Chapter 2

25 1 0
                                    

As she sipped her cabernet sauvignon wine, Astra played the piano piece of her favorite song Moon River.

Napapikit siya sa ginhawang idinulot ng alak. Walang emosyon niyang iginala ang paningin sa kaniyang paligid hanggang sa marating nito ang isang painting na nakasabit sa malawak niyang sala.

It was a Naruto character did by Yael. Sa edad na sampung taon, masasabing may talento talaga ito sa pagpipinta. 

She always thinks Yael is like Ishaan, the boy protagonist sa pelikulang Taare Zameen Par na paborito ring pelikula ng kapatid. The boy was very dependent on her na mawala lamang ang likod niya sa paningin nito, mabilis siya nitong hahanapin. Katulad sa nasabing pelikula kung saan ay mahal ng kuya ang bida, she dearly love her little brother more than anything. 

Tumayo siya at nilapitan ang painting. Sadyang pinalagay niya ito sa mamahaling frame kasama ng iba pang gawa ng bata. She had a corner in her sanctuary kung saan nakalagay ang lahat ng gawa ni Yael. Ito ang natatanging alaalang iniwan sa kaniya ng kapatid at patuloy na nagbibigay sa kaniya ng lakas para harapin at ipagpatuloy ang nasimulan.

"I will not stop, my little brother. Hanggang sa hindi nila napagbabayaran ang ginawa nila sa inyo nina daddy at mommy, I will not stop." walang emosyon niyang hinaplos ang ibabang bahagi ng painting habang sinasabi iyon.

Natuon sa drawer ng study table na nasa ibaba niyon ang kaniyang paningin. Bahagyang nanginginig ang mga kamay niyang binuksan iyon at hinugot mula sa loob ang isang picture frame.

Litrato iyon ng kaniyang mga magulang. Nakasuot ang mga ito ng kaniya-kaniyang doctor's coat habang nakangiting nakatuon ang mga mata sa camera.

Dr. William Vidanes, MBBS, MS, Neurosurgery at Dr. Margaret Lazirri - Vidanes, M.D, Cardiology.

Both of her parents were famous doctors. Ang ama niya ay sa US naka-base habang ang ina'y sa Singapore. Malayo man ang mga ito sa kanilang magkapatid, lagi itong gumagawa ng paraan para sila'y magkakasama. At the age of sixteen, tumayong magulang si Astra kay Yael. Kung hindi ang ina ang nakakauwi sa kanila sa Pilipinas, silang magkapatid ang ba-biyahe sa Singapore para daanan ang doktora at tutungo ng US para sa ama.

Suwerte na ang dalawang beses sa isang taon kung umuwi sa PIlipinas si Dr. Vidanes. The latter was the former director of the neurosurgeon department ng isang sikat na international hospital sa Virginia, kaya given the reason, alam niya kung gaano kahalaga ang papel ng ama sa pinagtatrabahuan nito. Same goes with her mom, Dra. Vidanes. Ito ang tumatayong directress ng cardiology department ng National University Hospital sa Singapore. Her mom handled sensitive cases na sa una'y hindi niya lubusang maunawaan.

Not until her parents were murdered a few hours after Yael was slaughtered in front of her.

Isang buwan matapos siyang kupkupin ni Giovanni Ruci, doon niya nalamang hindi basta-bastang posisyon ang hinawakan ng kaniyang mga magulang. Both doctors were involved in CIA operations and research projects. Pinaslang ang mga ito sa karumal-dumal na pamamaraan matapos itong pahirapan ng mga demonyong salarin.

"Naiinip na ba kayo ni Mom, Dad? I'm almost there, konting tiis na lang. Justice will be served at malalaman na rin ng mga taong pumatay sa inyo kung ano ang kinuha nila sa akin."

She gently caressed the picture. Umalingawngaw sa kaniyang isipan ang laging sinasambit ng ama mula noong bata pa siya.

"Our love is as endless as the universe can reach, my princess. Let this be your guide when you are on your own."  those were always the words she can hear from her father.

She bitterly smiled. 

"It is, Dad. It is. And I will not stop hangga't hindi ko naibabaon sa lupa ang katawan ng mga demonyong dapat magbayad sa inyong pagkawala." 

ASTRA LAZIRRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon