back on the ice cream.
Nang bigla'y naalala niya ang nangyari kanina.Tumikhim muna si Astra bago nagpasyang kausapin na lamang ang bata.
"Bakit mo'ko tinawag na mommy kanina? Do I really look like her?" tanong niya dito.
Tumitig naman ito sa kaniya ng ilang segundo bago ibinaba ang mga tingin sa lamesa at nilaro ang hawak-hawak nitong little pony character.
Her hair is golden na parang sa mais. Medyo maputla sa karaniwan ang bata pero masasabi niyang bibo ito.
"Pareho po kasi kayo ng mukha ni mommy pero 'yung sa'yo po, parang palagi po kayong galit. Kapag mag ii-smile po kayo, mas pi-pretty pa po kayo. My mom was pretty pero parang mas nagagandahan pa po ako sa inyo." nasa laruan ang mga mata ng bata habang nagsasalita.
Kamuntik na siyang masamid sa narinig.
In front of her is a kid obviously longing for her mom na hindi niya alam kung bakit hindi nito kasama,sasabihan siyang mas maganda pa sa nanay nito?
BINABASA MO ANG
ASTRA LAZIRRI
ActionShe may possess such beauty, but she is fierce and savage. Her presence boils like fire, but her heart is colder than ice. Fear is not known to her, for she is the word itself. She is Astra Lazirri - Eradicus' greatest assassin. Meron pa bang baga...