XXXIII | Library Assistant

54 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Benevelle ~

Jusko, ang kalat. Ito ang unang araw ng parusa ko at hindi ako natutuwa. Tinignan ko ang mga libro sa mahabang mesa na hindi naibalik ng mga estudyante sa shelves. Busy days daw talaga ngayon sa silid-aklatan dahil malapit na ang duel.

Napapansin ko na karamihan ng mga narito ay iyong mga estudyante na kulay puti at dilaw ang lanyard ng ID. Puti iyong akin, recruit.

Benevelle S. Quentin
Aero-Aqua
Director: Saphhire Ravini
Points: -700

Wala pa ngang laman na points iyong ID ko may deduction na agad dahil sa dalawang beses na paglabag ko sa curfew na para sa mga recruits. Nanghiram tuloy ako ng student manual kay Ate Snow, sabi niya sa akin na daw kasi kabisado niya naman na.

"Anong ginagawa mo?" Bitbit ko ang mga libro nang punahin ako ni Master Ravini.

"Ibabalik ko po sa shelf," naiirita siyang naghihintay ng mabagal na sagot ko.

"At kailan ka naman matatapos kung bibitbitin mo ang mga iyan saka ka maglalakad?" Hindi ko alam ang isasagot kasi ang bigat ng iisang libro at ang lawak ng library. Kung pwede ko lang sanang paliparin kaso hindi ko alam paano. "Put that down."

Hindi ko din alam kung kanino magpapaturo kasi halos hindi ko makita sinuman sa mga kakilala ko sa academy. Kahit nga si Gen, hindi ko na mamataan sa clinic. Pati si baby Celine, hindi ko na nakikita. Simula nang makausap ng headmaster sila Blue at Fiona kahapon tungkol sa sanggol ay kinuha na sa akin si baby Celine. Naiiyak na ako.

"Read those books," pag-uutos ni Master Ravini.

Tinignan kong muli ang mahabang mesa na may napakadaming libro, "Lahat po?" Pfft. May narinig akong mahinang tawa sa malayuan.

"My goodness, if you can then go. But, I'm pertaining to that," turo sa mga kabababa ko na tatlong makakapal na libro - History, Basic spells, Element Manifestation. "Here's a mock test that you'll finish within the day. Get 90% of it and you'll pass. If not, then do what you're doing earlier by manually taking back those books to the shelves."

Napasinghap ako sa dami ng kailangan kong sagutan sa mock test, 200 items na fill in the blanks, walang multiple choice, para sa history at basic spells.

"One more thing, you cannot leave the library until you put all books in this table back to the shelves," sabi nito saka umalis.

"Tsk, andami kong dapat basahin, back to basics nanaman ako," panunuya ni Thunder saka ito umupo sa mesa kung nasaan ako habang madaming bitbit na libro. Pilit nitong itinatago ang pagngisi pero nabibigo siya.

"Nakakatawa ka?" Inis na baling ko sa kaniya.

"Shh, bawal maingay sa library."

Padabog kong hinila iyong isang upuan saka umilaw iyong ID ko. Points: -800. Napapikit ako sa inis. Nang magmulat ng mata ay nakita kong nakatingin sa akin ang librarian at nagtatago sa libro ang mukha ni Thunder habang taas-baba ang balikat.

Hindi ko na ito pinansin saka pinagpilian ang tatlong libro. Basic spells na lang muna. Kinuha ko iyong basic spells mock test saka binasa. Ayun! Nakita ko iyong pagpapalipad ng mga bagay.

"Psst, Thunder." Nagbaba ito ng libro saka nagtaas ng kilay. "May ballpen ka?" Pfft. Mahinang pagtawa nito saka umiling. "Lapis?"

"Pfft AHAHAHA" Napatakip ako ng libro sa mukha kasi baka makita ulit ako ng librarian at bawasan ang points ko. "Oh shit, hahaha"

Kusang gumalaw ang upuan ni Thunder at dinala ito sa double door saka pinalabas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya akong magtanong sa iba kasi baka tawanan lang din ako. Pesteng Tanda.

"Need help?" Sabi ng isang babae na bughaw ang buhok, may kamukha siya pero hindi ko maalala kung sino. "I'm Riel, novice."

"Benevelle, recruit. Pwede ding Ben na lang o Beny."

Ipinaliwanag nito sa akin na hindi ko kinakailangan ng panulat para sagutan iyong basic spells mock test. Itaas ko lang daw ang hintuturo saka banggitin ang spell at susulat na iyon sa mock test kapag nakuha ko nang tama. Binigyan niya naman ako ng magic feather para doon sa history.

Mukhang history na muna ang uunahin ko.

"Wow! Ang galing," hindi siya iyong normal na history book dahil sa bawat pagbuklat ko ng pahina ay may nagpapop-up na short story tungkol sa Kromelia.

Nakita ko ang kabuuang itsura ng Kromelia na mukhang donut dahil may butas sa gitna, ang kabuuan ng academy, kung paano nagkaroon ng elemental spirits, at madami pang iba. Tuwang-tuwa kong inililipat ang bawat pahina hanggang sa narating ko ang dulo na puro na lamang class pictures ng mga alumni ng academy. Nabuburyo kong isinara ang libro.

Hindi ko naman napansin na halos wala nang tao sa silid-aklatan. Napatingin ako sa watch na hinding-hindi ko daw pwedeng tanggalin sabi ni Snow at nakitang mag-aalas dies na ng gabi. Ano ba iyan, mababawasan nanaman ako ng points.

Bagsak lalo ang balikat ko nang makita ang mga libro sa mahabang lamesa na hindi man lang nabawasan. Hay.

"Sana lumipad na kayo papunta sa mga shelves niyo," sabi ko sabay turo sa mga libro.

Nag-uunahan ang mga libro na lumipad patungo sa mga lagayan nila. "Hala, nagawa ko?"

"No, you didn't," nabuburyong sagot ni Master Ravini sa likod ko habang nakataas ang daliri nito na may puting ilaw sa dulo. Dahan-dahan kong itinago sa likod ko iyong mga mock test na hindi ko pa nasasagutan. "I already saw it. Tss, pick your books ang let's go back sa dorm." Nakanguso akong sumunod sa kaniya.

Nang makalabas kami ng library ay naroon si Thunder na nakasandal sa dingding habang nakapamulsa. "See you tomorrow," nakakakilabot na bati nito sa isip ko. Parang may masamang binabalak.

Naabutan namin si Master Harper sa living room ng dorm namin na may layout ng academy arena. Pinoposisyon nito ang mga hawak na sapphires sa mapa.

"Eat," kaswal na sabi ni Master Ravini at doon ko lamang naramdaman ang gutom.

I AM A BAD GENIE.

Nang makabalik ako sa kwarto ay binasa kong muli ang history book. Parang gusto kong iguhit sa sketchbook lahat ng napanood ko mula doon. Hindi ako dapu-dapuan ng antok. Kinuha ko ang mock test for history saka ito sinagutan gamit iyong feather pen ni Riel, hahanapin ko siya bukas para ibalik itong pen niya.

"89!?" Matapos ko kasing sagutan iyong mock test ay kusa na nitong chineck ang sarili tapos makikita kong isang item na lang na tama ang kulang ko.

Napasabunot ako sa buhok sa inis. Inulit kong basahin nang mas seryoso ang history book at natapos ko hanggang sa pinakadulong pahina. Oo, pati class pictures at pangalan ng mga alumni binasa ko. Paulit-ulit ko iyong binibigkas hanggang sa masaulo ko lahat.

"Sana ma-perfect ko na," inaantok na ako. Sinagutan ko ulit iyong mock test pero hindi ko na nahintay na matapos magcheck mag-isa ang papel. Nakaidlip ako.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now